3rd Person's Pov (9:45 pm)
Madilim ang kwartong pinasukan ng isang binata habang tinutungo ang mahabang espasyo ng bahay. Nakapatay na ang mga ilaw kaya makakasigurado syang wala na gaano ang makakakita sakanya. Ngunit makakaramdam, meron. Oo,siguro meron?
Nasa itaas na bahagi sya ng bahay. Napakalawak nito, madilim, masyado ring tahimik. Nag iisa lang sya ngayon dahil wala ang kaibigan nyang si luke na ngayon ay kasa kasama si Treice. Kailangan nyang gawin ang bagay na ito para magtiwala sakanya ang dalagang si treice. Wala syang magawa sa buhay, kung kaya't mas pinili nyang pasukin ang kagulahan. Masyado nang bulag ang kaisipan nya para umurong pa.
Nasa gilid sya ng mahabang hagdan habang patuloy na naglalakad. Isang ilaw lang ang nakita nyang bukas sa oras n aito at yun ay ang living room sa baba ng hagdan na tinatahak nya. Binubuksan ang kada kwartong dinadaanan nya at tahimik na kinikitil ang mga buhay ng kababaihang katulong sa bahay na ito na makakapagpagawa ng ingay para mabuking sya.
"Barbara" bulong nya habang nakakunot ang noo. Nakasilip sya sa baba. Sa ibabang babahagi, which is hallway ng buong mansion na mapapansin mo ang kalakihan ay makikita ang living room kung saan nya huling nakita si barbara at si miara na umiinom pa ng alak at nag uusap ay ngayon na nawawala sa oras na ito.
Si barbara, wala na ito sa oras na ito, hindi tulad kanina. Samantalang si Miara lang ay nakatulog na sa pagkalasing sa isang sa living room.
"Ako ba ang hinahanap mo sa baba?" Tanong tanong ng isang babaeng boses. Pumorma ang labi nya sa isang ngisi. Di sya nagkakamali na palaging nakakaramdam si barbara kahit na wala ito sa huwisyo. Magandang babae si barbara, at may mapaglarong isip din.
"Sinong balahura ang nagsabing pwede kang pumunta dito?"
Madilim man ang bawat daang tinatahak nya ay kitang kita nya ang nanlilisik na mata ng dalaga. Naiirita ito at wala nang duda. Nasagap nanaman ng di umano'y instinct nya ang nasa isip ng lalaki.
"Ang ate mo" simpleng sagot ni jericho at napasandal pa sa gilid ng hagdan habang nakatingin sa dalaga. Sandaliang dumukot ito ng lighter sa bulsa at sinindihan ang sigarilyong hawak nito.
Hindi manlang nakaramdam ng konting gulat si barbara. Alam nyang kauri nya ang ate nya, naagaw nga ang boyfriend nya. Iba pa bang kahayupan?
"Kung ano man ang pinapagawa sayo ni treice. Wag mo na lang gawin. And you better leave this house. Madami ka na palang napatay eh"
She's reffering sa lahat ng mga maid na nakahilata sa mga kada kwarto. Oo nga, napatay nya ang ilan sa mga maid ng bahay. Napatawa ng sandali ang binata at bigla na lamang na wala ng marinig ang iyak ng isang bata. Napukaw ang tingin nya sa iyak ng batang babae sa kwarto.
Si stein, nasa kabilang kwartong hindi pa nito napupuntahan. Napako ang tingin ni jericho sa kwartong yun atsaka binalinggan ng tingin ang dalaga.
"What the hell are you looking at? Nagising pa tuloy ang bata sayo" paninisi ni barbara rito. Kahit na kababata nya ang lalaking ito, ay di nawala sa isip nya na kayang kaya siya nito traydurin. Kakaiba pa naman ang ugaling meron si jericho.
"Gusto kong makita ang anak ni Miara at kleigh. Ang batang si stein" simpleng tugon nito at nagsimulang maglakad papalapit sa kwarto.
"Para san pa? Umalis ka na lang kaya dito, gago ka." Singhal ni barbara dito. Naglalakad lang ang binata na wari mo'y walang naririnig.
"Puta ka. Sabing umalis ka" pag uulit ni barbara dito. Nakakunot na ang noo nya habang binubuksan ni Jericho ang doorknob ng pinto. Nangunot ang noo nya. Naiinis sya. Nagagawa nga ito ng ate nya. Nahihibang na siguro.