4

251 9 0
                                    

CHAPTER 4

DI ako nakatulog kakaisip sa condition ng bwesit na baklang yun. Is he really serious about that? ako magiging gf nung kapatid nya? bakit?

"Aliyah kailangan na tayo sa mansion bumangon ka na dyan"

Napatingin ako kay mama na nakasilip sa pintuan ng kwarto ko saka tamad na bumangon at tumitig sa pader.

"Ma, may lakad ako ngayon" mahinang sabi ko

Magsasalita na sana sya nang magsalita si papa sa labas na nagpagising sa diwa ko.

"Senyorito? A-ano pong ginagawa nyo dito?" saad ni papa

Mabilis na tumungo si mama sa sala habang ako ay nakasilip sa pintuan ng kwarto ko. Anong ginagawa ng kutong lupang to dito?

"Nay, Tay, is aliyah awake?" maarteng tanong nito kila mama

Napapikit ako ng mariin dahil paniguradong magtataka si mama kung pano nya ko nakilala. bwesit ka talagang bakla ka!

"Opo senyorito, may kasalanan po ba ang anak namin?" magalang na tanong ni mama

Napabusangot ako ng natawa si mcquin at napailing. Parang may naalala ang buang

"No, but we have to go now" sambit nya at di sadyang napatingin sa direksyon ko

Ngumisi sya sakin at tinaas ang kilay kaya napairap ako sa hangin.

Lumabas ako ng kwarto at nagpamewang sa harap nya.

Tinaasan ko din sya ng kilay bago nagsalita " May gagawin kami ni mama sa mansion ngayon" I said na kinangisi lalo niya at pagak na tumawa 

"So, this is your answer?" sabi nya sabay tingin sakin ng seryoso nakaramdam ako ng kaba dahil sa titig nya na yun

"Paupuin nyo muna ang senyorito, ano ba kayo?" sabat ni papa kaya napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga dahil iba talaga ang kaba ng dibdib ko ngayon

"Thank you Tay, But i have something to say about your daughter" he said na halatang nakangisi kaya mabilis akong lumingon sa kanya at nilakihan sya ng mata

Di kasi alam ng magulang ko ang pagsisinungaling ko sa mga kaibigan ko or should I say fake friends..

"A-ano yun? Aliyah maligo ka na, ano ka ba naman" sambit ni mama

Nakatitig parin ako kay mcquin nang lumingon sya sakin at ngumisi saka tumingin kila mama at papa. I have a bad feeling about this.

"I saw Aliyah la-" tinakpan ko ang bibig nya dahil sa pagkakataranta

I saw his eyes widen dahil sa gulat kaya mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa bibig nya. Nakakahiya jusko pero desurv pa din nya.

"Oo na sasama na.. bwesit ka talaga" Inis na bulong ko sakanya

He just smirked at me at ngumiti kila mama. I just sighed at tumalikod sa kanila para maligo

"I saw her yesterday outside our mansion.. that's what i want to say" narinig kong saad nya na nagpatigil sa lakad ko at gigil na tumingin sa kanya na nakangiti habang nakikipagkwentuhan sa magulang ko

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now