3rd Person's POV
9:41pm
"Manang pabukas please.." Inip na inip na sabi ng dalaga. Papalakas na ulit ang ulan, palibhasa mahamog kanina kaya hindi na nakakapagtakha. Ang kamay nya ay nakayakap sa sarili para hindi malamigan. Gabing gabi ay napasabak nanaman sya at may natuklasan nanaman. Ang mali nga lang eh, sana nakapagdala manlang sya ng payong.
"Uugh! Manang pabukas naman ng gate oh!" Sigaw sigaw pa ng dalagang si Treice habang kinakalabog ang kulay itim na gate. Hindi nya inaasahan kung sino ang magbubukas ng pinto. Nakapayong pa ito at nakajacket.
Isang lalaki.
"What the hell are you doing here?" Agad na tanong ni Traice. She's not expecting this, akala nya isa sa mga maid nya ang magbubukas ng gate para sa kanya. Wala itong imik hanggang sa maramdam nalang ng dalaga ang init mula sa itim na jacket na pinasuot sakanya ng walang imik na lalaki.
Takhang takha sya kung bakit nasa sariling bahay nya ang lalaking to?
"Di tayo kasya" masungit na tugon ni Treice bago kuhanin ang isang puting payong sa kamay nya. Wala naman itong inimik. Ok lang sa dalaga kahit na mabasa ang lalaking yan. Wala lang naman ito sa buhay nya.
Palakas na ang ulan kaya inunahan na ni Treice ang lalaki. Alam naman nitong hindi nanaman ito iimik dahil tampo parin ito sakanya.
"Alam mo nakakainis ka, kanina mo pa yata alam na dadating ako eh. Edi sa--"
Shoot. Wala syang nadatnan sa likod nya kung saan nya inaasahan ang lalaking yun. Napaangat na lang ang uli nya ng makita ang buong bahay nya. Wala syang kasama dito kundi ang mga maid at caretaker ng bahay. Kaya nga nakakapagtakha lang.
Nakabukas ang ilaw kung nasan ang kwarto nya kaya hindi nya maiwasang mahinala na nasa kwarto na nya ngayon ang lalaking may ari ng payong na hawak hawak nya.
Kalmado syang pumunta sa loob. Ang tahimik sa loob ng bahay. Siguro'y tulog lahat ang mga maid. Palibhasa gabi na at tao pa sila. Wala kasing nakakaalam sa lahat na isa palang bampira ang babaeng to.
Hinubad nya ang sandals na may kaunting putik pa sa gilid. Basa ba ang buhok nya at sadyang nilalamig dahil sa malakas na ulan. Ang yapak lang ng paa nya ang naririnig habang tumataas sa hagdan. Hindi nya alam kung pano nya mapapaalis ang lalaking yun sa bahay.
Puno ng petals ang kama, may mesa na may madaming pagkainna bagay lang sa dalawang tao at classical music.
"Luke?" Naguguluhang banggit ni Treice sa pangalan nya pero parang inosente lang ito na nakaupo sa kama. Hindi ito nakangiti o ano. Walang emosyon.
Lumapit pa si treice sa kama. Pulang rose ang pinakapaborito nya sa lahat. Hinawakan nya ang isa sa mga ito at agad na inamoy ang isang piraso ng petal.
Kilalang kilala parin pala sya ni Luke. Ilang taon din ang lumipas pero ganyan parin sya. Parang walang nabago
"Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong tanong pa nito at umastang lalapit kay
Treice na halata ang pagkamangha sa loob ng kwarto. Hindi nya tuloy alam kung ano ang iaasta nya. Kilala nya si Luke, napaka sweet nyang tao. At yun ang mahirap kalimutan sa ugali nya.Natauhan lang ang dalaga ng may kamay na humawak sa maliit nyang bewang at parang nahipnoismong sumunod na lang papalapit sa mesa kung saan may nakahandang pagkain.
"Ikaw ang nagluto?" Tanong tanong ni Treice ng makita ang mga pagkain. Nakita na lang nyang tumango ito, halatang hindi na ito mainit. Ibig sabihin lang nun kanina pa lang talaga sya rito.
"Kanina ka pa ba nandito? You should tell me para may alam ako" suhestiyon ni Treice. Iisipin na lang nya na isang friendly date lang to..
Kahit na talagang hindi.