Chapter 17

4.3K 111 12
                                    


>>>>>>>>>>>>>>>>> several days

*morning*

"Nandyan na sya, treice. Baka gusto mo nang bumababa" natatawang sabi ng isang matandang babae sa tapat ng pinto. Ito ang manang nya na nagalaga sakanya ng ilang taon.

"Paki sabi saglit lang, nagbibihis pa ako" nagmamadaling tugon nito at binalingan ng tingin ang lalaking kanina pa nakabusangot sakanya, kahat na mapungay ang mga mata ng lalaking to ay alam nyang kanina pa ito naiinis.

"Umalis ka na lang, balik ka sa susunod" nakangiting mapait si Treice at inayos ang mga pinaghubadang damit sa sahig ng lalaki na nakakumot lang sa kama habang nakaupo sandal sa headboard ng kama. Napapikit na lang si Luke na parang naguguluhan at agad na napangisi.

"Kung iba kaya ang pinapaalis mo dito, nag iisip ka ba?" May halong tawa sa tono ni Luke pero halatang nasasaktan sya sa mga nangyayari. Oo, sino ba kasing nilalang ang hindi masasaktan na itinatago ka.

Napairap nalang ang dalaga, ayaw na ayaw nya sa mga lalaking hindi nakakaunawa at isa na dun si Luke. Minsan ang ganitong attitude ng lalaki ang ayaw nya dito, bakit ba kasi hindi na lang nya unawain ang sitwasyon nila? Masyadong makulit ang lalaking to kaya baka mabuking agad ang gusto nya sa madaling panahon dahil dito.

"This is too much, luke. Ikaw nga tong mag isip" sagot sagot nang dalaga at iniharap ang sarili sa salamin, hawak hawak nito ang isang simpleng lipgloss. Napakabango din nito at masasabing parang isang gatas na ang makinis na kulay ng dalaga dahil sa maikling shorts na suot nito.

"Alam mo namang saglit lang ako" sabi pa nito at ikinalat ang lipgloss sa mapulang labi ng dalaga. Hindi na sya nag abalang tignan kung anong reaksyon ni luke na nasa sariling kama. Alam nyang galit ito sakanya, pero desisiyon nya ito. Wala na syang pakialam kung wala manlang sumoporta sakanya. Kayang kaya nyang ihandle ang sarili nya. Alam nyang kahit hindi sang ayon sakanya ang patakaran, makakagawa pa din sya ng paraan para mabago yun.

"Talagang nagpaganda ka pa sa gagong yun ano?"

Napatawa na lang si Treice at inilapag ang make up kit sa vanity box na nasa gilid. Nilingon nya si Luke na nakikita na nyang nagbibihis ng itim na tshirt. Mabuti na siguro at mukhang aalis na ito at baka malaking gulo pa kapag nakita nya si Kleigh na nasa sala lang ng malaking bahay na ito.

Alam nyang isa pa man din syang mangmang.

"Balikan mo na si Barbara. Mukhang namiss ka ng kapatid ko this several days" paalala ni Treice at lumapit pa sa kasintahan na nagsusuot na tinulungan nya pang izipper ng ayos ang pantalon.

At tama ngang hinala nyang napatingin ang lalaki sakanya. Mukhang napainit nanaman nito ang pakiramdam nito, kaya nga madali nyang nakuha ang lalaking to dahil narin siguro sa dala na pagka pilyo. Nakatingin ito ng seryoso sakanya na kulang na lang ay hubaran na syang muli sa harapan nito. Tingin palang kasi ng lalaking to ay agad na ngang mapapanganga ang isang simpleng babae. Ngisi palang nito ay tatayuan ka na ng balahibo pero ibahin mo si Treice. Ayaw nyang may pa suspense na eksena, ayaw nyang siya ang na adik sa lalaki,mas gusto nyang sya ang kinaadikan ng mga ito. Simple lang diba?

Magsasalita na sanang muli ang lalaki na halata mong ngi ngisi nang muli ng unahan sya ng dalaga.

".. Tingin ko nahahalata na nya tayo, what do you think?" Bakas ang pagalala sa boses ni Treice. Hindi nya alam kung anong mangyayari sa kanila ng kapatid nya dahil sa pagtatago nya ng relasyon nila ni Luke. Baka magkagulo at mapalala pa ang mga bagay bagay.

"Di yan, just trust me. Ako nang bahala sakanya" maangas na tugon ni Luke at hinawi pa ang buhok ng nagaalalang dalaga. Agad na napalitan ng inis ang kalooban ni
Treice at pagsasalitaan pa sana ang lalaki ng biglangn kumatok ang isang dalaga sa labas.

Owning the Vampire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon