10

213 6 0
                                    

CHAPTER 10

Niyaya nya kong kumain ngunit nag pumilit si Chris na sumama kaya di ko alam kung bakit iritado ang muka nyang nagtungo sa counter.

Hindi ko pa pala alam kung anong ginagawa nya dito kaya hinila ko sya sa damit at tinaasan ng kilay

"Bat ka nga pala nandito,aber?"

Umiwas ng tingin si Chris at napakamot sa ulo. Bumuntong hininga nalang ako at umiling dahil alam ko na ang dahilan nya.

"Lagi nanaman ba?" tanong ko

Yumuko sya at dahan dahang tumango. napairap ako sa hangin dahil kahit kailan di talaga magkakasundo ang mama at papa nya pagdating sa pera.

"May pasok ka ngayon diba?"

He nodded at narinig ko ang pag 'tsk' nya.

"Hindi nila ko pinapasok ngayon dahil wala daw silang ipapambayad ng tuition ko... samantalang ang dami nilang pangsugal" mahinang sambit nya

Naaawa ako sa pamangkin ko gusto ko syang tulungan pero alam kong wala akong matutulong sakanya.

Natigil kami nang makita ko si Gio na bumalik galing sa pagoorder natalo ko kasi sya sa pagpipili ng kakainan e. He wants to eat in expensive restaurant pero pinilit ko na dito nalang sa jollibee since mas alam ko dito kasi minsan lang naman ako yayain ni Venice sa mamahaling restaurant.

"You looked so down, why?" He asked idk if ako yun dahil di naman ako nakatingin sa kanya

Tumawa naman ang pamangkin ko at nagsalita. "Gutom lang talaga sya kaya ganyan muka nyan"

Napatingin ako sa kanila at nakita kong parehos silang nakatingin sakin kaya inirapan ko silang dalawa. Rinig ko naman ang mahinang tawa ni Gio.

"Ganyan ka pala magutom..cute" hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi nya at di ko na pinakakasayahan ng panahon alamin

Sumigla ako nang makita ang order namin at napansin naman ng dalawa ang naging reaction ko kaya parehas silang napatawa.

"Stop laughing at me" nakangusong sabi ko

Umiling si Gio habang nakangiti. Bat parang ang saya nya ngayon? Parang hindi sya yung lalaking natanggi sa date na to huh!

"Here's your food, stop sulking" he softly said saka nilapag sa harap ko ang pagkain

Hindi ko na sila inantay at kumain na ko.

NAGAYA na ko maglibot libot nang magpaalam samin si Chris na uuwi na dahil pinapauwi na sya ni Ate Bea. Pumasok kami sa loob ng Chanel dahil dun nya ko niyaya.

"Choose anything you want" tamad na sabi nya

Nanlaki ang mata ko sinabi nya at mabilis na umiling. Baliw na ba sya? Ang mahal mahal ng tinda dito e.

"H-hindi na, punta nalang tayo sa wholesale. meron naman dito nun" kabadong saad ko pero tinaasan lang nya ko ng kilay at lumapit sa isa sa mga shelf may kinuha sya dun na maliit na bag at binigay sa saleslady.

"T-teka! Sabi ko wag na"

He ignoring me at patuloy parin sya sa pagbili ng bag at bigay lang sya ng bigay sa saleslady. Napapapikit nalang ako dahil sa kahihiyan.

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now