>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Sheriena Gail Tamonte PoV
* 5:47pm *
Nakailang tingin na ako sa sasakyang nasa tapat ng bahay naming dalawa ng daddy ng baby na kanina ko pang hawak sa oras na ito. Ngayon ko nga lang masasabi na nakalayo na nga kami ng baby ko sa bahay namin. Ugh. Nakakainis naman eh. Bakit ba kasi ako lakad ng lakad.
Pero alam ko nanaman kung saan ulit ang direksyon papunta sa bahay. Kakaliwa muna, tapos diretso, kanan tapos biglang kaliwa tapos kanan... Tapos diretso ulit at..
Ok. Wag muna natin pag usapan yun. -__-
Binalikan ko muli ng tingin ang sasakyang kanina pa tinitignan ni baby Glein. Hindi ako nagkakamali. Sasakyan ko talaga to. Buti hindi pa tinatapon o ano. Nakita ko rin to nung pumunta kami sa tapat ng bahay na nakikita ko ngayon kasama si Travis. Napagkamalan ko pa ngang kay Miara to kaya di ko na pinansin. Mukhang okey pa kasi ang kotseng to at talagang alaga sa loob ng mahigit 2 taon.
Pero ito talaga eh. Impossible kung hindi.
Kotse ko to mula sa syudad. Alalang alala ko pa kung pano ko ipark ang kotseng to ng mabilis dahil alam kong mapapagalitan ako ni kle--- ng daddy ni Glein nung gabi na ako umuwi kasama si Travis na dinala pa ako sa bayan.
Oo. Tanda ko pa. Grabe ang kaba ko nun dahil alam kong mapapagalitan ako. Natatawa akong tumingin kay baby Glein na nakatingin sa kamay ko.
"Pasok tayo, baby" bulong ko kay Glein na nakatingin sa loob ng sasakyan. Tingin na lang ng tingin ang batang to. Di pa naman yata sya nagugutom. Di ko kasi nadala ung gatas nya kahit na kanina pa kami gala ng gala sa mala gubat na lugar na ito.
Napasinghap na lang ako sa sobrang linis ng loob ng kotse. Nagtakha Lang ko kung sinong maglilinis ng kotseng to kung hindi naman binabalikan ng may ari. Nawala ko na rin yata ang susi ng kotseng to ok lang kung tambayan ko lang.
"Dyan ka muna" sabi ko kay baby Glein na kinakain nanaman ang daliri nya habang nakatingin sa labas. Nilagay ko kasi sya sa passenger seat ng kotse samantalang ako nasa driver seat. Tahimik kong binuksan ang mga binatana ng kotse. Hindi naman sa mainit pero gusto ko lang ng mahangin. Kung sabagay ang hangin hangin pa dito.
"Ok ba?" Nakangiting sabi ko kay baby Glein na feel na feel ang upo sa pasenger seat habang ang ulo ko ay nakasalampak sa manebela ng kotse. Ang cute cute talaga ng baby ko. Ang liit liit tapos ang gwapo pa. Sigurado akong madaming papaiyaking babae ang batang to paglaki nya.
*chuckles*
O___O
Nandilat nalang ang mga mata ko ng marinig kong tumawa ang anak ko. Ang alam ko'y puputi muna ang uwak bago tumawa to eh. Gosh. Tumawa nga. Impossible. Hindi naman sya ganito, kahit ilang bulaga na ang gawin ko hindi parin ngumingiti ang baby ko. Na abno yata sa pagsakay sa kotse ko kaya naging ganyan.
"Tawa ka pa dali. " natatawang sabi ko ng makita ko pa syang pumapalakpak ng mahina. Ang liit liit ng kamay nya tapos papalakpak--
*tok*tok*
Nawala ang ngiti ko kay Baby Glein ng marinig ko ang dalawang katok sa likod ko. Nasa bintana ng kotse.
"Miss" sabi niya habang nakangiti sakin. Wala akong ginawa kundi kuhanin basta ang anak ko na nasa passenger seat habang nakatingin pa rin sakanya. Pakiramdam ko ngayon nagtaksil na ako kay Travis. Sabi pa naman nya wag na akong gumala eh.
3rd Person's Pov
"Aalis ka agad?" Tanong nya kay Gail ng makaikot na sana sa sya sa kotse para umupo sa passenger seat.