Kassandra/Zoe's POV
Napahinga ako ng malalim noong muling tinignan ko ang wrist watch ko. Mag-aalas onse na ng gabi pero hanggang ngayon wala pa rin si Elena. Hindi pa rin siya nakakauwi sa kanyang apartment.
Bakit ko alam? Eh kanina pa ako nandito at naghihintay sa kanya. Ni hindi nga niya sinasagot ang mga text messages at tawag ko.
Ewan ko rin at kung bakit hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala sa kanya.
Mabilis na napahawak ako sa aking tiyan noong muling kumulo ito. Gosh! Gutom na gutom na ako. Pero ngayon lamang ako nagtiis na huwag kumain dahil may gusto akong kasabay sa pagkain.
What the hell is happening to me?! Kaya ko namang umorder na lang ng pagkain para sa akin at kumain mag-isa, pero bakit ngayon hindi ko magawa? Tsk!
Hayst! Nasaan na ba kasi siya?! Muling tanong ko sa aking sarili at nagpasyang lumabas na lamang ng building ng apartment niya. Mas mabuti pa siguro kung sa labas na lamang ako maghihintay para mas mabilis ko rin siyang makita.
Sakto noong makalabas ako ng building at nakakailang hakbang pa lamang ng makita ko si Elena na naglalakad. Mukhang wala ito sa sarili at malalim ang iniisip habang merong bitbit na ilang plastic bags at isang malaking paper bag na sa tingin ko ay mga pinamili niya.
Agad na sinalubong ko siya ngunit noong magtama ang aming mga mata ay mabilis itong napaiwas ng tingin mula sa akin at nilampasan lamang ako.
Awtomatikong napakunot ang noo ko at mabilis siyang sinundan. Tahimik lamang kami pareho mula sa elavator hanggang sa makapasok sa mismong unit niya.
Sinubukan ko pa rin ang hindi magsalita kahit na gustong-gusto ko na siyang kausapin. Sinusubukan ko kung kakausapin niya ba ako ng kusa ngunit nakakailang minuto na kami na magkasama eh parang wala siyang balak na basagin ang katahimikan.
"Sabi ko naman sa'yo susunduin kita para sa dinner, di ba?" Malumanay ang boses na basag ko sa bumabalot na katahimikan, habang tahimik na inaayos nito ang mga pinamili niyang can goods, noodles and ibang ingredients na kailangan niya sa pagluluto niya.
Ngunit hindi pa rin ako nito sinasagot.
"I've been waiting for you here for a while. And you don't answer my calls and messages either. Ayos ka lang ba?" Paliwanag ko at dagdag na tanong na rin sa kanya.
Pero parang wala pa rin siyang naririnig kaya napahinga akong muli ng malalim. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses akong napabuntong hininga ngayon dahil sa pag-aalala sa kanya.
Nag-aalala sa hindi ko rin malamang dahilan. Oh my gosh!
"Is there anything that is bothering you?" Tanong kong muli.
"May problema ka ba?" Dagdag ko pa noong hindi pa rin siya sumasagot.
"Wala." Tipid na sagot nito sa akin.
Finally!
"May nagawa ba ako?" Dagdag na tanong ko bago humakbang pa ng dalawang beses palapit sa kanya.
"Wala nga Kas." Tipid pa ring sagot niya. Ngunit hindi pa rin makatingin sa akin.
"Eh bakit parang iniiwasan mo ako?" Patuloy na tanong ko pa rin. "Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, hindi ka rin nagre-reply sa mga messages ko." Sabay pout ko. Lihim at umaasang sana naman ay umepekto sa kanya.
"What?! Of course not!" Agad naman na depensa niya at umalis sa harap ko, pero syempre sinundan ko pa rin siya.
"Then why are you acting this way?"
YOU ARE READING
My First Love Is A Superstar (GirlxGirl) [ Currently Re-reading & editing ]
RandomI love her. But all I can do right now is love her from afar. Kasi sino ba naman ako para mapansin pa niya, 'di ba? Isa pa, hindi naman na niya ako makikilala. She is a superstar now. Hinahangaan, pinagkakaguluhan at tinitilian ng marami. Napakalayo...