Kahit na gaano pa kahapdi ang sugat na natamo ko sa mga bubog na iyon ay nagpatuloy lang ako sa pag takbo.
Hindi ako pwedeng tumigil, hanggat hindi pa ako nakakarting sa kaniya.
Kahit nadapa na ako.
Bumangon parin ako at tumakbo, ni hindi ko nga nililingon ang likod ko.
Baka kasi sumusunod parin siya.
I'm scared.
Im so fucking scared. I swear.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang nagpapatakan.
Walang humpay din ang aking pagdadasal na sana ay makarating na ako sa kaniya. Sa tanging tao na ramdam kong ligtas ako sa mundong ito.
And so,
I saw myself banging on the door, crying and hurting.
"Kate... Help me..." I said between my cries.
May nagbukas rin ng pinto sa wakas.
But it's not Kate.
Si Vanessa, nagdidilim ang mga mata niyang nakatingin saakin. Kita ko rin ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao.
Pero wala akong pake sa kaniya ngayon, kailangan ko lang si Kate. Siya lang.
"Kate-"
"Magnanakaw ka! Ninakaw mo ang mga pera ko! Wala kana ba talagang hiya? Tinuring ka ng maayos ni Kate tapos ganto ang isusukli mo?! Pagnanakawan mo ang mga kaibigan niya? Uhaw na uhaw sa pera lang ang peg?"
Kumunoot ang aking noo sa kaniyang mga ibinibintang saakin.
"A-ano?"
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Huling-huli kana namin! You're so fucking disgusting, Sarah! Dapat sa mga katulad mo ay walang karapatan mabuhay sa mundong to. " Dagdag pa ni Vanessa.
I'm so confused right now.
Hindi kona alam kung anong uunahin ko.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, pwede bang padaanin mo ako at kailangan kong maka-usap si Kate." Sinubukan kong hawiin ang surot para maka pasok ngunit dahil sa panghihina ko gawa ng mga pangyayari kanina, madali niya akong nataboy sa sahig.
"Para ano? Para ma brainwash siya? Well, I'm not letting you do that."
"Ano bang problema mo, Vanessa?"
"Ikaw! You're my fucking problem and yang malikot mong kamay. Tingnan mo, kung hindi ka magnanakaw nasaan ang mga ipinabili namin sayo? Wala diba, kasi itinago mo na iyong pera."
"Pwede ba Vanessa, lumayo-layo ka saakin, at tigil-tigilan mo rin ako diyan sa mga basura mong salita."
"Basura pala ah." Umalis si Vanessa na para bang may kukuhanin, saka ko naman nakita ang pigura ni Kate.
Magka krus ang kaniyang mga braso.
Nakatingin siya saakin ngunit hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.
Nandito parin ako sa sahig, hindi ko kasi magawang itayo ang sarili ko. Sobra na akong nanghihina at nanginginig.
"Kate..." Hinagod ng hapdi ang puso ko sa simpleng pagtawag ko ng kaniyang pangalan.
Hindi ganto ang naalala kong epekto ng pangalan niya saakin noon.
Umigting ang kaniyang panga, ngunit nanatili lamang sa kaniyang kinatatayuan. Hanggang sa makabalik na si Vanessa.
Bitbit ang perang pinag-iipunan ko.
Halos mahulog ang aking mga mata sa gulat.
Hawak niya sa kaniyang kamay ang bote ng alak na binigay saakin ni Kate dati, ginamit ko iyon upang pagtabihan ng pera.
Kaya lubos kong hindi maintindihan ngayon kung bakit nakay Vanessa ito.
"B-bakit... Bakit hawak mo yan, anong gagawin mo? Akin yan, ibigay mo sakin yan!" gumapang ako para sana abutin ang bote na naglalaman ng mga perang pinaghirapan ko.
"Ito ang patunay na ninakaw mo ang mga pera ko!! Nakakapag taka lang kasi na hampas lupa ka lang kaya paano ka nagkaraoon ng pera na ganto kadami?"
"Pinaghirapan ko yan, nagtrabaho ako para diyan. Kaya ibigay mo na saakin yan! Wala kang karapatan na hawakan ang mga gamit ko!"
"Sinungaling!" inilayo niya ang bote upang hindi ko makuha. "Talagang iiyak ka para lang sa pera no?"
Nanuyo ang lalamunan ko, halos huminto rin ang aking hininga ng iangat pa ni Vanessa ang bagay.
"Gusto mo ng pera? Oh ito pera."
Hinulog niya ang bote malapit saaking paahan, agad itong nabasag ng madikit sa sahig.
Tila ba tumahimik ang paligid ko.
Pinanood kong magtalsikan ang mga pera ko, ang mga perang pinag trabahuhan ko para sa mga pangarap ko, para mabuhay ako.
Sobrang sakit masaksihan ito.
Pero mas masakit na makita si Kate na wala man lang ginawa.
'Kate, pinaghirapan ko to eh. Halos hindi na ako kumakain para makaipon. Kaya bakit mo hinahayaan to, Kate?'
Sobrang sakit.
Nakaka disappoint.
This is my last straw, and witnessing all my efforts go to waste sucked my soul out of me completely.
Fuck life.
"H-how could you... It's my everything..." Mas lalo akong naiyak.
Nagmanhid din ang katawan ko.
Tumingin ako sa kanila isa-isa. Bawat kaibigan ni Kate. Si Vanessa. At mismong si Kate. Mababa ang mga ulo nilang nakatingin saakin, dahil nasa sahig ako, dahil nasa sahig ang mga pera ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari lahat ng ito saakin. Ano bang ginawa ko para maranasan lahat ng ito.
"Kahit na gaano pa ako kahirap, hinding-hindi ko magagawang magnakaw. Kahit pa mamamatay na ako." It hurts.
"Sarah" Finally, she called me.
"You didn't just shattered my dreams, you shattered me, Kate."
"Umalis kana dito. Hindi kailangan ni Kate ng isang magnanakaw at sinungaling na katulad mo."
"Sure. Yan ba ang gusto mo, Vanessa? Okay... Haha, yan lang pala eh..." I tried my best standing up.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang mapigilan ang mga hikbi na nais kumawala.
Parang libo-libong karayom ang tumutusok saakin ngayon.
"Sarah" Muli niya akong tinawag.
"Sorry Kate haa, sorry kung napaka hina kong tao at hindi ko man lang maipaglaban ang sarili ko. Sorry kung ganito lang ako. Sorry... Sorry sa mga problemang naidulot ko sayo. " Unti-unti na akong tumatalikod habang binibigkas iyon.
Naglalakad ako palayo.
Bahala na.
Bakit pa nga ba ako naglalaban sa buhay?
Bakit patuloy parin ako kahit sobrang sakit na ng naidudulot saakin nito?
Bakit?
Sobrang lamig ng gabing ito.
Naglalakad ako ng walang patutunguhan, ng walang suot na tsinelas, ng wala lahat.
Pati ata sarili ko nawala ko na.
Pwede bang i-restart ang life? Ayusin ko lang.
Tangina.
"Hindi ko akalain magiging ganto ang epekto saakin ng babae. Kung alam ko lang edi sana hindi na ako sumubok..." Bulong ko sa aking sarili.