Elena POV
Pagkatapos na pagkatapos ng aming klase para sa araw na ito ay masasabi kong wala pa rin talaga ako sa tamang huwisyo. Dahil 'yung thoughts ko ay talagang lumilipad pa rin dahil kay Zoe.
Isa pa, paano naman kasi ako makakapag-concentrate sa mga klase kung meron akong maganda at mala-dyosang katabi sa upuan na nahuhuli kong nakatitig lamang sa akin palagi.
At ang malala pa roon, sa tuwing nahuhuli ko siya, hindi man lamang niya magawang alisin ang mga mata niya sa akin. Talagang ipapakita niya pa na tinitignan niya ako at bibigyan pa ako ng killer smile niya.
Susmaryosep!
Bakit ba kasi may ginawa si Lord na nilalang na katulad ni Zoe? Ang hirap hindi kiligin at ang hirap itago 'yung saya na nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya.
Pero bakit nga ba kasi ako kinikilig sa kanya?
Ilang beses ko na nga bang tinanong sa sarili ko kung 'bakit'? At bakit ganito na lamang kalapit ang loob namin sa isa't isa?
Hindi kaya tama ako ng hinala na may crush sa akin si Zoe?
At pati tuloy ako nagdududa na rin sa aking sarili.
Hindi kaya pati ako ay nagugustuhan ko na rin si Zoe? Hindi bilang isang kaibigan o kaklase, kundi higit pa roon?
Alam ko naman kasi talaga sa sarili ko, bata pa lamang ako na ang puso ko ay pusong lalaki. Hindi man ako showy o hindi man nakikita sa pananamit at mga kilos ko, pero alam ko sa sarili kong never akong nagkagusto o nagkaroon ng crush sa isang lalaki.
Alam din 'yun ng mga magulang ko. Sa lahat ng tao sila ang una at higit na nakakakilala sa akin. Hindi ako nag-confess sa kanila o nag-come out. Sila na mismo ang nagsabi sa akin noon pa man na lalaki man o babae ang mapupusuan ko balang araw, hindi nila ako pipigilan. Basta alam nilang hindi ko iyon ikapapahamak at alam nilang mahal ko 'yung tao at minamahal din ako.
Pero teka nga, mahal agad? Tuyo ng aking isipan.
Napailing ako ng maraming beses sa aking sarili habang naglalakad palabas ng gate nang may biglang umakbay sa akin.
"Ang lalim naman ng iniisip mo. Care to share?" Tanong nito.
Pigil ang ngiti at hininga na nagpatuloy lamang ako sa aking paghakbang dahil si Zoe lang naman pala ito.
Ba't ba ang clingy niya masyado? Hindi ko na kayang pigilan itong sarili ko. Baka sa susunod na mga araw mapansin ko na lang na hulog na hulog na ako sa kanya.
Pilit ko namang pinipigilan ang kiligin pero hindi ko magawa. Masyadong malakas ang charm ni Zoe para hindi ako kiligin sa araw-araw na nakikita at kasama ko siya.
"Uwi ka na or diretso ka sa eatry ninyo?" Tanong nito sa akin habang nakaakbay pa rin.
"U-Uuwi na." Tipid at nauutal na sagot ko sa kanya. Gusto ko siyang itulak palayo at alisin ang pagkakaakbay niya sa akin pero hindi ko magawa. "Maaga kasi akong pinauuwi nila nanay. May kailangan daw kaming pag-usapan." Dagdag ko pa.
Napatango naman ito bago huminto sa kanyang paghakbang kaya napahinto rin ako.
Sandaling napatingala ito sa langit nung biglang kumulog ng mahina.
"The sky is so dark and not a single star can be seen up there." Natawa ako sa sinabi nito. Ngunit agad ding natigilan nang muling magbaling siya ng kanyang paningin sa akin.
YOU ARE READING
My First Love Is A Superstar (GirlxGirl) [ Currently Re-reading & editing ]
RandomI love her. But all I can do right now is love her from afar. Kasi sino ba naman ako para mapansin pa niya, 'di ba? Isa pa, hindi naman na niya ako makikilala. She is a superstar now. Hinahangaan, pinagkakaguluhan at tinitilian ng marami. Napakalayo...