KITTY

44 1 0
                                    

Habang nasa kotse palang ni Kate nakatulog na ako.

Pagod talaga ako ih.

Nagising na nga lang ako nasa kama na at nakahiga ng komportable. Napalitan narin ang suot kong damit kanina.

Kinusot ko muna ng mga mata ko bago tumingin sa orasan.

Mag aalas nuebe na pala.

Lumbas ako ng kwarto at tumungo sa kusina para uminom ng tubig.

Nagugutom nanaman ako.

"You're finally awake, nag order ako ng chicken wings diyan. Eat it." Halos maibuga ko ang ininom na tubig ng marinig ko ang boses na iyon sa likod ko lamang.

Paglingon ko nakita ko siyang prenteng naka tayo sa tabi.

"Gising kapa pala."

"I'm waiting na magising ka."

"Naks naman, KATTY." I emphasize the word Katty. Ewan, gusto ko lang.

Napansin ko naman ang pag-twitch ng kaniyang mga kilay.

"What did you call me?"

"Hmm, so si Vanessa lang pala pwede tumawag sayo non? Pag ako bawal? Eh gusto nga kitang tawaging Kitty, kaso nagkikimkim lang ako. Pangalan mo nga lang dati ayaw na ayaw mo ng binibigkas ko, Kitty pa kaya. Okay lang, sino ba naman ako? Wala naman akong karapatan sayo. Okay lang talaga. " Bulong ko sa sarili ko habang inaabala ang sarili sa pagbabalik ng ininumang baso.

"I can't hear you properly."

"Wala. Sabi ko ang ganda mo, labyu." Nilagpasan ko siya upang makabalik na sa kwarto. "Matutulog na ulit ako."

"Di kapa kumakain."

"Luh siya, kelan ba ako kumain dito?"

"I dont know and I dont care. Just sit down and eat. Gusto mo pa ata magpasubo."

"May isusubo kaba? Subo mo nga? Pasubo oh. "

"The fuck Sarah? Wala akong titi, wag kang delusional diyan."

"Ikaw ata tong delusional beb, pagkain tinutukoy ko. Kung ano-ano pumapasok sa isip mo diyan. Yews ka."

"Bahala ka na nga diyan. Kumain ka mag-isa. Matutulog na ako."

Tingnan mo'to, kanina gusto ko ng bumalik sa kwarto, pinigilan ako. Ngayon naman siya itong unang matutulog?

"Namo, KATTY. Hmp!"

Hinayaan ko siyang umalis sa harapan ko at kumuha nalang ng pagkain.

Ilang segundo na ang nakalipas, akala ko mag-isa nalang ako dito sa kusina. Kaso, kinginang yan. Natutuwa ata ang loko sa panggugulat sakin.

"Dont call me Katty, call me whatever you like. In fact, I didn't even gave her the permission to call me that, she's so makulit lang talaga."

"Akala ko ba matutulog kana? Fuck, muntik na mahulog puso ko sa sahig..." Humawak ako sa dibdib ko saka matalim na tumingin kay Kate.

"Yeah, goodnight."

Yon na talaga.

Umalis na siya.

Pero uyy, pwede ko daw siya tawaging Kitty??? Weehh??? Yahhhh?? BWAHHAAHHAHAHAHAHHAHAHA.

Dahil don, mapayapa ang tulog ko nang gabing iyon. Pati paggising ko ay napaka aliwalas.

"Good morning, Kitty ko. May gusto ka bang kainin ngayong umaga? Ano or sino? Hmm??"

Kasabay kong gumising si Kate ngayon, malay koba kung bakit.

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now