Chapter 20

2.7K 88 2
                                    

3rd Person's Pov

'Magpapakasal tayo, gail' ang salitang yun ay hindi parin makawala sa isip ni Gail habang pinapanuod ang mga kamay ni Kleigh na syang nilalagyan ng benda ang mga sugat sa kamay nya. Wala pa sya sa huwisyo.

"May iba pa ba syang ginawa sayo?" Tanong ni Kleigh sa kanya. Nag eecho sa loob ng malaking simbahan ang boses nito. Si Gail lang tong hindi nag sasalita kanina pa, mas pinili na lang nyang umiling ng dalawang beses at muling tumingin sa mga imahe ng mga --- she can't figure it out.

Madilim. Sobra pang tahimik.

Pero sapat na ang maliit na liwanag mula sa isang lampara na nakasabit sa dingding bilang ilaw nila sa isang malaking kwarto. Nakakakita tuloy sya ng mga imahen na mapapansin pa nyang nakakakilabot sa panginin nya.

"Nagsisinungaling ka" panghuhuli ni Kleigh dito. Hindi nya alam na labis syang nag alala dito. Ni hindi nya nga alam na ngayon ang araw ng dating ni Travis. Sana'y napaghandaan nya pa ang araw nito. Sana pala noon pa'y tinakas na nya ang babaeng gusto nya.

Nakatingin lang si Gail kay Kleigh. Bakit ba kahit ano mang gawin nang lalaking to ay hindi nya magawang magalit? Dapat sinisigawan na nya ito, dapat sinisisi na nya ito sa oras na ito. Pero parang nawalan yata sya ng boses. Umuurong ang dila nya. Wala sya sa huwisyo.

Base kasi sa kinikilos ni Kleigh, talagang hindi nya ito masisigawan.

Napakaamo pa nito tignan.

Itinuon na lang nya ang atensyon sa pag gagamit ni Kleigh sa mga sugat nya sa braso. Totoo ngang bumaon ang mga kuko ng asawa nya sa kanya.

Pinangako ni Gail sa sarili kapag natapos na ni Kleigh ang pang gagamot sakanya ay magpapaalam na sya rito na aalis sya. Kung sa bagay wala naman syang mapapala kung mananatili sya sa tabinni kleigh. At..

Paniguradong patay nanaman kasi sya kay Travis.

Ano na lang kaya ang idadahilan nya?

"A-aray" daing ni Gail, dahilan ng pagkakatigil ni Kleigh sa pag gagamot. Napakunot pa ito ng noo. Agad namang napangiwi si Gail sa reaksyon nito. Kahit kailan talaga napaka aalahanin nito. Napailing ng sandali si Gail at kinuha ang bulak sa kamay ni Kleigh na alam nyang may kaunting bahid ng alcohol.

"Dahan dahan lang kasi, letse" masungit na tugon ni Gail. Bahagyang ngumiti pa ito sandali, halatang halatang peke naman ang mga nilalabas nitong mga ngiti. Halatang pinipilit lang nitong maging masaya para hindi mag alala ang lalaking nasa katabi nya. Alam pa naman nya pag ito'y galit, nakakagawa sya ng ibat ibang bagay.

Napangiwi na lang sya at iniwasan ang matalim na tingin ng lalaki. Mukhang hindi yata ito natuwa sa inasta nito.

"Wag mo na ulit uulitin yun"

"Wala naman akong ginagawa" depensa pa ni gail sakanya. Pero isang matilim na tingin lang ang ibinigay ni Kleigh sa dalaga. Mukhang napasobra yata ang ginawa nya at ganun na lang ang galit ng mga bampirang nakapaligid sakanya.

Napahigpit pa tuloy ang hawak nya sa nag iisang makapal na coat na pagmamayari pa ni Travis. Bukod dun ay ni isa wala syang suot, mabuti na nga lang at madilim at hindi kita ang halos kalahati na ng katawan nya. Ngayon pa lang ay nakakaramdam na sya ng panlalam

".. Kleigh, ihatid mo na ako papunta sa bahay namin. Mapapagalitan pa ako ni travis kung hin--"

Naputol ang pagsasalita ng dalaga. Sandaling napasinghap pa ito sa gulat.

Rinig na rinig nilang dalawa ang biglang pagbukas ng malaking pinto ng simbahan. Nakagulat, dahilan na rin para mapatayo pa si Gail sa mahabang upuan ng simbahan at mapakapit sa laylayan ng tshirt ni Kleigh.

Owning the Vampire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon