*few months*
Sheriena Gail Tamonte
"Travis sigurado ka bang di ka sasama samin sa bayan? Di ko pa kasi alam masyado ung daan dun. Baka maligaw pa kami ni baby Glein" sabi ko kay Travis na nakahiga pa sa sofa ng tumingin sakin.
"Sige saglit lang." Sabi na lang nya tsaka tumayo sa sofa na kinalalagyan nya. Nginitian ko lang ang baby na nasa lap ko at nakatingin lang sakin. Hobby na yata kasi ng cute na batang to na tumingin tingin na lang eh. Ewan ko ba.
"Bibili na tayo ulit ng diapers mo baby.. Ano pang gusto nyan hmm?" Nakangiting sabi ko at muling nilapit ang mukha ko sakanya at hinalikan ang forehead ng baby ko. Ewan ko kung bakit na isipan ni Travis na lumipat kami ng bahay. Malaking bahay na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang dito ay halintulad lang din ang bahay na ito tulad ng tinitirhan ko dati.
Yung tulad ng tinitirhan namin dati ng daddy ng baby ko.
Yun. Ok na ako sa buhay. Di ko sya kailangan. Gusto ko lang ay may daddy ang baby ko. Kahit hindi ok sakin na maging daddy si Travis, tatanggapin ko na lang. Sya naman kasi bumubuhay saming dalawa eh.
Napatingin na lang ako kay Travis ng kuhanin nya ang malaking bag kung nasan nandun ang mga gatas ni Baby at pumunta sa labas, tahimik na din ako lumabas para maihanda na nya yung kotse habang buhat buhat ko ang baby ko.
"Travis?" Banggit ko sa pangalan nya. May gusto lang akong itanong.
"Oh?" Tanong nya habang nakatingin sa mga susi ng kotse para ihanda ang pagpunta namin sa maliit na bayan na medyo malapit dito. Wala pa rin itong pinagkaiba tulad ng dati. Ang lalaki pa rin ng bahay at nakakasigurado na akong mga bampira ang nasa loob ng mga yan. Nakakakilabot pa din.
Tulad pa rin ng dati. Yung umalis kami dito ni Travis kasama nung 3 weeks na daladala ko na ang baby ko sa tiyan ko. Somehow, ayaw ko na ring bumalik dito.
"Bakit ba kasi lumipat pa tayo dito? Ayaw mo ba sa syudad?" Tanong ko sakanya. Hindi naman sa nagmamaarte ako o ano. Nagtatakha lang talaga kasi ako. Ilang gabi sya nawawala tapos sasabihin nyang lilipat na lang kami dito.
Seriously?! Hindi ko na iintindihan.
"Bakit? Ayaw mo rin ba dito?" Narinig kong sabi nya bago ko narinig na bumukas ang makina ng kotse.
"Uhm.. Ewan. Diba linayo layo mo pa ako dito? Bakit babalik ka pa?"
Di ako galit o ano. Sinasabi ko lang ang opinyon ko maging ang gusto ko na maging kinabukasan ng anak ko. Ewan ko eh. Gusto kong makalayo si Baby Glein sa mga bampira. Ayokong maging miserable ang buhay nya.
Naramdaman ko na lang hinawakan ni travis ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya na busy sa pagd drive.
"Wala namang masamang mangyayari sa anak natin" simpleng sabi nya at muling hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Napangiti na lang ako dahil tinuturing nya talagang anak si Baby Glein. Ang swerte naman ng anak ko.
Ako lang ang hindi.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
1:42pm*baby Cries*
"Ssh.. Tahan na baby" karga karga ko si baby Glein n wala paring tigil sa pagiyak ng pumunta sa maliit na drawer kung saan nakalagay ang mga gamit nya. Inihiga ko muna sya sa kama habang nagwawala parin at todo iyak. Iginala ko ang tingin ko sa kwarto.
Wala si Travis.
Kunot noong nagtimpla ako ng gatas ni baby glein. Ayaw pa rin nyang tumahan. Di yata sanay dito sa malaking bahay. Di tulad sa syudad, halos 3 taon na yata kami nakatira dun at ngayon pa naisipan ni Travis na lumipat.