Isang linggo na.
Hindi ako pumikit kahit isang minuto, nakatutok lang mga mata ko sa pinto, binabantayan ang oras, at nag-aabang.
PERO HINDI SIYA BUMALIK!! UGHH!!
Nagka-usap narin kami ni Kiana, kaso wala nga din siyang balita sa ate niya since naka bukod naman ito ng bahay.
Nabulok na ako kaka-antay sa kaniya.
Sinabi ko na nga din sa sarili ko na kagabi na ang huling gabing maghihintay ako sa kaniya.
Gumising akong maganda today, kahit ilang oras lang ang naging tulog.
Biscuit lang ulit ang balak kong kainin ngayon, kahapon naman kasi ay tinanggap ko na ang ibinibigay na pagkain ni Aleng Tanya at Manong Benten. Pinilit ako ng bonggang-bongga eh.
Fresh akong lumabas ng bahay kahit ang kapaligiran ay medyo... Y'know na... Joke langg, kavibes ko na nga ilang mga kapitbahay dito dahil narin kay Aleng Tanya.
Ipakilala ba naman ako sa buong baranggay. Buti nalang maganda ako kaya confident ko silang hinarap.
Naglalakad ako ng mapadaan sa 7/11 na pinagtatrabahuhan ko tuwing gabi. Kung normal na araw lang ito ay lalagpasan ko na iyon ng walang issue. Ang kaso, nahagip ng mga mata ko ang babaeng pinakahihintay ko.
"Kate? Kate!!" isinigaw ko ang pangalan niya kahit na hindi naman kami close. Di niya pa nga ako kilala eh.
Hindi niya ako narinig dahil sa natabunan ng pagdating ng tren ang boses ko. Napakaingay naman kasi ng tren nato, nangangalawang na ata.
Mabilis ang naging lakad ni Kate kaya tumakbo ako para mahabol siya. Kaso madami ring tao, harang sa pagmamahalan namin hmp!
Nakita kong umakyat siya ng hagdan nitong station, may balak ata siya sumakay ng tren. Kakasahod ko lang sa bulaklakan, pero hindi pa iyon malaki, ibabawas ko nalang sa sukli niya yung gagamitin kong pera pambili ng card dito.
Ilang metro ang layo ko sa kaniya, sakto pa na may beep card na siya kaya dirediretso nalang ang pasok niya, samantalang ako kailangan pa pumila para makabili.
Huhu.
Madaling-madali na ako, hindi ko narin siya agad matanawan. Tapos hindi ko pa alam kung saang station siya bababa. Gigil nakoo! Gusto ko lang naman siya makita at maka-usap tyaka mai-suli tong sukli niya, bakit naman parang pati tong mundo ay humaharang-harang sa way ko!
"Saan ka, Miss?" Tanong sakin nung babaeng nagbebenta ng card, it's finally my turn na kasi.
"B-baclaran station po." Shiiitt!! Wala talaga akong idea kung saan siya bababa kaya yung pinaka last station nalang sinabi ko. Huhu.
'Nasa blumentritt station kami ngayon.'
Pagkakuha ko ng card ay mabilis na akong pumasok, sakto naman ang pagdating ng panibagong tren.
Halos lahat ng tao ay nagsipasukan dito, kaya mas lalo akong nahirapan na mahanap siya.
Ang ginawa ko nalang ay pumasok narin sa loob para doon ipagpatuloy ang paghahanap. Masikip kasi madaming tao, halo-halo din ang amoy.
Nakisiksik ako sa kanila para makadaan, napatigil nalang ako ng wala na akong anumang malulusutan. Doon ko napagtantong iba pala ang tren ng lrt-1 sa lrt-2. Tuloy-tuloy lang ang sa lrt-2, hindi kagaya nito na cabin ang style.
"Fvcking shit!" napamura ako ng wala sa oras. Tumingin tuloy saakin ang mga tao. Nakaka-inis naman kasi, bakit ganito?
So ano, wala na talaga akong chance na makaharap siya?
Pangit kabonding ni world.
Gusto ko ng sumuko at pumanik na sa trabaho ko, kaso hanggang baclaran nga pala itong card na binili ko. Nakakapanghinayang.
Doon ako naka isip ng isa pang paraan.
Talino ko talaga!
Sa susunod na station ay bababa ako at lilipat sa kabilang dugtong nitong tren para doon naman maghanap. Malas ko nalang talaga kapag bumaba na rin siya sa susunod na tren, tapos magmumukha akong tanga kakahanap sa kaniya eh wala na pala siya.
But I took the risk.
Bumaba ako at nakipag-tulakan sa ibang mga gusto rin sumakay.
'Konti nalang makakatapak nako sa loob ng part nato, koning tulak pa!'
Pinapalakas ko ang loob ko habang nagtutulak at pinapanood ang bawat paghakbang ko. Hanggang sa makaramdam ako na parang may humihila sa damit ko palikod.
"Kingina, sino ba yang hila ng hila?!" pagalit kong sigaw sabay lingon. Napatigil narin ako sa pakikipag tulakan.
"What the hell are you doing?"