Kinabukasan maaga akong pumasok.
"We have meeting with our client today, titignan narin natin yung place na pagtatayuan ng bahay." Dani aniya pagkapasok palang ng office.
"Hmm." Maikli kong sagot habang nirereview pa ang mga files ko.
"Gosh, nag away nanaman kami ng bff ko kagabi." Nagbugtong hininga siya saka pabagsak na umupo sa upuan na nasa harap ng table ko.
"Why?"
"Ninang kasi siya nung anak ng ka-workmate niya sa paris, then, mag bibirthday nga yung bata so nagtanong siya saakin ano magandang gift. Edi nag suggest ako, don nagsimula pagtatalo namin."
"Haha, planning for a present is quite hard for real."
"Yeah, hindi niya nagustuhan yung mga sinasuggest ko. Suggestion lang naman yon, kung ayaw niya pala bakit pa siya nag tanong diba?"
"Which one of your friends is this?"
"Si Maica, you met her na through video call diba?"
"Ohh that silly looking girl."
"BWHHAAHHAHAHA, i-tweet ko'to." She hurriedly tap on her phone with a goofy smile plastered on her face.
I continue what I'm doing naman.
When the clock hit 11:45 we get ready to meet our clients.
"Yo, wanna go to a party with me after this?" Bulong ni Dani saakin habang nasa loob kami ng elevator.
"Hmm? Where and why?"
"Hotel just around here, because my friend Maica wants me to attend that party on behalf of her since nasa paris pa nga siya. Wala akong kilala doon so mao-awkward-an ako kaya naisip kong ayain narin kita."
"Ito yung birthday ng inaanak niya?" She nodded. "Ngayon kagad? How about the gift?"
"Medyo sabog pa ako kaninang umaga kaya kulang-kulang nasabi ko sayo hehe. Bibili palang ako ng regalo bago pumunta don, she will wire the money nalang."
Sabay kaming lumabas ng elevator at naglakad patungo sa kinaroroonan ng kliyente.
"So ano, samahan mo ba ako?" She nudge me.
"Yeah, kawawa ka naman eh."
"Yey! The best ka talaga."
Kinita namin ang kliyente sa coffee shop dito lang din sa loob ng building.
"Good afternoon, Doc. Fukushima. It's our pleasure to meet you again." formal na pagbati ni Dani sabay handsake sa kaniya.
"It's great to see you too, and she's probably your engineer, am I right?"
Umupo muna kami at umorder ng maiinom.
"Yes, Doc. Wala siya last time since may isa din po siyang project non." Sagot ni Dani.
Humingi naman akong paumanhin kay Doc. Fukushima.
Matangkad at may kaputian si Doc, naka ayos ang buhok at amoy na amoy ang pabango, malinis din at mahinhin. Higit sa lahat ay may maipagmamalaki ang mukha.
'Ano naman? Mas pogi parin ako. '
"Are you alone today, Sir?" Tanong ni Dani.
"Ah yeah. Sarah won't be able to attend cause she's helping a friend." I felt my body flinch the moment he utter the name 'Sarah.'
Malakas parin talaga nag epekto niya sakin.
After a few talks nagpatuloy narin kami sa dapat kapatunguhan ng usapang ito.
Chineck namin ang site at nagka agreehan sa ilang bagay. After a few hours natapos narin.
"San kana niyan ngayon?" Tanong ni Dani sakin.
"Bibili kapang gift diba? After non didiretso kana sa party?"
"Yeahh, may extra naman akong pamalit sa office. Yun nalang susuotin ko."
"Hmm, edi samahan nalang din kita mamili. May extra din ako damit sa car."
Si Dani ang kasama kong namimili ngayon, pero si Sarah ang nasa utak ko. I know it's impossible na iniisip niya rin ako but I'm hoping na sana kahit papaano dumadaan ako sa utak niya.
I wonder, may maganda bang memory sakin si Sarah? Puro pasakit lang ata ang nadama niya saakin. Mas okay narin siguro kung kalimutan nalang niya ako tuluyan.
"Kate, kinakabahan ako." Napalingon ako kay Dani habang tinatanggal ang seatbelt.
"Why?"
"For sure madaming tao, tatanungin kaya nila ako ng madami? Wala pa naman akong kakilala"
Sabay kaming bumaba ng sasakyan.
"Hindi yan, and you have me naman." Pagpapagaan ko sa loob niya.
'I should've done this to Sarah before....'
Tangina, miss ko nanaman siya.
Bago makapasok ay hinanapan muna kami ng invitation, since wala samin yon, pina confirm muna namin sa ibang ways hanggang makapasok na nga.
"Wait, Kate. Tawagan ko lang si Maica. Inform ko siya tyaka para malaman kung kanino ko ba to ibibigay. "
"Hmm go lang, dito lang ako." Ani ko.
Lumayo si Dani saka may kinausap sa cp. Inikot ko naman ang aking mga mata sa paligid, nagbabaka sakaling may pamilyar na mukha akong makita.
Maya-maya pa ay meron nga.
"Doc. Fukushima?" Tanong ko sa aking sarili. Nasa hindi siya kalayuan sa pwesto ko, iba ang damit at may kargang bata habang may kinakausap na dalawang tao.
Ang mga sumunod namang pangyayari ang halos ikabasag ng puso ko.
May lumapit na babae sa kaniya, nagngingitian sila at nag-uusap habang pinupunasan nung babae ang bibig ng bata.
Yung babaeng to ay napaka pamilyar sakin. Napaka lapit sa puso ko. Yung babaeng ikinangungulila ko sa araw-araw.
Si Sarah.
Ramdam na ramdam ko ang buong kalamnan ko ngayon.
I took one step to get closer to her.
And another one step.
Another....
Until....
"VALENTINE!!! ASH!!! SARAH!!!" Nangibabaw ang boses ni Dani sa bawat sulok ng lugar na ito.
Lahat ng mga mata ay natuon sa kaniya. Habang siya naman ay may malaking ngiti sa labi at bakas ang pagka excite.
Dali-dali siyang nagtungo sa kanila.
Sinalubong pa siya nung lalaki ng yakap, maging yung isa pang babae at si Sarah.
They all looked happy to see her.
Akala ko ba wala siyang kakilala dito??
So, close sila ni Sarah??
All this time??
Inabot niya ang regalong dala sa batang karga ni Doc. Fukushima. Saka tuwang-tuwa na pinisil ang mga pisngi nito. Pansin ko rin na halos mangiyak-ngiyak pa siya.
Wait...
Is that Sarah and Doc. Fukushima's child?
Ang party na ito...
Did I just attend a birthday party of a child... na ang ina ay yung taong mahal ko?
Napa hawak ako sa aking dibdib nang kumirot ito.
Nakangiti siya ng malaki, tumatawa, at halatang masaya.
This is her now.
I can't believe, binalak ko pang maglakad patungo sa kaniya kanina.
Part of me is happy for her, pero may parte din saakin na sobrang nasasaktan at hindi kayang panoorin ito.
So i chose to turn around.