Elena POV
Hindi ko mapigilan ang hindi maging excited ngayong araw. Pag gising ko pa lang kanina ay hindi na mabura-bura ang malawak na ngiti sa aking labi. Pakatanta-kanta pa nga ako habang naliligo eh.
Ewan, ang sarap lang kasing gumising na may ganito kagaan na pakiramdam. Napakasarap damhin ng umaga.
Napakasarap mabuhay. Chos!
Sa sobrang saya at excited hindi ko na rin masyadong maramdaman pa ang nananakit pa rin hanggang ngayon na aking balakang.
Mas lumalamang kasi ang kagustuhan kong muling makita at makasama si Kassan---errr, Zoe.
"Goooood morninnngggg!!!" Masiglang pagbati ko sa aking mga magulang habang nag-aalmusal ang mga ito dahil maaga na naman silang bibiyahe pauwi ng probinsya.
Ako nga rin pala ang nagluto ng almusal na kinakain nila. Hehehe.
"Abaaa! Mukhang good mood na good mood tayo ngayon anak ha! Anong meron?" Tanong ni nanay.
"Oo nga ate! Ang aga mo rin nagising kanina para magluto." Dagdag naman ng kapatid ko.
"Wala naman ho. Masaya lang talaga ang mabuhay. Chos!" Sagot ko naman sa kanila at binigyan sila ni tatay ng tig-isang halik sa kanilang pisngi.
"Alis na po ako." Sabay haplot ko sa lunch box na mayroon nang laman na pagkain para kay Zoe na siyang dahilan bakit maaga akong gumising kanina.
"Teka, hindi ka ba kakain muna?" Tanong ni tatay.
"Himala 'yan anak ha. Hindi uso sa'yo ang diet." Panunukso naman ng aking ina.
"Busog na po ako." Sagot ko naman sa mga ito. "Alis na ho ako." Muling paalam ko pa. "Ingat ho kayo sa biyahe!" Pahabol na sigaw ko pa.
Excited na akong ipatikim kay Zoe ang niluto kong cordon blue para sa kanya. Hindi na ako makapaghintay pa na ibahagi sa kanya ang isa sa paborito kong lution na pagkain. Hayyyy!
Pwede bang lumipad na lang ako para lang makarating agad sa St. Claire? Reklamo ko sa aking sarili habang naiinip na nakasakay sa bus.
At katulad ng inaasahan kahit na hindi pa rin ako sanay, nasa may gate na agad si Zoe at inaabangan ako.
Malayo pa lamang ako pero parang naka-zoom in na agad ang aking mga mata at kitang-kita ko na siya habang naghihintay sa akin.
Ganoon din ito sa akin. Agad na kumaway-kaway siya noong makita akong naglalakad papalapit sa kanya.
"Good morning, Piggy!" Nakangiting pagbati nito sa akin bago ako inakbayan.
"G-Good morning din." Ganting pagbati ko sa kanya.
Agad na napansin ko 'yung mga estudyanteng nanonood sa amin na grabe kung magbulungan at pagkatapos ay iirapan ako na para bang wala nang bukas pa.
"Don't mind them." Bulong ni Kassan--- este Zoe sa aking tenga dahilan para mawala ang focus ko sa kanilang lahat.
Napatango ako at pilit na binalewala na lang ang mga matang nakatingin sa amin, na halos kulang na lang din ay patayin ako sa talim ng kanilang mga tingin.
---
Lunch time.
Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agad na nagtungo ako sa likod ng gym kung saan kami madalas tumambay ni Zoe.
Kung kanina na-e-excite lang ako, ngayon naman at may halo nang kaba ang aking nararamdaman. Kinakabahan na baka hindi niya magustuhan ang niluto kong pagkain para sa kanya.
YOU ARE READING
My First Love Is A Superstar (GirlxGirl) [ Currently Re-reading & editing ]
RandomI love her. But all I can do right now is love her from afar. Kasi sino ba naman ako para mapansin pa niya, 'di ba? Isa pa, hindi naman na niya ako makikilala. She is a superstar now. Hinahangaan, pinagkakaguluhan at tinitilian ng marami. Napakalayo...