Chapter 24.5

2.7K 86 5
                                    



NAKAKAILANG luha na ang nailabas ni Miara habang naghihintay sa asawa nya. Nangininginig sya sa ganitong postura. Di sya makalabas nang bahay nang wala ito, gusto nya kung hahanapin nya ang anak nya ay nasa tabi nya ang asawa nyang si Kleigh. Gusto nya may kasama syang hahanap sa bata. Totoong nawala na ang dating attitude ni Miara. Nawala na ang pagiging matapang nuto at napalitan nang lungkot.

Nangungulila nga sya, pero hindi alam kung ano nang gagawin.

Nakaupo sya, mag isa. Nakatulala, hindi alam ang gagawin. Mag iilang oras nang buhay ang diwa nya habang pilit na tinatawagan ang asawa. It's Almost 1 in the evening, malalim na ang gabi. Namumugto na rin ang mga mata nya, ni hindi nya magawang tignan ang kaibigan nya na wala nang buhay na nakalupasay sa sahig nang bahay. Pakiramdam na tuloy nya ay wala na syang kasama, na wala nang magtatanggol pa man sakanya.

Namatay ang kaibigan nya nang hindi nya nakikita ang buong pangyayari. Ang isip ay wari mo'y nakalutang na.

'Who the hell did this?' Paulit ulit na tanong ni miara sa isipan. Bakit kukunin ang baby nya? Anong kasalanan nya? Napaka inosente pa nang bata.

Napatayo si Miara nang marinig ang ilang yapak sa bahay. Walang ibang nasa isip ni miara kundi ang asawa nyang si kleigh na alam nyang dumating na. Madali nyang binuksan ang gate at sinalubong ang nakakunot noong si kleigh. Lasing muli ang lalaki, ngunit Naririto parin ang diwa nito.

"Kleigh!"

Hindi pa nakakapasok nang bahay si Kleigh ay yinakap na nya ito. Nangungulial sya sa presensya nang asawa, wala nang duda. Napamura nang mahina si Kleigh nang yakapin sya ni Miara. Ayaw na ayaw nya talaga dito.

"K-kleigh.." Nauutal na banggit ni Miara nang maramdaman nya ang kamay ni Kleigh na inaalis ang kamay nyang nakayakap sakanya. Ayaw na ayaw talaga sya ni Kleigh, wala nang magbabago.

"Ano bang problema mo at pinauwi mo pa ako?" Iritadong saad ni kleigh dito.

Tumuwid nang tayo si Miara at pinahid ang luha sa mata. Wala nang rason para hindi sya umiyak nang ganito.

"Kasi kleigh, si S-stein... Kinuha sya nung lalaki, di ko sya nakita. Pati si barbara pinatay nya din. Di ko alam. Kleigh natatakot ako,.sobra. May kumuha sa baby natin, kleigh.. " humihikbing pagsusumbong ni Miara sa asawa, sa ikalawang pagkakataon ay yinakap muli ni miara ang lalaki at umiyak muli. Napakadaming salita ang nais sabihin ni Miara pero sapat na ang impormasyong naibigay nya sa asawa. Nanghihina pa ang mga tuhod nya at natatakot sa nangyayari.

Hindi naka responde si Kleigh at napatulala pa saglit. May pakialam sya sa bata, wala naman kasi talaga itong kinalaman sa pag aaway nila nilang dalawa. Nanigas ang bagang ni kleigh habang nakakunot ang noo. Sinubukan nyang kumalma, kahit na hindi halata sa kilos nya.

Pati kasi sya ay walang ideya.

"Hahanapin ko sya, wag kang mag alala" he said with assurance na makukuha na nyang muli ang bata. Kahit na may galit sya sa babaeng yakap yakap nya sa oras na ito, nawala ang galit na iyon at napalitan nang pangungulila. Tinuring nyang anak si Stein noon pa man. Sya ang nag aalaga dito simula't sapul. Di nya hahayaang madamay ang isang inosenteng bata.

9:23am

"A-are you sure? That my daddy will come here later?" Banggit nang bata sa mahinang tono. Hindi maikakailang mahinhin ang batang ito, base palang kasi sa malumanay nyang salita ay bakas rin ang pagiging maganda nang bata. Nakangiti ito habang naglalakad at nakakapit sa dalagang si treice na papunta sa kabilang kwarto nang malaking bahay. Yari ang inaapakang sahig nila sa kahoy at may lumang disenyo maging ang bahay.

"Yes sweetie, susunduin ka na dito mamaya maya palang din nang tunay mong ama" paliwanag ni Treice at hinawakan ang maliit na kamay nang batang babae habang naglalakad. Wala pa sya sa tapat nang pinto na naos nyang tuluyan nang harapin sya ni Sisa. Ang isa sa mga maid nang kaaway nya na naging kakampi na nya kalaunan. Pare pareho silang nasisilaw sa kapangayrihan,sa pera.

Owning the Vampire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon