"HUY NAKO PO! KIANA, IKAW NA BATA KA HUHU" Agad kong dinaluhan si Kiana.
Yung dalawang lalaki naman ay walang malay na naka dapa sa sahig matapos lamang ang kanilang huling pag-sigaw.
Yes, oo, opo, tumpak, nakuha mo, bingo, yeah~
Ang dalawang tili kanina na narinig ko ay nanggagaling sa dalawang lalaki ding ito.
At si Kiana? Ito salubong ang kilay na nakatayo sa pagitan ng dalawang nakadapa.
"Ayos ka lang ba ha? Sinaktan kaba nila? Although mas mukhang laspag pa sila. Pero ano ba, anong nangyari? Bakit ganto? Pano nauwi ang lahat sa ganito? Dapat naba nating takbuhan ang mga pulis?"
"What? Ang daming tanong, sa tingin mo masasagot ko lahat yon? Tyaka bakit kaba nandito?"
S. U. N. G. I. T
"Ito naman, concern citizen lang eh." Inirapan ko siya ng mata. "Maka alis na nga."
"Wait!" ayooon, pipigilan rin naman pala ako.
Tiningnan ko muna ng mapaghusga ang mga kamay ni Kiana sa braso ko, bago muling ibinaling ang mga mata sa kaniya.
"I-I'm hungry..."
Sino ba namang hindi gugutumin? Mula pa kagabi umalis sa bahay nila. Walang dalang cellphone at wallet, walang kahit ano.
"Hmm, kawawa ka naman. Sige, tara sa store. Utang mo to haa. Tag-gipit ako."
Gusto kong alamin ang mga nangyari sa kaniya, mula simula. Kung bakit siya naglayas at panong nangyaring taob yung dalawang lalaki na yon.
Pero ayaw ko namang mamilit ng tao. Maliban nalang kay Kate syempre. Hehe.
"No, ayoko don." hindi siya sumunod saaking paglalakad at sinabi ang mga katagang iyon.
"At bakit naman aber? May gana kapa talagang mag inarte haa." Nakapameywang kong utas.
"She's at the store, right?" Hindi ako sumagot, alam narin naman niya eh. "The thing is, ayoko muna siyang makita. Mainit parin ang ulo ko..."
'Awwe ang baby sister na yaann'
Pero anong gagawin ko?
San ko siya dadahin?
"Kiana, mas lalo kang mapapagalitan niyan. Tyaka alam mo bang alalang-alala siya sayo? Kinain na nga niya yung pride niya at lumapit sakin para lang mahanap ka."
Saglit siyang nanahimik at yumuko lamang. "... Please...?" hays, mukhang ayaw nga niya talaga.
"Then, is it okay lang sayo to spend the night in my house? Maarte ka pa naman. Maliit lang ang tinitirhan ko, as in sobrang liit. Mainit din..." ayaw kong mag expect siya, tyaka mas mabuting pag-isipan pa niya ng mabuti.
"I dont care, you know, desperate moments. Tara na kasi, gutom na nga ako. Babayaran nalang kita kapag okay na lahat."
Hayst.
Minor nga naman.
So ayon, inuwi ko muna siya sa bahay. Balak kong iwan siya dito at bumalik kay Kate, may trabaho pa ako nuh.
"Aleng Tanya, salamat po talaga haa. Huwag po kayong mag-alala, babayaran ko tong kinakain namin." Pagpapasalamat ko, sarado na kasi ang karinderya nila Aleng Tanya. Kaso gutom na nga itong si Kiana kaya lumapit padin ako sa kanila at nakisuyo ng makakain.
Ipinagluto pa tuloy kami.
"Naku, ano ka bang bata ka. Hindi na nga kilangan, isipin mo nalang ang sarili mo haa. Maliit na bagay lang samin to."
Ack! Ang bait talaga.
"Ay hayaan niyo na po akong magbayad, palagi niyo nalang akong nililibre ng nga pagkain. Nahihiya na po ako."
"HAHAHA ikaw talaga. "
"She won't pay for this, ako na po. Since ako naman din ang kumakain. Babalik nalang ako dito when I get my hands on my money." Biglang sabat ni Kiana.
And so, ang nanalo sa pilitan-portion na iyon ay si Kiana.
Matapos niyang kumain ay ibinilin ko siya sa bahay.
"Huwag ka ng lumabas ha, huwag pupunta sa kung saan-saan. Huwag magpapa-pasok ng kung sino-sino, at huwag matigas ang ulo."
"Tsk, i know i know."
'I know i know' hmp!
"Babalik din ako kagad, isasarado ko lang yung store." Pinahiga ko siya ng maayos at kinumutan.
Kahit medyo mainit kasi ay madami pading lamok, kaya kailangan niya nagkumot kahit kalahating katawan lang.
"But, dapat open yun 24/7 ah?"
"Eh anong magagawa ko, kailangan kita balikan dito."
"You might get fired!"
Forda true yan.
Baka matanggal na talaga ako. pinagbantay ko ba naman si Kate don, tapos ngayon isasarado ko pa.
Napabuga nalang ako ng isang malalim na paghinga.
"Matulog kana, alam ko wala ka pang pahinga."
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sumunod niyang sinabi at nagtungo na kay Kate, malapit nalang din naman ang store dito.
"What took you so fucking long? Alam mo bang para akong tanga dito at hindi malaman ang gagawin huh?"
Ay, galit kagad. Sabagay may karapatan naman siya.
"Sorry na, kaya nga nandito na ako eh. Isasara ko na muna tong store."
Bigla naman nagbago ang ekspresyon niya.
"What? Why?"
"Hmm, nakita kona kapatid mo. Pero ayaw ka daw niya muna makausap."
Dali-dali naman siyang nag tungo sa kinatatayuan ko.
"Where is she? Is she okay?"
"Hmm, okay lang siya, nasa bahay ko. Sasarado ko na tong store para makabalik narin ako sa kaniya. Umuwi kana sa inyo, baka bukas maka usap mo narin siya."
"And why would I trust my sister to you?"
I'm so tired...
"I dont know..."
"Dalhin mo ako sa kaniya, i-uuwi ko siya."
"Kate, nagpapahinga na siya sa bahay. Hayaan mo na siya, hindi ko naman ipapahamak yung bata eh. Kaya nga nagmamadali narin ako bumalik ngayon."
Saglit na katahimikan ang namayapa saamin matapos kong sabihin iyon. Bakas din sa kaniyang mukha ang pagka-inis.
"Kate, please... If ever na may mangyari mang masama sa kaniya ipakulong mo ako... And it will be okay."
"Give me your phone number. Sa unang ring pa lamang ng pagtawag ko ay dapat sagutin mo kagad. Understood?"
May konting part saakin na ikinatutuwa ito dahil sa finally we exchange contacts na. Pero mas may lamang parin na hindi ko maipaliwanag eh. At hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon.
Habang pabalik ng bahay ay napa-isip ako.
She didn't say 'Thank you'.
Instead, sinalubong niya ako ng ganong mga salita.
I feel so down.
But it's okay.
Ano naman kung hindi siya magpasalamat? Kung hindi niya ako kinamusta? Its okay.
Nasasanay narin naman ako.