Elena's POV
Hindi ko mapigilan ang magtitili habang pumapadyak pa ang mga paa noong makapasok na ako ng tuluyan sa kwarto.
Mabuti na lang din at hindi pa pumapasok si Kassandra.
Oh my gulay!
Hindi ko alam tuloy kung paano siya titignan at haharapin ngayon. Kung bakit ko naman kasi siya hinalikan na lang bigla?
Waaaaah! Pero hindi ko naman kasi masisisi ang sarili ko eh. Nadala na ako ng sobrang emosyon at hindi ko na kaya pang pigilan ang sayang nararamdaman ko.
Hays! Bahala na nga! Ang mahalaga...
Natigilan ako sandali bago napatakip sa sariling bibig.
Inamin niya sa akin na gusto niya ako?
Gusto niya ako bilang isang Elena. Pero hindi niya alam na ako at si Piggy ay iisa.
Hays! Parang tanga na ginugulo ko ang aking sariling buhok. Ano ba naman kasi itong pinasok ko? Ang komplikado naman.
What if aminin ko na lang kaya sa kanya ang totoo?
What if sabihin kong.... HINDI.
Hindi pa pwede. Alam ko kasi na hindi pa ito ang tamang panahon para i-distract siya sa ibang bagay. Lalo at patapos pa lamang ang series na ginagawa niya.
"Are you okay?"
"Ay! Anak ka ng ina mo!" Gulat na wika ko noong biglang pumasok si Kassandra sa kwarto at pagkatapos ay natawa ito ng mahina dahil sa naging reaksyon ko.
Kagat lagi itong lumapit sa higaan bago ngingiti-ngiti na muli akong tinignan.
"Nagsisisi ka na bang hinalikan mo'ko?" Paawa effect na tukso nito sa akin. At diretsahan ding tanong niya.
Wala man lang paligoy-ligoy mga bes!
Juice colored mabuti na lang at napakagandda niya kundi babatukan ko ito eh.
Awtomatikong namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya kaya sa sobrang kahihiyan ay magwa-walk out sana ako nang mabilis niya akong mahawakan at pigilan sa aking braso kaya paupo na muling bumagsak ako sa higaan.
Atsaka walang sabi na hinawakan niya ako sa aking pisngi at mabilis pa sa alas kwatro na muling ipinagdikit nito ang aming labi.
My mind wants to protest ngunit walang magawa ang katawang lupa ko kundi ang hayaan lamang siya sa kanyang ginagawa. Hanggang sa tuluyang magsimulang gumalaw ang kanyang mga labi kaya napapikit na lamang din ako at dahan-dahan na sinabayan ang paggalaw ng kanyang labi sa akin.
Napakalambot ng labi niya at nalalasahan ko pa 'yung lasa ng toothpaste na ginamit niya.
Mas lalong nilaliman nito ang paghalik sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mapa-moan ng mahina, especially when she gently bit my lower lip, it became an opportunity for her to slip her tongue in and start exploring my mouth.
Gosh! Para bang napaka-expert niya sa panghahalik. Samantalang ako hindi ko alam kung paano ko nagagawang sabayan ang mga ginagawa niya, pero sa totoo lang nalulunod na ako.
Nakakapanghina ng tuhod at katawan ang ginagawa niya. Ngunit alam ko sa sarili ko na nagugustuhan ko naman ito at ang hindi ko maintindihan eh kung bakit parang nagki-crave pa ako for more.
Hanggang sa namalayan ko na lang na unti-unti na niya akong inihihiga sa kama habang nasa ibabaw ko siya. Hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga labi, rinig na rinig ko ang tunog ng bawat halik na ibinigay namin sa isa't isa.
YOU ARE READING
My First Love Is A Superstar (GirlxGirl) [ Currently Re-reading & editing ]
RandomI love her. But all I can do right now is love her from afar. Kasi sino ba naman ako para mapansin pa niya, 'di ba? Isa pa, hindi naman na niya ako makikilala. She is a superstar now. Hinahangaan, pinagkakaguluhan at tinitilian ng marami. Napakalayo...