23

171 6 0
                                    

Chapter 23

Nakaupo ako sa may bench na nasa garden habang nakatingin sa mga orchids ni mcquin nang may tumabi sakin. Si mcquin na nakangiti sakin saka binaling ang tingin sa orchids nya

"I know you're not okay right now, but i want you to know that gio's birthday is coming" anunsyo nya saka bumaling sakin na nakatingin din sakanya

Inirapan nya ko atsaka umayos ng upo. Birthday ni Gio? ngayon ko lang naalala ang birthday nya baka sa dami ng nangyari ay nakalimutan ko ang birthday nya.

"Ano bang plano para sa birthday nya?" walang ganang tanong ko pero interesado ako sa sasagutin nya

"As usual party nanaman"

Ngumiti lang ako atsaka tumingala napapansin kong nahiligan ko na talagang tumingin sa langit kapag nalulungkot o may iniisip ako.

"May naisip ka na bang ibigay sakanya?"

"Wala pa, ikaw?"

Lumingon ako sakanya bago ibaling ang tingin sa orchids nya.

"Siguro katulad nalang din nung nakaraang birthday nya"

Kunot noo ko syang tinignan kaya nagsalubong ang tingin namin.

"A-ano bang niregalo mo sakanya noon" taka kong tanong

Natawa naman sya at tumingin sa paligid bago sumagot.

"Lalaki hahaha joke i gave him a three days vacation ticket" he said saka tumayo at pinagpag ang suot nyang short

Nginiwian ko sya at tumingin nalang sa orchids nya ngayon ko lang talaga natitigan ng matagal to ng nandito si mcquin

"And you will come with him"
dagdag nya dahilan para mapalingon ako sa likod nyang naglalakad papalayo sakin

Kasama ako? kaming dalawa lang ni gio sa iisang lugar?

.

Dumaan ang araw at mamaya na ang birthday ni gio may naisip akong iregalo sa kanya pero dun ko nalang siguro ibibigay sa lugar na pupuntahan namin. Feeling ko excited na ko sa lugar na pupuntahan namin

Andito kami ngayon sa pool area dahil plano pala nila ng red theme party at dito sa pool gaganapin para kung gusto ng mga guest na magswimming ay pwede sila magdala ng swimsuit. Tumulong sin ako sa mga nagdedesenyo ng upuan at mini stage.

"Senyorita, doon nalang po kayo sa inyong kwarto at magpahinga" saad ni rosenda habang inilalagay ang mga napkin sa ibabaw ng mga lamesa ako naman ay ang mga table cloth


"No thanks"

Rinig ko ang pagbuntong hininga nya saka naglakad palayo nang matapos ang ginagawa. Ano akala nya makakasipsip sya sakin? pagkatapos ng mga nalalaman kong ginagawa nila kay alex sarap nilang paguntugin ng nanay nya haysss

Asan nga ba si alex? parang wala ata sya ngayon? Hindi naman nya day off. Napalingon ako sa bungad ng pool area ng dumating si mcquin at mas nakakagulat dahil kasama nya si alex na nakadress at hindi pang kasambahay. Wow ang ganda nya, sya kaya ang plus one ni mcquin? Kinikilig naman ako hehe

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now