LAST THREAD OF CHANGE

49 1 0
                                    

Umuwi ako ng bahay, nilakad ko lang. Wala akong pamasahe eh haha. Nananakit narin ang tiyan ko dahil sa gutom, mabuti na nga lang at nakatulog ako agad dahil sa sobrang pagod.

Kinabukasan ay alas tres ng hapon na ako nagising.

Pumipintig sa sakit ang mga paa ko pati nga ang dugo ay nanuyo na rito, hindi ko rin mabuka ng maayos ang aking pisngi dahil sa sakit ng pagkakasampal saakin kahapon. Pakiramdam ko rin ay nilalagnat ako.

Nakakatawa, halos gusto ng bumigay ng katawan ko.

Hindi lang katawan, kasi maging ako, sarili ko mismo ay gusto nadin sumuko.

Humiga lang ako sa malamig na sahig ng maliit kong bahay, hindi ako kumilos. Hindi ko nilinisan at ginamot ang mga paa ko, kasi wala rin naman akong panglinis at panggamot. Hindi ako kumain, kasi wala rin naman akong pagkain. At higit sa lahat hindi ako sumubok manghingi ng tulong.

I just lay down. Nag-aantay sa oras na mawawala na yung mga sakit na nararamdaman ko ngayon.

I closed my eyes as tears rolled down.

'Do I deserve this?' I asked myself.

Sinasaktan nalang ako lagi ng mga taong mahalaga saakin. Inaabandona.

'Hindi ba ako kamahal-mahal? Hindi ba ako worth-it panatilihan?'

Kumirot ang puso ko.

I guess aantayin ko nalang ang sarili kong malusaw dito.

Dinadama ko ang kapayapaan ng pagiging mag-isa, until a continuous knock could be heard at my door. Pero hindi ko iyon pinansin at nanatiling nakapikit nalang hanggang makatulog muli ako.

I dont know pero naalimpungatan ako na parang may gumagalaw sa katawan ko. Agad akong napabangon nang maalala yung lalaking nang-harass saakin.

Baka nasundan niya ako, baka may balak siyang muli

That thought gives shiver down my spine.

Kumirot yung katawan ko pero ininda ko yun para lang makalayo sa kung sino man ang humahawak saakin. Agad ko ding nilagay ang mga kamay ko sa aking dibdib upang magsilbing panakip.

"Sarah, ako to... Sarah" May taong paulit-ulit na tumatawag sa pangalan ko, ngunit hindi ko magawang lingonin kung sino yon.

Natatakot ako.

"Ate Sarah... Ate, look at me... Calm down, Gawdd you're trembling. What in the fucking fuck happened??" My breath hitched when I recognized whose voise it's coming from.

Unti-unti akong nag-angat tingin.

There, I saw Kiana and Aleng Tanya. They both looked worried with a hint of pity.

Tumingin lang ako sa kanila.

Napaka dami kong gusto sabihin pero ayaw bumuka ng bibig ko, sakto namang nag tila salita ang mga luha ko.

I crawled to their arms.

We cried.

They cried with me.

That's when I felt I'm not alone.

"Ano palang ginagawa niyo dito?" Tanong ko, bago isubo ang apple na dala ni Kiana at binalatan ni Aleng Tanya.

"Ito kasing si Ija ay hindi magkandamayaw sa pagkatok dito. Aba'y nung sitahin ko nagmakaawang makita ka, nag-alala narin ako sayo kasi baka kung ano nga ang nangyari at ganoon nalang siya makareact. " Sagot ni Aleng Tanya habang pinupunasan parin ang iba kong sugat.

Pinapalitan daw pala nila kanina ang damit ko, nung nagising ako.

Matapos magpaliwanag ni Aleng Tanya ay dumako naman ang mga mata ko kay Kiana.

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now