Chapter 14

3.8K 106 7
                                    

This is dedicated to akosipiyuuuuh hi! Sayo! ^*^/
>>>>>>>>>>>>>>> *few days*

1:23

Sheriena Gail Tamonte POV

Humalik ulit ako sa anak ko at agad itong nginitian. At tulad ng inaasahan ko, wala lang imik si baby Glein, titingin lang to sakin. Ah! Gusto ko sana sya isama samin ni Travis eh. Bakit ba kasi ayaw nyang ipasama sakin si baby Glein?

First time kong magpa check up sa doctor dahil sa buntis ako. Hindi naman ako nagpa check up nung dala dala ko si Baby Glein, di kasi ako pinapalabas ni Travis ng bahay. Pati wala din akong kasama, eh ang laki laki na ng tiyan ko nun sa baby ko noh. Baka madisgrasya pa ako pagpupunta kami sa ospital.

"Gail" mariing sabi ni Travis, napatingin naman ako sakanya. Nakasakay na sya sa kotse samantalang ako dinadada pa ang baby ko.

"Pabantay na lang si Baby Glein ah" paalam ko sa kanila. Alam kong kanina pa naghihintay sakin si Travis kaya nga nakakunot na ang noo nya sakin ngayon. Hindi ko sya masisi, gusto ko lang kasi talaga syang isama.

Hawak hawak ko ang maliit na pouch, kulay puti at may pagkamakapal ang texture. Suot suot ko rin ang isang simpleng floral dress, hindi pa lumalaki ang tiyan ko. Wala pa kasing 2 months ang pagbubuntis ko. Hindi pa halata.

"Travis hindi ba talaga natin sasama si baby Glein?" Tanong tanong ko sakanya bago ko marinig ang kakabukas na makina ng kotse nya. Nakita ko pang humikab sya bago ko maramdam ang kamay nya sa kamay ko. Ni hindi nya ako tinitignan.

"Di na. Saglit lang naman tayo"

Feeling ko nakangiti sya sakin habang sinasabi ang mga salitang yun kahit hindi nya ako nililingon at busy na busy sa pag d drive.

"Matulog ka na muna..hmm?" Malambing na tugon nya sakin bago ko makitang hinalikan nya ang kamay ko habang nakatingin sa daan. Ewan ko kung ano ang ikikilos ko kaya pinili ko nalang na isandal ang ulo ko sa passenger seat ng kotse.

Kapag ganito si Travis, tingin ko nakokonsensya ako ng sobra.

May nangyari samin ni Kleigh ng walang alam si Travis at ang malupit pa nun sa sarili pa naming kwarto ni Travis nangyari ang bagay na yun.

Ang sama ko yata,

"Matulog ka na" inip nyang sabi sakin. Kahit na seryoso ang mukha nyan alam ko hindi yan galit sakin. Hindi ko ba alam.

>>>>>>>>>>>>>*few hours*

"Ako naman dyan aba" natatawa pa ako sa reaksyon ng mukha nya. Di nya pa sakin pinapakita ung ultrasound image ng baby namin. Wala naman syang nakikita, kung makadilat at ngiti sobrang wagas naman. Ewan ko nga kung bakit nag ultrasound agad eh. Basta hindi ko alam, ang excited naman kasi ni Travis. Di na nya mapakita sakin yung picture na parang pina xerox nga lang.

Naglalakad lang sya hawak hawak yung picture na yun, ni hindi nga tumitingin sa daan. Buti hindi sya nadadapa dya--

".. Travis hala" agad na namilog ang mata ko. Nayakap agad ako ni Travis, nakakahiya. Naglalakad palang kami sa hallway ng hospital palabas eh. Buti na lang ang mga nurses lang ang dumadaan.

"..travis" iritadong banggit ko sa pangalan nya. Ang O.A naman nya. Nakangiti pa sya nyan, ewan ko ba sakanya. Ang tagal tagal na namin dito sa ospital pero hindi parin sya nabubugnot. Dapat nga hindi ako mag papacheck up ngayon dahil may trabaho pa siya. Walang imik na hinigpitan na lang nya ang hawak sa kamay ko at naglakad.

Owning the Vampire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon