Little Teaser

4.6K 172 30
                                    

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

"..bakit ka nandito? Isusumbong kit--"

"Sagutin mo tanong ko" pagpupumilit pa ni Kleigh na wari mo'y gusto nang malaman ang sagot ng dalaga. Kayang kaya nitong basahin ang nasa isip nito pero bakit ganun... Ayaw nyang gawin. Nagawa na nya to dati, rinerespeto halintulad dati.

Napakabobo.

"..ah! Isusumobong talaga kita" pananakot pa ng natatakot na dalaga. Napako pa ang atensyon nya sa nahulog na laruan ng gising na anak nya habang nakasampa sa mismong crib nito. Ang pulang laruang kotse ay nasa sahig na sa pagkakahulog ng batang si Glein na nakatingin lang at kukurap habang nakatingin sakanila. Napaka inosente at bata pa ni Glein.

Walang ideya,

"Ack" pagkabiglang sabi ni gail ng makaramdam ng hintuturo sa may bandang leeg nya. Nakakasigurado syang kay Kleigh galing yun, pumunta pa ito pataas hanggang sa may baba nya.. Maging sa labi kung saan nakatingin si Kleigh sa mga oras na ito. Tingin nya'y natuyo na yata ang laway nya. Nahihipnoismo sa mga titig na ngayon nya nalang muling nakita. Tingin na nga nya'y babagsak na sya sa sahig mamaya palang.

Parang nahihilo sya o ano. Grabe naman kasi, nilalamaig na sya at ganito pa ang mangyayari.

"Sheriena Gail Tamonte" banggit ng lalaki sa harapan nya.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Kumunot pa ang noo nya ng malamang may tumatapik sa balikat nya sa oras na ito. Namulat ang mata nya at nakaaninag pa ng bulto ng lalaki. Nakaupo pa ito sa kama na kinahihigaan nya ng maayos. Agad na nagtakha. Hindi sya ganito kanina.

Nakangiti ito sakanya. Malamig ang katawan nya at alam nyang tuwalya pa ang suot suot nya habang nakahiga sa kwarto ng baby nya. Kung saan may malaking kama pang nakalagay.

"Gising na." Utos pa ni Travis sakanya. Agad naman syang umupo sa kama habang hawak hawak ang tuwalya sa katawan nya. Kasunod nyang nilibot ang kwarto. Bahid ng
Pagtatakha ang nasa isip nya. Puro tanong.

Wala syang makita? Bakit ganun?

Nakita na lang nyang tumayo si Travis sa kama dahilan para mawala ang tingin nya sa paligid. Sandaling kinabahan dahil nakita na lang nya si Kleigh kanina, basa pa din masyado ang buhok nya dahilan para hindi sya mag takha na bigla na lang sya nakatulog.

Di naman sya pwedeng magkamali pero..

Guni guni lang ba yun?

"Ako na ang nagluto ng dinner. Di kita magising eh" nakangiting sabi ni Travis sakanya hindi pa ito nakapagsalita ng tumingin kay Baby Glein.

"Kanina pa ba tulog si baby Glein? Di mo ba sya nakitang nagigising?"

"Di pa. Kakagising ko lang din kanina eh" humalik pa sa labi si Travis ng makita ang kunot na noo ni Gail. Namamangha pa nga sya sa perpektong katawan nito, kitang kita ang magandang pagka curve ng bewang nya. Hindi halatang nanay na sya. Kaya nga kahit na nanay na si Gail ay madalas pa din syang pinagpapantasyahan ng asawa.

"Sigurado ka ba?" Nagtatakhang tanong ni Gail habang nakakunot ang noo ng maramdam ang kamay ni Travis sa bewang nya paalis sa kwarto.

"Oo naman. Magbihis ka muna, sunod ka sa sala" sabi pa ni Travis tsaka sinaraduhan ang pinto ng kwarto nilang dalawa. Agad agad syang nagbihis, kahit na hindi pa nakakapagsuklay ng maayos ay nagpunta sa kwarto ng baby nya.

Di nga sya nagkakamali kanina.

Hindi to guni guni ng makita nya ang pulang kotse kotsehan na nilalaro kanina ni Baby Glein na nasa sahig na ng mga oras na ito.

'Shit! Ibig sabihin totoo?' Natanong na lang ni Gail tsaka sinilip ang baby nya na nasa crib na ang himbing himbing na ng tulog. Nahulog na laruan sa sahig ng makita nya si Kleigh na hindi maunawaan kung ano pang gustong gawin.

Kontento na sya, ayaw nya nang magkagulo gulo ang lahat. Alang alang sa anak nya sana.

>>>>>>>>Mistakenlylovingyou 's note
Dedicated kay @EmperadorWp_ na nagbigay ng fan art sakin about sa story na to. Di ko mapakita muna ung pic. Ilalagay ko yun sa pinakamagandang ud na gagawin ko. ^__^ syempre pasasalamat yun sa pinakamagandang fan art na ginawa mo para sa story ^__^ (ang dami kong smiley face) Sa mga nagmemessage din sakin na ang ganda ng story thanksss~~~ ^___^V

Anong ending ang gagawin ko dito?

SAD ENDING OR HAPPY ENDING???

(Oy! Sagot. Pagwalang sumagot, itra tragic ending ko to hanggang book 3. Hala 0__o haha 😂😂) yun lang. Bye naaaa!

Owning the Vampire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon