CHAPTER 37

319 17 1
                                    

Elena's POV



Tulala at hindi parin ako kumikibo noong makarating kami ni Luna sa tapat ng apartment ko.

Ni parang ayaw kong bumaba ng sasakyan at ihakbang ang mga paa ko papasok ng gate dahil alam kong wala akong ibang makikita sa apat na sulok ng apartment ko kundi si Kassandra.

Alam ko kasi na mapupuno lamang ako ng pag-aalala.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong pwedeng gawin para man lang makalapit o maalagaan siya.

I silently pray na sana panaginip na lang ang lahat ng ito. Ngunit alam ko deep inside and in my heart na totoo ang lahat ng nangyayari. At wala akong ibang kailangan gawin kundi ang magpakatatag para kay Kassandra.

"Kung ayaw mong pumasok sa loob, pwede namang dun ka na muna sa condo ko." Mahinang sabi ni Luna bago ako inabutan ng panyo.

Nagtatanong ang mga mata na tinignan ko siya atsaka sa hawak niya.

Panahinga siya ng malalim.

"Umiiyak ka na naman." Tsaka siya na mismo ang nagpunas ng luha sa aking pisngi noong hindi ko kinuha ang panyo mula sa kanya.

"Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'wag ka nang umiyak. O bawal kang umiyak. Because I understand how you feel. And I'm sorry about what happened earlier." Pagpapatuloy pa niya bago napabaling sa ibang diresyon. "Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang ginawa sa'yo ni Auntie. But don't worry, I'll handle that pati na rin 'yung witch naming kaibigan." Tukoy nito kay Annia.

"But you know what? I hate seeing you cry." Atsaka inis na muling nagbaling ito ng kanyang tingin muli sa akin. "Because I'm used to seeing you strong. You didn't let anyone push you around like when we were in high school. I never even saw you cry when we used to bully you." Dagdag pa niya. "But now? I don't know."

Muling napahinga siya ng malalim.

"You really love her, do you?" Tanong nito sa akin. "I mean...Kassandra."

Napatango ako bilang sagot.

Ganoon din siya napatango-tango ng maraming beses bago mabilis na muling binawi ang mga mata sa akin.

"Ouch!" Pabirong sabi niya habang napapahaplos sa kanyang kaliwang dibdib. "And now...she even your weakness."

Napayuko lamang ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang dapat na sabihin sa kanya.

Pagkatapos noon ay binalot na kami ng nakakabinging katahimikan.

Nagulat na lamang ako nang buhayin nitong muli ang makina ng kanyang sasakyan.

"L-Luna, ibaba mo na ako. U-Uuwi na ako." Mahina ang boses na wika ko dahil inaamin kong wala na talaga akong energy pa lalo ngayon.

Ngunit tila ba wala itong narinig at nagpatuloy lamang sa kanyang pagmamaneho.

"Too late dahil nasa highway na tayo."

"Saan ba tayo pupunta?"

But again, hindi na naman ako nito sinagot.

Hindi na lamang ako muling kumibo dahil kahit makipagtalo, wala na rin akong lakas pa.

Hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang convenience store.

Mabilis na pinatay ni Luna ang makina at bumaba ito ng sasakyan. Akala ko papasok na siya sa loob ng store pero umikot ito sa passenger seat at pinagbuksan ako ng pintuan.

My First Love Is A Superstar (GirlxGirl) [ Currently Re-reading & editing ]Where stories live. Discover now