Chapter 10

4.8K 161 11
                                    

Dumungaw ang ulo ni Kleigh sa labas ng kotse. Malapit ng magdilim at napagpasyahan pa nyang pumunta sa lugar na ito. Nakarinig lang sya ng pagsarado ng pintuan ng kotse nya bago inilibot ang tingin sa tapat ng bahay. Luma ang malaking bahay na nasa harap nya. May malaking itim na gate ang nasa harap nya.

Nakarinig pa man din sya ng pagbukas nito ng kusa. Bumukas ito ng hindi nahahawakan. Napakalaki nito kaya impossibleng kaya ng ilang ordinaryong tao ang magbukas nito. Sandaling napangiti dahil ilang buwan na din nyang pinagaaralan na magamit ang ilang mahika na ginagamit din nya noon.

Dalawang taon syang hindi gumagamit ng mahika. Puro ang baby nyang si Stein kasi ang inaalagaan nya. Nawawalan na syang ng oras tito hindi tulad dati na nagagamit nya pa.

Ang mga yapak lang ng sapatos nya ang narinig sa buong pamamahay. Isang bahay kung saan nakatira ang isa sa mga perpektong bampira. Wala itong mga maid, sadyang nakatira lang ang dalagang si Barbara sa loob ng malaking bahay na kto ng mag isa. Magpapatawag lang ito ng ilang tauhan kung kinakailangan nyang palinisan ang bahay. Ayaw kasi nitong may ibang tao sa bahay nito.

Sobrang tahimik, nakakabingi.

Dalawang katok ang ginawa ni Kleigh. Mas pinili nyang magbigay muna ng permiso sa dalaga bago pumasok sa kwarto nito. Nakatayo sya sa isang pinto na may magandang yari. Ang mga ukit sa malaking pinto ang nakakapagpahanga din sakanya.

Kumunot pa ang noo nito tsaka tinanggal ang dalawang headset sa tenga nya at tumingin sa pinto kung saan nya may narinig na kumatok.

"Come in" utos pa ng dalaga. Nagtatakha. Agad nyang pinatay ang ipad kung saan nya naririnig ang musika na pinapatugtog nya sa headset nya. Wala kasi syang natatandaan na may bibisita sa kanya sa araw na ito. Ilang araw na rin kasi syang hindi kumaka usap kay Miara. Masama pa rin ang loob nya rito pero it's not that much. Galit sya sa katanghan nito at hindi kay Miara na basta na lang pinatay ang isa sa kaibigan nya.

Kalmadong tumingin ang dalaga sa bagong dating na lalaki. Hindi na sya nagulat o ano. She's expecting this. Hindi nga lang halata dahil minadali na pala ng lalaking to ang nasa isip nya.

"Welcome back Kleigh Vein" maanghang na tugon ni Barbara tsaka sumandal sa headboard ng kama. Walang emosyon ang mukha ni Kleigh ng umupo sa isang malapit na sofa na nasa malaking kwarto na kinapapalooban nya. Masyado ng masakit ang ulo nya para magisip kung anong susunod na gawin.

"You're still the weak one.. Don't you?" Natatawang tanong ni Barbara. Sino ba namang hindi matatawa sakanya? Mukhang pumunta pa yata sya dito para magawa din ang gusto halintulad sa nagawa na nya kay aris na napatay pa ng asawa nya.

Maikukumpara si Kleigh sa isang nanghihinang kalaban na pilit na binubuo ang sariling alala. Wala pa syang alam sa lahat. Naguguluhan.

Napatingin na lang si Kleigh sa dalaga, hindi alam kung anong sasabihin.

"Wala kang gagawin? Di mo ba ituturo sakin kung pano mo napaamo si Aris?" Pang iinsulto pa ni Barbara. Napakatapang nga nito. Kahit lalaki ay kinakalaban.

"Talagang nagtanong ka pa" maangas na sabi ni Kleigh. Halatang nagpipigil ito ng galit. May nakaalam na naman sa plano nya. Bakit ba kasi sobrang talino ni Barbara? Maging ang babae ay natatalo na yata sya.

"You know more of me, kleigh. Hindi kasi ako kasing tanga katulad mo" naka ngising sabi pa ni Barbara habang ang mga kamay ay nasa cellphone pa na hawak at tinabi sa likod ng unan.

Alam nyang isang salita na lang nya ay pwedeng pwede na syang patayin ni Kleigh sa mga oras na ito pero hindi bakas ang pagkatakot sa mukha ng dalaga. Bakit ba naman kasi sya matatakot? Alam nyang malalaman din ni Kleigh ang totoo.

Owning the Vampire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon