Elena's POV
Kinabukasan, maaga akong nagising para mag-prepare ng breakfast nina Kassandra. I was humming while cooking until the doorbell rang.Nagtaka pa ako kung sino ito ngunit hindi na ako nagdalawang beses na pagbuksan ng pinto ang kung sino mang nasa labas dahil may naiwan akong niluluto sa kusina nang...
"Good morning!" Masiglang pagbati ni Annia habang merong malawak na ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko naman mapigilan ang magulat dahil sa magiliw na bungad nito. Ngunit mabilis ding nawala ang malawak na ngiti sa kanyang labi noong makitang ako ang nagbukas ng pintuan para sa kanya.
"Hindi na pala GOOD ang morning ko." Sabay irap nito sa akin at itinulak ako. "Tabi nga riyan!" Pagkatapos ay tuluyang pumasok na sa loob at nilampasan lamang ako.
Iiling-iling na lamang akong bumalik sa kusina. Habang si Annia naman eh dumiretso sa kwarto ni Kassandra. Si Roxanne naman eh kasalukuyang naliligo na ngayon at hinihintay na lamang din na matapos si Kassandra sa kanyang pag-prepare.
Habang kumakain kami eh panay ang pagbanggit ni Roxanne kay Kassandra ng mga appointment nito ngayong araw. At sa dami ng mga binaggit niya, wala na akong matandaan sa dami mga ito at wala na ring ibang masabi kundi, grabe! Siya na ang may pinaka-busy schedules na taong nakilala ko sa tanang buhay ko.
At ako? Heto, tahimik lamang na kumakain. Hindi rin ako makatingin kay Annia dahil panay ang pagtapon nito ng mga matatalim na tingin sa akin.
Ke aga-aga eh daig na naman niya ang pinagsakluban ng langit at lupa. Kalma, wala pa naman akong ginagawa ah.
Pagkatapos naming kumain eh nagmamadali na si Roxanne na ihanda ang iba pang kailangan ni Kassandra para sa araw na ito.At habang nagliligpit din ako ng at nag-aayos ng mga pinagkainan namin sa kusina eh biglang may humila sa buhok ko.
Napa-aray pa ako nang mahila nito ang pinakahibla ng buhok ko. Ang sakit kaya no'n, kaya naman kaagad na tinignan ko ng masama si Annia.
"What? Inis ka? 'Wag kang mag-alala the feeling mutual." Sarkastikong sabi nito sa akin bago ako mataray na tinignan mula ulo hanggang paa.
"Talagang hindi ka marunong makinig, ano? Hindi ba malinaw ang pagkakasabi ko sa'yong---"
"Uhh, excuse me girls? We need to go." Awtomatikong napahinga ako ng maluwag noong biglang sumingit si Roxanne sa eksina. Naputol ang gustong sabihin ni Annia kaya ako naman eh mabilis na lumapit kay Roxanne.
"Pinapasabi ni Kassandra na isasabay ka na namin pauwi sa apartment mo." Saad ni Roxanne bago ibinaling ang mga mata sa iritableng si Annia habang bwisit pa rin na nakatingin sa akin.
"What about you, Annia? Will you join us in the interview this morning?" Tanong nito kay Annia.
"Of course, that's why I'm here to support MY Kassandra." May diin na sabi nito sa dulo bago ako nginisian.
Iyong ngisi na pinapamukha niya sa akin na sa aming dalawa palagi siyang may access na makasama si Kassandra even in the near future.
Kung makapag-asta naman siya akala mo talaga jowa siya ni Kassandra. Nakakainis lang at napaka-unfair lang minsan ng buhay. Bakit si Annia pwedeng pumunta kung saan man si Kassandra, hindi na rin kailangan pang i-question ang pagkatao niya dahil kilala rin ng buong bansa na best friend siya nito samantalang ako...hayst!
Buong biyahe iyon lamang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko kaya wala rin akong kibo kahit pa dinadaldal ako ni Roxanne.
Pagdating namin sa tapat ng apartment ko ay hindi pa rin ako umiimik, nagpaalam lamang ako kay Kassandra at Roxanne at pagatapos noon ay kaagad na tumalikod na ako.
YOU ARE READING
My First Love Is A Superstar (GirlxGirl) [ Currently Re-reading & editing ]
RandomI love her. But all I can do right now is love her from afar. Kasi sino ba naman ako para mapansin pa niya, 'di ba? Isa pa, hindi naman na niya ako makikilala. She is a superstar now. Hinahangaan, pinagkakaguluhan at tinitilian ng marami. Napakalayo...