Paalis na yung babaeng papalitan ko sa counter pagdating ng 7/11, nag batian kami saglit at nag iwan siya ng ilang paalala.
Pagpwesto ko sa counter ay napa buga kagad ako ng malakas na hangin. Unang araw palang pero pagod nako.
Hindi kasi sanay eh.
Hindi na ako nakapag pahinga pa kasi may isang grupo narin ng mga studyante ang pumasok para bumili.
Green ang kulay ng mga palda nila at dirty white naman ang kulay ng pang-itaas. Unang tingin palang ay pamilyar na kaagad ako sa kung saang school sila nag-aaral.
Sa Saint Jude.
Alam ko yan, syempre dun rin ako nag-aral nung junior high.
Maingay sila at medyo magulo, malakas ang usapan at malakas ang tawanan. Pero hindi naman ako pwede magreklamo, ganyan din kami dati ni Ash kaya.
Maya-maya pa ay unti-unti narin silang naglapitan sa counter para magbayad ng kanilang pinamili.
Madami-dami ito, palibhasa may mga pera naman studyante sa school nayan. May ilan pa nga sa kanila na may dalang Starbucks.
"Uuwi kana kagad?" Tanong nung isang lalaki dun sa babae.
Habang yung babae naman ay nagbubunot ng pera sa kaniyang wallet upang pambayad.
"Oo eh, susunduin ako ng ate ko."
"Parang napapadalas na ata yang pag-sundo sayo ng ate mo, hindi na tuloy tayo nakakapag bonding ng matagal."
"Nakukutuban na kasi sila na baka may jowa daw ako, alam mo namang sobrang strict ng family ko pagdating sa ganyang bagay."
"Eh may jowa ka namn talaga eh. Ako, diba?" Ngumiti ng pilyo iyong lalaki, tapos ay kumagat pa sa labi.
Hangin lang po ako dito, opo.
"Bumili na tayo nito, para sa susunod pagnatukso ulit tayo ay ready na." Dumampot yung lalaki ng isang box at may pangalan itong 'Trust'. With flavor pa.
Ikinagulat ko ang mga salitang lumabas sa bunganga nung lalaki.
Grabe na sila.
Ako nga hanggang second base lang, itong mga to naka isa na.
Nasaan ang mga magulang nito?
"Ate, pasama narin po nito." Kinuha nung babae yung box at binigay saakin.
Nag-expect ako na atleast tatanggi siya kahit papaano.
Te, mukhang siya pa nga ang magbabayad.
Nang binabalot ko na sa plastic ang kanilang nga pinamili ay sakto namang bumukas ang pinto.
Abala ako sa ginagawa kaya hindi ko na natingnan pa ang pumasok, narinig ko nalang ang mahinang pagmumura nitong batang babae.
"Fuck..."
"Hindi ka talaga nakikinig, Kiana. Hindi ba ang sabi ko pagtapos ng klase niyo ichachat mo kagad ako at huwag ka ng pumunta sa kung saan-saan kasi susunduin kita." May humigit sa braso ng batang babae at agad naman lumayo yung lalaki.
"Ate, ano ba? Let me go!"
"Naghintay ako sa tapat ng school niyo pero wala ka, ilang beses ako nag message at tumawag sayo pero naka turn off yung phone mo, hinanap na kita sa sm pero wala ka din. Nandito ka na pala."
"Marunong naman akong umuwi."
"I know and I dont care, ang problema sayo ay sama ka ng sama sa kung sino. Ito ba yung boyfriend mo? Tsk, mukha namang palakang napipi yan. At ano pa yang pinagbibili mo?" Biglang kinuha sakin yung plastic na kung saan kakatapos ko lang ilagay lahat ng binili. "Condom? Seriously, Kiana? I can't believe you."
"Ate, wait no. Hindi sakin yan. Pinsabay lang sa pagbayad... Please dont tell mom."
"Hindi sayo? Pero nagpapanic ka ng ganyan. You know what, you deserve to be grounded."
"What?! Ano ako bata?"
"Yes you are, now get in the car."
"No!"
"Get in the car, Kiana Loreen. Or else kakaladkarin kita sa harap nitong mga kaibigan mo."
Nakita ko ang pagbabaga ng galit sa mga mata nung batang babae na ang pangalan daw kuno ay Kiana. Galit na galit siya sa kausap, haluan pa ng kahihiyan.
Hangin lang po ulit ako dito, yes po.
Ilang segundo pa ang nakalipas ay padabog narin siyang lumabas ng store. Naiwan namang walang magawa itong mga kaibigan ni Kiana.
Lakas ko makitawag sa kaniya ng Kiana ah.
"Ay miss, saglit!"
Aalis narin sana itong ate ni Kiana kaso pinigilan ko. Nakalimutan na kasi kunin nung bata yung sukli niya sa isang libo.
"S-sukli ho..." Huminto sa ere ang kamay kong may hawak ng panukli, ngayon ko palang kasi napagmasdan yung mukha nitong ate ni Kiana.
Mula pa kanina doon lang ako sa bata naka focus, hindi ko man lang alam na pogi pala itong kausap niya.
I mean, babae siya. Pero ang pogi eh. Ang angas ng dating. Di ko ma-explain. Ang pogi niya lang.
Grabe naman tong kaitaas-taasan, kakasabi ko lang kanina na kapag may ipinakita pa siya saking mas pogi hindi ko na talaga papatulan si John Rey. Nagbigay nga ng pogi, kaso babae naman.
Anong gagawin ko dito? Magpaka bakla?
"Excuse me, heyy, hello??"
"Ahh, haa?"
Bumalik ang diwa ko ng ikaway-kaway sakin nitong poging babae ang kamay niya.
"Akin na, yung sukli." Ipinakita niya saakin ang palad niya at dali-dali ko namang inilagay ang sukli doon.
"Sorry hehe~"
Pagkakuha ng sukli ay hindi na niya muling sinulyapan ako.
"Thank you, Miss. Come again!" Pahabol ko bago siya tuluyang lumabas ng glass door.
KYAAAHHH!!
Ang pogi! Babae ba talaga yon? Mula ulo hanggang paa ang pogi eh. Angas pa manamit.
Uyy baka naman pwedeng makita ko pa siya ulit parang nanunumbalik kasi yung lakas ko eh.
BWAHAHHAHAHAHA.
Ay teka, nandito pa nga pala itong mga kaibigan ni Kiana. Baka mamaya mapagkamalan pa nila akong baliw dito. Ang ganda ko namang baliw?
Anyways, kahit mag-gagabi na ay marami paring bumibili dito sa 7/11, minsan mga motorcycle food deliveries, minsan mga napapadaan, madalas ay mga teenagers na tumatambay para magpalipas oras or mag quality time.
Madaling araw na at gutom na ako.
Pero slay padin yung ganda ko.
Kimii.
Kapag walang ginagawa ay paulit-ulit kong pinapanood ang cctv para lang maukit sa utak ko yung mukha ng nung poging babae. Para narin kapag nakita ko si Kiana sa dangwa ay mabilis ko siyang makikilala.
'Kiana, magtilang angel ka sana samin ng ate mo.'
Huhu. Parang tanga, Sarah. Nakaka-awa ka.