Chapter 24

3.4K 93 5
                                    

>>>>>>>>>>>>>>> (10:34pm)

Sheriena Gail Averson POV

Napapikit ako habang karga karga ang anak ko sa loob nang kotse na kasalukuyang minamaneho ni Travis. Ang bilis kong mapagod, pero kinaya ko pa din. Gusto kong masaya kami lahat. Ang anak ko pati ang asawa ko. Pinunta kami ni Travis sa isang mamahaling restaurant, sumunod nun ay nagpunta kami sa lugar kung saan madaming tao. Sa Manila Ocean park, ang dami ding mga bata lalo na ang isda. Nakakamangha. First time ko na lang ulit nakapunta sa lugar kung saan madaming tao, hindi na ako sanay dahil palagi lang namang nasa bahay ako. Kami nang anak ko kaya libot na libot ang mata nya habang nag iikot kami.

Nag pungay ang mga mata kong nang maramdaman ang kamay ni Travis, nasa kamay ko din. Nilingon ko sya, nakatitig ang mga mata nya ay seryosong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Hinawakan ko lang din ang kamay nya at tumingin sa labas.

Malapit na kami sa bahay. Nakikita ko na kasi ang mga matataas na puno, masyado na ring madilim. Walang street lights, tanging ang ilaw lang sa Kotse namin galing ang ilaw. May mga ilaw sa bawat bahay. Nakakakita ako nang malalaking bahay, masasabi kong luma pero maganda. Hindi ko masasabing walang nakatira dito dahil may nakikita ko din akong iba tuwing sisilip ako sa bintana nang bahay namin. Di sila tao. Ibang uri nang nilalang o maari ko ding sabihin bilang bampira.

May ilaw ang bawat bahay, sa loob. Napaka creepy kung tuusin.

Pero isa lang alam ko, bampira sila. Silang lahat.

Napapaligiran ako nang bampira.

"Wag kang tumingin sa labas, gail."

Napatingin ako sakanya.

".. Matulog ka nalang" dugtong nya pa. Tumango na lang ako at humikbi pa. Nakaantok na talaga. Sumandal ako sa passenger seat, hindi naman ako sanay nang nakakatulog sa biyahe. Tsaka nakakahilo dahil masukal ang daang dinadaanan namin, may mga bato bato puro damo din. Hindi kasi sementado ang daan. Napakalayo sa kabihasanan. Mamaya maya din naman baba na kami dahil tingin ko'y malapit na kami sa bahay.

NAPAKAGAT ako nang labi at sinubukang i hele si Baby Glein, nagugutom na siguro. Di ko pa naman dala ang tsupon nya, naubos na din kasi nya habang nag gagala kami kanina. Kasi naman eh, iiyak to.

"Ssh.. Tulog ka na baby Glein" pagsusumamo ko sa anak ko habang hine hele sya, naramdaman kong napatingin samin si Travis. Di ko sya magawang tignan, busy ako sa anak ko. Hindi ko alam kung pano sya patatahin. Gusto ko sanang tawagin si travis, kaso busy din sya sa pag d drive. Magaling pa naman sya magpatahan nang bata.

Patagal nang patagal lumalakas ang iyak ni baby Glein, ayaw na yata tumigil. Kasalanan ko naman kasi eh, dapat di ko nilahat ang powder milk nya kanina. Kaya ayan tuloy, walang maiinom ang baby ko ngayon.

"Isarado mo yang bintana" utos ulit sakin ni Travis. Nakakunot ang noo nya, at alam kong hindi si baby glein ang may dahilan nun. Ok lang naman na umiiyak sakanya ang bata eh, ewan ko lang kung bakit. Panay ang tingin nya sa side mirror.

"May problema ba?" Nag aalalang tanong ko at sinunod ang utos nya. Sinarado ko ang bintana na sa gilid ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi nya ako sinagot. Simple lang naman ang tinanong ko, ayaw nya pang sagutin. Umiinit tuloy ulo ko. Ako na nga tong kinakabahan eh.

Patuloy ang pag iyak ni baby Glein, sana naman matigil na. Nakakunot pa ang noo ko at hindi sinasadyang mapatingin sa labas. Halos umurong na ang mata ko sa nakita. Sobrang dilim. Hile hilera pa minsan minsan ang mga bahay na nadadaanan namin pero ngayon wala na.

Walang ilaw sa bawat bahay. Nawala lahat. Ni isa, wala.

Hinawakan ko nang mahigpit ang baby ko, kailangan ko sya patahanin.

Owning the Vampire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon