33

155 8 0
                                    

33

TATLONG ARAW.

tatlong araw na ang nakalipas nung mangyari ang engkwentro naming apat. Hindi na ko magtataka kung bakit nakilala nya agad ang mga anak ko matalino syang tao.

Pero nakakapagtaka na hindi nya kami ginulo after nun, sa totoo lang nagantay ako na pumunta sya dito pero natatawa nalang ako kapag naalala ko yun. Bakit pa nga ba ako nagaantay dun?

"Mommy? Uuwi po ba si daddy today?" pangungulit ni Alyza sakin

Kanina pa nya ko tinatanong tungkol sa daddy nya. Kahit ako ay naiinis na kay xed kasi halos tatlong araw narin syang walang bisita samin, napektuhan kaya sya sa nangyari three days ago?

"I'll call your dad later honey, where's Ivon?"
tanong ko nang hindi makita sa likod nya

"Maybe in the backyard..mommy kuya kambal is so weird lately"
Nakangusong sabi nya saka sumubo ng dala nyang cookies

"What do you mean by that?"

She pout even more saka tumingin sakin atsaka nagsalita.

"He told me that Daddy Xed isn't our real father and he also said that the guy we saw on the mall is our real father, he's weird right?" nakangusong sumbong nya habang ako ay nanigas na sa kinatatayuan

Alam kong matalino si Ivon pero hindi ko akalain na
ganun katalino! Paano nya nalaman na si gio ang tunay nilang ama?

"Honey, go and play with your dolls"
nakangiting utos ko habang sinusuklay ang buhok nya

She kissed me before she ran towards her room. Habang ako ay tumungo sa backyard para kausapin si Ivon. Kinakabahan ako na malaman na alam na ni
Ivon ang tungkol sa daddy nila

Nakita ko si ivon na busy sa pagbabasa ng libro habang nakaupo sa may bench sa ilalim ng puno. Seryosong seryoso ang itsura nya na lumalabas ang muka ng daddy nya sakanya. Nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya

"Mommy, where's daddy?"

Natigilan ako sa salubong na tanong nya ni hindi man lang ako pinaupo ng maayos. Napabuntong hininga ako at akmang magsasalita ng unahan nya ko.

"May ibang family na si daddy diba?" bakas sa tono nya ang lungkot habang nagbabasa pa din

Agad akong tumingala nang maramdaman ang luha ko na nagbabadyang tumulo. It's hurt na kailangan pa nyang makita yun.

"S-sorry baby.. mommy c-couldn't save our family" garalgal na sagot ko saka hinaplos ang buhok nya

Narinig ko ang hikbi ni Ivon dahilan para hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapaluha.

"W-when I first met him i already know that he is our dad and it hurts to see that he has another family" diretsong sabi nya saka pilit pinapatahan ang sarili kaya niyakap ko sya para ipadama sakanyang pwede syang umiyak kahit kailan nya gusto

"Sorry anak, sorry"

Umiling-iling lang saka niyakap ako ng mahigpit na mas lalong nagpaiyak sakin

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now