Chapter 30
*4 years later*
Nakatingin ang isang lalaki sa puro abong espasyong lugar na dati dati lamang ay kinatitirikan ng isang malaking bahay. Wala ng natira dito, puro abo lang at ilang mga metal na kasama sa istraktura ng bahay na ngayon ay nangangalawang na.
"Travis!" Sigaw ni Gail na nasa loob ng isang kukay maroon na van.
".. Matagal pa ba yan?" nakabusangot na tanong ng babae habang nakadungaw sa labas ng van. Ngumiti lang ang lalaki sakanya.
"Anong problema ba, travis?" Kunot noong tanong ni gail sa lalaki, panay lang ito sa paglakad sa natitirang espasyo ng kwarto ng hospital.
".. Kanina ka pa palakad lakad dyan, kanina pa din kita tinatanong" dugtong na sabi ni Gail.
"Wag mo na lang akong pansinin, Gail" saad ni travis na ikinatahimik naman ni Gail. Hating gabi na pero hindi madalaw dalaw ng tulog si Gail, natatakot sya sa pagdalaw ng antok nya. Di sya mapalagay.
"Aalis na muna ako" nakita ni Gail ang pagsuot ng jacket ni travis at ang pagkuha nito ng susi sa pantalon. Tahimik na tumango lang si Gail at napatingin pa sa batang si Glein na natutulog sa sofa sa gilid.
"Babalik naman agad ako" nakangiting saad ni travis, pero halata sa boses nito ang pamamaos. Nanginginig ang mga kamay nito, namumutla pa. Kanina pa nahahalata ni Gail ang bagay na yun kaya nga kahit na hinang hina sya kanina ay hindi nya magawang makatulog dahil sa pangangamba. Di nya magawang makatulog, may bumabagabag talaga sakanya.
Tinahak nya ang mahabang pasilyo ng tahimik na hospital. Gabi na kaya kakaunting nurse nalamang ang nakikita nya. Nilikom nya ang kamay nya at napatingin sa daan. Kanina pa ito nanlalamig, hindi nya alam kung ano ang uunahin. Hindi nya alam kung ano muna ang paniniwalaan.
Tahimik na tinungo nya ang kalsada sakay sakay ng kotse nya. Ilang beses na syang napamura sa isipan ng huminto sa tapat ng isang nasusunog na bahay. Ni ayaw nya itong tignan pero nakakasigurado syang dito nya iniwan si Stein kasama ang mga kasambahay sa bahay na to. Punong puno ng usok ng subukan nyang bumababa, mukhang kanina pa nag aapoy ang sunog, wala na kasing natira. Puro abo na lang.
Naglagay ng isang pulutong ng bulaklak ang lalaki at muli ay pinasadahan ng tingin ang kalahatan ng espasyo. Muli ay inaalala nya ang mga nangyari, sariwa pa ang mga ito kahit na ilang taon na ang lumipas.
"TITO TRAVIS" banggit ni Stein habang naglalaro ng lutu lutuan na syang sinasabayan naman ni travis. Napatingin ito sakanya.
"My mommy is very happy" nakangiting sabi ni Stein habang nakabaling ang atensyon sa lutu lutuan nyang laruan sa kama. Nakaupo lang si travis sa gilid ng kama habang pinapaunod ang anak. Kung alam lang talaga ng anak nya na nasa tabi nya ay ang isip nya ay okupado ni miara. Nag aalala ito sakanya.
".. Sabi kasi ni mommy that she will brought my daddy here later. That's why my mommy is too happy"
Napatingin sa malayo si travis kasunod nun ang pagramdam nya ng isang maliit na kamay sa kamay nya.
"Papa" banggit pa nito sakanya.
"..Aalis na daw tayo sabi ni mama" dugtong ng bata.
"Tito travis? Aalis ka po ba?" Nagtatakhang tanong ni Stein ng makita ang pagtayo nito. Sasagot na sana si travis ng marinig ang pag tunog ng telepono.
"I'll be there, son"
Tumango lang ang bata sakanya at pumasok na sa isang maroon na van. Maya maya ay nandoon na rin ang lalaki at tahimik ng nagmamaneho. Naroon ang isang batang mag aanim na taong gulang na. Ang isa naman ay tatlong taong gulang na at nakakandong sa hita ng ina.