'I have this thing where I get older but just never wiser. Midnights become my afternoons'
I always thought that there is a happily ever after, but I guess I was wrong. If it is true, then why the hell this is happening to my family?
"Sarah, mag ingat ka ha. Pasensya na hindi ka namin matutulungan sa problema niyong mag-pamilya, pero maniwala ka lang malalagpasan niyo rin yan." hinaplos ng tiyahin ko ang mga kamay ko bago ako pakawalan. Nagpilit ngiti naman ako sa kaniya saka umalis ng hindi na lumilingon.
Bitbit ang mga natira kong gamit, nagtungo ako sa isang iskinita sa blumentritt. Kung saan muna ako mamalagi mag-isa dahil nga umalis na ako sa tita ko.
Hindi ko rin naman ginusto doon, simula ng maghiwalay sila mama at papa yung tinitirhan naming bahay ay inangkin na ni tita. Dinala niya doon ang pamilya niya at nag asta alipin ako sa kanila. Kunwari pa siyang mabait at may pake saakin, pero inuunti-unti na nga niya ang pagbebenta sa mga gamit ko.
Mabuti nalang at bago ako umalis naka hanap na ako ng mapapasukang trabaho at matutuluyan, dito sa blumentritt. May kalayuan to sa dati kong bahay (kung saan sila tita na ang nakatira) at hindi ako pamilyar sa lugar, pero anong magagawa ko? Dito ako nilapag ng tadhana eh.
Pagtapat ko sa pinto ng magiging bahay ko ay natulala na agad ako. Pinto at labas palang ay sobrang liit na, saktong sakto din ang taas ng bubong sa mga mata ko kaya for sure nakayuko akong maglalakad sa loob.
Maingay din ang kapaligiran, halo-halo. Mula sa iyak ng mga bata sa paligid, mga nanay na nag bibinggo, harurot ng mga jeep at sigaw ng mga driver nito, tunog ng nag-uusap na mga taong naglalakad, at maging ang pagdaan ng tren ay maingay.
Napanbuntong hininga nalang ako saka binuksan ang padlock sa kadena na nagsisilbing lock nitong pinto.
Pagbukas ko ay tama nga ako ng hinala, mababa ang kisame at napaka liit ng loob. Magkadikit na ang kusina at cr tapos sala. Wala na ring kwarto pa.
Okay narin naman saakin ito, bukod sa maliit lang ang bayarin, ako lang din naman mag-isa ang titira. Wala din akong malalaking gamit kaya kahit papaano ay makakahiga pa ako ng diretso.
Madumi at maalikabok pa ang loob kaya matapos kong ilapag ang bag na dala sa isang sulok nakihiram muna ako ng walis at dustpan sa kabilang bahay. Pati narin pala plastic para panglagyan ng mga basura.
"Ikaw yung bagong lipat diyan?" tanong sakin nung ale'ng hiniraman ko ng gamit habang nakasilip sa maliit na pinto nitong bahay.
Nagwawalis na ako ng maitanong niya iyon.
"Ah opo." sagot ko naman.
"Ayan lang din ang gamit mo?" turo naman niya sa isang bagpack ko.
"Opo eh, naibenta napo kasi yung iba." tumigil muna ako sa paglilinis para maka-usap siya ng maayos.
"Ganon? Eh pano yung pang kain mo?"
Kung pinggan, baso, at mga kutsara ang tinutukoy niya "Wala din... Po"
"Naku, kawawa ka naman. Ang mabuti pa bibigyan kita mamaya ng ilang gamit. May maliit din akong electric fan doon na hindi na namin ginagamit. Sa iyo nalang, medyo mahina nga lang ang labas ng hangin. Pero okay na iyon sayo kasi mag-isa ka lang naman." Ang daldal ng matandang to, pero mabait naman pala hihi.
"Huwag na po kayo mag-abala pa, ayos lang naman po ako. Kapag nakaluwag-luwag ay uunti-unti ko rin po ang mga gamit na kailangan ko."
"Ay hindi, bibigay kona sayo yon. Ako nga pala si Tanya, aleng Tanya nalang din itawag mo saakin."
"Ah, salamat po. Sarah naman po ang pangalan ko."
"Sitti Sarah Pangcalan."
"Ayay, kaganda naman ng pangalan mo. Kasing ganda mo. Osiya, magluluto nadin muna ako. Akin kasi yung karinderya diyan sa kanto, bago mag 7/11. Dadlhan narin kita ng ulam mamaya." aalis na sana siya ng tawagin kong muli.
"Aleng Tanya!"
"Ay ija, hindi kana pwedeng humindi."
"Hindi naman po ako tatanggi, ano lang. Hindi po ako kumakain ng baboy..." Bakit ako tatanggi sa pagkain? Ngayon pa eh gutom na gutom na nga ako.
"AH HAHAHAHA akala ko eh. Mabuti at sinabi mo. Sigi ija, walang baboy, noted."
"Salamat po!"
Napangiti ako at muling bumalik sa paglilinis. Nakalimutan kong sabihin, pero yung tapat ng tinutukoy na karinderya ni Aleng Tanya ang pagtatrabahuhan ko bukas. Sa 7/11.
Pang-gabi ako roon, alas otso (pm) hanggang alas singko ng umaga. Tapos magtatrabaho naman ako sa dangwa pagdating ng alas sais (am) hanggang alas kwatro (pm).
Kailangan kong kumayod para mabuhay. Ako nalang mag-isa at wala ng aasahan pa.
Ang masakit lang ay hindi muna ako makakapag patuloy sa pag-aaral.
Isa pang bagay iyon na kailangan kong pag-ipunan.
Hays.
Dahil sa maliit nga lang ang bahay hindi narin ako nahirapang linisin ito, sakto naman na habang nagpapahinga sa isang gilid ay kumatok sa pinto ko si Aleng Tanya.
"Tapos kana?" Malambing niyang tanong. Tumango naman ako at ngumiti. "Ito pala pagkain, adobong manok sinamahan ko na din ng kanin. Tapos yang pinggan, baso, tyaka kutsara't tinidor ay iyo."
"M-maraming salamat po."
"Lapag mo muna yan, ito nga pala asawa ko. Manong benten nalang itawag mo sa kaniya. Ito rin yung Electric fan na gagamitin mo."
Nag hello ako sa asawa ni Aleng Tanya saka nagpasalamat sa mga binigay nila.
Nang maka alis ay nilantakan ko kaagad ang mga pagkaing inihandog nila.
'sobrang sarap...'
Napaluha ako nang maalala ko si mama sa lasa ng adobo ni Aleng Tanya. Masarap din kasi siyang magluto, paborito ko nga ang adobong manok niya.
'Miss na miss kona sila.'
Ang sakit lang na hindi man lang nila ako inisip bago magkanya-kaniya. Napaka selfish.
Naiiyak ako.
Kahit na ganon ay tinuloy ko parin ang pagkain, wala nga akong choice. Kung gusto kong mabuhay kailangan kong kumain, kahit mahirap lumunok.
Kingina nila.
Iwanan ba naman ako.
Ako na to oh. Sarah na to bhie.
Lakas mang ganon eh.