Chapter 27 (Part 3)

2.3K 65 2
                                    

Chapter 27 (part 3)

"M-mama" nanginginig na banggit ni Stein sa ina ng hablutin nito ang kamay nito at itapon ang mga laruan sa sahig na nilalaro ni Stein.

"BAKIT BA ANG KULIT MO?!" Bulyaw ni Miara sa bata. Napatigil si Travis na nasa katabi ng bata. Nabitawan nga nito ang manikang hawak sa inasta ni Miara sakanila, naglalaro kasi silang mag ama ng bigla nanamang kumilos si miara ng kakaiba.

".. ANO BA?! DI BA SINABI KONG MATULOG KA NA STEIN, UUWI NA SI TRAVIS! ANG KULIT KULI--"

"Miara" banggit ni Travis sa seryosong tono. Natatakot ang bata sa lakas ng boses ng ina, napapaiyak na nga ito sa takot dahil nasigawan nanaman sya ng ina.

"Wag mong sigawan ang bata" iritang banggit ni Travis dito at kinarga ang humihikbing bata. Ang kaninang masayang mukha ng bata ay napalitan ng pagkatakot. Maging si Travis ay nagtatakha na sa kinikilos ng babae.

"Panong di ko sisigawan? Kailangan na nyang matulog travis. Ang kulit kulit nya!" Bulyaw ni miara dito, narinig nya ang malakas na pag iyak ng bata habang nakakarga sa ama nito. Natatakot na ito sa presensya ng ina.

"Ssh.." Pagpapatahan ni Travis sa bata, narinig na lang nito ang padabog na paglalakad ni Miara pataas ng kwarto. Iniwan sila ditong mag ama sa sala.

".. Stop crying, baby" bulong pa ni Travis at hinalikan pa ang bunbunan ng anak nyang si Stein. Maya maya ay iniligay na ni Travis si stein sa sofa ng mapansin nyang nabawasan na ang malakas na pag iyak nito.

"T-tito travis, why mommy acts like that?" Wari mo'y nagsusumbong ang bata habang hawak hawak ang isang manika na ibinigay na sakanya ni Travis. Napabuntong hininga na lamang si Travis at hinawi ang buhok ng anak. Humihikbi pa ito at namamaga ang mata sa luhang nailabas.

Maging sya walang masagot. Hindi nya din malaman kung bakit umaakto ng ganun si Miara. Wala syang ideya.

"Di na ata ako love ni mommy" saad ng umiiyak na bata sa mahinang tono.

"Your mom loves you" sabi ni travis habang hinahawakan ang magandang buhok ng bata. Umupo sya sa tabi ng bata at naramdaman nya agad ang yakap nito. Muli ay nabasa nanaman ang balikat nya ng dahil sa pag iyak ng bata.

"I think she doesn't " umi iling na hikbi ni Stein habang naka kapit sa ama nya. Natahimik si Travis, ilang araw na nya tong napapansin. Habang tumatagal ay napapalala ata.

Ng maramdaman nyang nakatulog na ang bata na karga karga nya ay agad syang tumayo. Plano nyang ilagay na nasa kwarto ang bata pero hindi nya sinasadya na mapadako ang tingin nya sa taas. Sa ikalawang palapag ay nakita nya ang malungkot na mukha ni Miara.

Hindi ito pinansin ni Travis bagkus ay naglakad na pataas ng hagdan. Hindi pa man sya nakakapunta sa kwarto ng anak ay naramdaman na nya agad ang presensya ni miara. Napatigil sya ng makita ito. Nanlulumo ang mukha nito habang nakatingin sa bata.

"T-travis pwede bang ako na ang maglagay kay Stein sa kwarto?" Naluluhang banggit ni Miara. Di nya alam ang nangyayari. Umiinit ang ulo nya, nanghihina pa at napapagod sya sa hindi malamang dahilan.

Tahimik na lumapit si Miara kay travis at kinuha ang bata na karga karga nito. Nakakagat pa ang labi ni Miara ng makita ang basang mukha ng bata. Galing lang ito sa pag iyak.

Pagkarga na pagkarga ni Miara sa bata ay ang pagtulo ng luha nito.

"Di ko sinasadya, hindi ko sinasadya" banggit ni miara sa mahinang tono, hindi nya alam. Ang nasa isip nya ay baka nya nagagawa ito ay dahil sa pang iiwan ni kleigh sakanya. Baka dahil dun. Masyado na syang naguguluhan sa sarili.

ISANG MALAKAS na preno ang nagawa nya bago ihinto ang kotse. Wala syang maaninag, nahihilo din ito. Di na nya binalingan ng tingin ang teleponong nahulog na sa ibabang bahagi ng kotse bagkus ay mariin nyang isinarado ang mga mata nya. Panay ang pagtunog ng telepono, at alam na alam nyang si Travis lang ang tumatawag.

Owning the Vampire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon