9:51pm (Sept. 26,2015)

2.7K 90 15
                                    

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

September 26, 2015

(9:51pm)

Sheriena Gail Averson POV

Kanina pa ako palakad lakad sa loob ng kwarto ng anak ko. Kanina pa ako nakakailang buntong hininga sa paghihintay kay travis. Gabing gabi na pero wala pa rin sya. At tsaka tingin ko ito na ung oras para makapag sorry ako sakanya. Akahit na alam kong wala akong ginawang mali mas mabuti na ang sigurado na ako. Gusto ko na din kasing magkaayos kami ni travis. Feeling ko ako ung may kulang, kaya ako na mismo ang hihingi ng sorry sakanya.

"Ritchel" banggit ko sa pangalan nya. Napalingon sya sakin, pero hindi nanaman ito ang inaasahan kong reaksyon sakanya. Di tulad dati na ang daldal at palatawa nya. Ibang iba naman na ngayon. Naninibago ako.

"Ritchel.. Teka" sabi ko pa sakanya. Tumigil sya sa tapat ng pinto at tumingin sakin.

"Wala pa po si Sir Travis." Sagot nito sakin na kinunot naman ng noo ko. Hindi naman yun yung gusto kong sabihin sakanya eh. Bakit ba ganyan na sya mag salita. Ang galit galit na nya sakin. Wala na nga ako makausap sa bahay kundi ang anak ko tapos ganyan pa ang pakikitungo nya sakin. Nakakainis na.

"Gusto ko lang naman na makapag usap tayo. Hindi ko naman tinatano--"

"Pasensya na. Pero may ginagawa pa po ako, maam gail" mabilisang sagot nya tsaka sinarado ang pinto. Di ko sinasadyang mapairap ako pagkasarado nya ng pinto. Naiirita ako at alaam kong dahilan din ito ng pagbubuntis ko, naiinis ako tuwing binabaliwala ang mga sinasabi ko.

Umupo ako sa malaking kama at sinilip ang anak ko na natutulog sa loob ng crib. Ang himbing himbing ng tulog ng anghel ko. Glein Draude Averson.

Draude.

Yan ang gusto kong maging pangalan ng anak ko pag nagbinata na para dagdag pogi points sa mga babae. Gusto ko pa muna syang tawaging Glein sa ngayon, masyado pa syang bata para sa maangas na pangalan.

Nahinto na lang ang mahinang tawa ko ng marinig ang pagbusina ng kotse. Napangiti ako ng hindi oras habang bumababa sa hagdanan. Tulog na ang anak ko kaya pwede ko na syang iwanan mag isa sa kwarto at isa pa mahigpit ang sekyuridad na nasa bahay. Kaya panatag na ang loob ko.

Pinasya kong hintayin sya sa tapat ng pinto, umuualn ng bahagya kaya ang ilan sa maid ng bahay ang sumundo sakanya dala dala ang payong. Naamoy ko agad ang amoy alak na amoy nya ng tignan nya ako. Lumapit pa sya sakin at gulat ko na lang na palihim nyang hinapit ang bewang ko papalapit sakanya habang naglalakad pa taas ng hagdan. Mukhang sya rin, gusto nang magpahinga. Pero nasa huwisyo pa rin sya sa ngayon, nakapagdrive pa sya ng ayos kaya di na impossible.

"Teka lang travis, pupunasan na lang kita para makapagpahinga ka" sabi ko sakanya ng ilapag ko sya sa kama. Papaalis na sana ako papunta sa banyo na malapit din sa kwarto ng maramdaman ko na ang kamay nya sa bewang ko na madaling inilapag ako sa kama.

"Stay" utos nya sakin at hinayaan akong umupo sa kama. Gumapang sya sa kama at humiga sa lap ko habang ako tong nakaupo sa gilid ng kama. Pawis na pawis sya. Nakapikit ang mga mata nya, at malalalim ang bawat paghinga. Maging ako yata ay nahihilo sa amoy alak na hininga nya. Nakakahilo ng paningin,

"Travis" pinapik ko ang pisngi nya. Pero mukhang hindi nya yata ako nakarinig kaya muli ay inulit ko ang pagtapik sa mukha nya.

"Hmm?" Ungol lang nya parang nakukulitan, kinuha pa nga nya ang dalawang kamay ko na kumukurot ngayon sa pisngi nya. Siya kasi eh! Ayaw nya pa ring ma mulat.

"Travis" tawag ko muli sa pangalan nya. Napabuntong hininga ako. Alam kong gising pa yan, ayaw nya lang talaga ng abala. At yun yon.

Nakangiting lumapit ako sakanya at sinakop ang kalahatan ng labi nya. Nakapikit na ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pagtugon nya sa halik ko. I even heard him groaned. Mukhang gusto nya talaga ang ginagawa ko sakanya. At totoong gising sya.

Lumayo ako sa mukha nya na ikinakunot naman ng noo nya. Mukhang galit pa sakin sa pambibiting ginawa ko, pero hindi naman talaga yun ang pinunta ko sakanya. Nakatingin sya sakin ng nagtatakha ng ngumiti ako sa kanya. Kanina pa yata nitong hinihintay na magsalita.

Natawa ako sa naisip ko, kaya ng makita kong magsasalita sya ay agad ko na tong inunahan.

"Im sorry" mabilis na sabi ko. Nakita kong mas kumunot yata ang noo nya sa oras na ito.

".. Di ko alam travis, pero galit ka pa yata sakin kaya sorry na"

"No, im not"

"Sigurado ka? Di ka masyado nagsasalita, di ka din namamansin at Laging late umuwi. Lagi ka pa ding naglalasing. Ano b--"

"Well, that's what your husband is" nakangising sabi nya parang nagmamalaki pa yata sya sa mga sinasabi ko.

"Ewan ko sayo" nasabi ko na lang sakanya tsaka dinama ang katahimikan. Pinikit nanaman nya ang mata nya kaya nakaramdam na ako ng inis.

".. Travis" banggit ko muli sa pangalan nya.

I clear my throat for awhile, to think na kailangan ko nang sabihin sakanya. Bahala na kung hindi nya marinig to, pero basta nakapag sorry na ako

".. Travis kung nag-.. Nagseselos ka man samin ni Kleigh. That was just nothing. Wala na naman na yung dati, sa yo na ako kaya wag.."

Tinigil ko na ang sarili ko at napabuntong hininga. Hindi naman yata nakikinig si travis, baka nakatulog na sa sobrang hil--

"Kaya wag?" Narinig kong sabi nya kaya nagulat na din ako nang panandalian lamang. Nakapikit pa ang mga mata nya habang hawak hawak pa din ang kamay ko na hindi nya pa rin mabitawan.

" Kita mo to! Gising ka naman pala, travis" paninisi ko sakanya. Narinig ko naman ang tawa nya ng umupo sya sa kama habang nakatingin sya sakin.

Okey..ang masasabi ko lang sa mukha nya ngayon ay mukhang may gagawin nanaman sya sakin. Kung makatingin ba naman sakin, tagus tagusan na.

"sabihin mong akin ka lang" he challenged. Napangiwi na lang ako sa sinabi nya. Para syang bata. Wala akong magagawa kundi sumunod sa gusto nya.

"Oo. Sayo lang ako"

"Literally"

"Kay Travis Averson lang ako" nakangiting banggit ko sakanya bago makita ang papalapit nyang mukha sakin at ang pagdampi ng masidhi nyang labi sakin.

>>>>>>>>

3rd Person's POV

Namanhid sa kinatatayuan nya ang lalaki, ayaw na nyang makita ang susunod na eksena na paniguradong makakapagpabaliw sakanya.

Pinigil nya ang pagluha, sinisikap na makapunta ng maayos sa bahay nilang mag asawa. Si miara na asawa nya at si stein na anak nya. Ang realidad na kinaliligtaan nya, tinatakasan nya kahit huli na.

"Kleigh, kakahmm.."

Napatikom ng bibig ang babaeng bagong gising palamang at nagising sa kalampag na narinig. Dumaloy ang boltaheng kuryente sa buong katawan nya habang hinahalikan ang babaeng si miara, isinandal nya pa ang asawa sa pader upang malasap ang pagmamahal na dati nya pa hinahanap?

Ulilang ulila na sya sa pagmamahal, kung kaya't dito na lang sya humuhugot ng lakas. Walang dudang nawawalan na maging sya ay nawawalan na ng pag asawa.

Muli ay huli nanaman ang lahat sakanilang dalawa.

Mistakenlylovingyou's Note
Bagong book cover sa taas 🎣 gawa ni nytoclipse. Owning the intruder's opponent talaga yung name ng book 2 nito. :)

Question to ask: kanino pa rin kayo boto? Travis o Kleigh?

Ps. Naawa ako kay Baby stein sa last chap. Umalis na kasi ung tatay ko~ sumama na sya kay mama sa spain...kaya na isipan kong isingit ang scene na yun. Pasensya na 😭 nakakaiyak lang~ lol.

At..

PPS. Yung iba sa inyo... Ehm.gusto na si Travis na ang makatuluyan ni Gail pero let's see...Kapag ganitong na wri writers block ako tumatabingi talaga ang ulo ko. Bahala na <3 leave vote and comment~ love you

Owning the Vampire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon