> *few days later*
10:55pm"Finally naisipan mo ding sumagot ano?" Sabi sa kabilang linya ng telepono ni Barbara. Agad na lamang initsa ni Miara ang cellphone habang sinusuot ang isang pares ng hikaw nya sa harap ng salamin, bagong paligo lang sya at nakasuot ng isang simpleng damit. Nakailang busina na rin si Barbara na nasa labas ng malaking bahay kung nasaan si Miara.
"Parating na ako dyan, saglit lang" tugon ng dalaga at muling sumulyap sa labas kung nasan angulang kotse ni Barbara na naghihintay sakanya.
Alam nyang mapagbubuhatan nanaman sya ng kamay ni Kleigh pagnalaman nyang aalis sya pero mas mahalaga naman siguro ang kapakanan ng baby nya. Ilang araw na kasi itong tahimik at sadyang may lagnat na. Namumula ito minsan at parang hirap pa sa paghinga. Wala syang magawa kaya minabuti nalang nyang dalhin sa ospital ang bata.
"Wag na wag nyong ipapaalam kay Kleigh to kundi malalagot kayo sakin" malamig na tugon ng makita ang dalawa sa mga maid ng bahay na nasa gilid ng hallway ng bahay na dinadaanan nya. Hawak hawak nya ang mainit at tulog na tulog na anak nya, kailangan nyang magmadali. Kahit gabi na alam nyang mamaya lang ay mapupunta na dito si Kleigh. Kahit bukas na bukas na sya makauwi madala lang ang anak nyang si Stein sa ospital.
"Alis na tayo, bilisan mo na lang pagd drive" kalmadong tugon ni Miara ng buksan ang pintuan ng kotse malapit sa passenger seat. Nasa tabi nya si Barbara na nakakunot ang noo sa natutulog na si Stein. Hindi pa rin ito mahilig sa bata hanggang ngayon, kung hindi nga lang sya pinilit ni Miara na gawin to eh hindi na nya ihahatid ang mag ina papauntang ospital.
"Make sure na hindi ako madadamay sa away nyong mag asawa, may gagawin pa kasi ako bukod sa paghahatid ng may sakit na bata sa ospital" matabang sagot ni Barbara ng makakita ng masamang tingin mula kay Miara. Napatawa na lang ito ng mahina, mukhang nag iba na nga ang kaibigan nyang si Miara. Dati dati'y ayaw nga nitong hawakan ni kargahin manlang ang anak nyang si stein dahil mas pinipili pa nitong maglibang kasama si Barbara sa iba't ibang lugar basta may excitement at thrill.
Naalarma na lamang si Miara ng makita nyang gumalaw sa bisig nya ang anak nya. Awang awa sya sa anak nya, paniguradong mamaya maya ay malakas na ang init sa katawan ang malalabas ng bata. Napakalakas na ng sinat nito at paniguradong madadagdagan pa paghindi na agapan.
"Ok lang ba yan? Bakit hindi mo manlang kasi sinabi kay Kleigh ang tungkol dyan?"
Napatawa na lang ng mapait si Miara at ngumiti sa anak nya na nagising pa yata.
"Like he cares about us, akala mo namang may mapipiga ka sa taong yun" laban pa ni Miara at napangisi na lamang dala ng galit. Oo, totoo ngang wala tong paki at nagsisimula na syang maghinala na maagaw ang asawa nya sakanya.
"Kilala na nya si Gail" mapaglarong bigkas ni Barbara habang pinaglalaruan pa ang manebela ng kotse ng magsimulang nang huminto ito.
"I know, alam na alam ko. Gusto gusto ko na nga syang makita eh"
"Uhuh? I don't get you, akala ko kay Travis ka pa but then again hindi pa pala"
Nakakunot ang noo nitong lumingon kay Barbara na may ngisi pa sa labi habang nakatingin sa madilim na kalsada.
"What the hell did you knew ab--"
"I knew everything. Kung makikita mo nga lang kung anong reaksyon ko ng ibalda mo ang babaeng secretary ni Travis sa kompanya nya,.. You look.."
Tumingin pa ito ng may makahulugang tingin kay Miara na ngayon ay nababanas na sa sinasabi ni Barbara. Nakakainis na alam pala ni Barbara ang bagay na yun.