"I'm going to canada. My aunt wants me to work on their hospital there right after I finished college. So uhm... If you... Maybe I can... You know, might help to turn your life in other way..." Sambit niya habang papunta na kami sa bahay ni Kate.
"Wow good for you, Maxi." I smiled genuinely at him.
"What I'm saying is, you can ask me for help, Sarah... I can help you, just come with me." Patuloy parin ang aking pag-ngiti.
Napaka bait niya talaga.
Hindi naman na niya kailangan pang gawin to eh, wala naman siyang connect sa problema ko. Pero ito siya ngayon at nag o-offer pa.
"I can handle pa naman, Maxivon." Paninigurado ko sa kaniya.
I know I can still walk through this, as long as I have her.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa aming destinasyon.
Kinakabahan pa akong bumaba sa kotse ni Maxivon, baka kasi may sama ng loob si Kate saakin. Pero think positive tayo, for sure maiintindihan naman niya. Kukwento ko naman din eh.
Nagpaalam kami ni Maxivon sa isa't-isa at bago tuluyang pumasok sa bahay ay pinanood ko muna ang pag-alis ng sasakyan.
"Kate? Kaaatteee~ Dito na ako" Pagtawag ko sa kaniya. Ngunit walang sumagot kaya paniguradong wala pa iyon dito.
Habang wala siya ay ginawa kona muna ang mga trabaho ko at pampalipas oras narin.
Nag laba ako, nag hugas, nag linis ng sahig at bawat sulok ng bahay, nag plantsa at tupi, nag-ayos ng mga gamit, saka naligo
Habang nasa cr ay kumakanta pa ako at sumasayaw. Hanggang sa may marinig akong ingay na nanggagaling sa labas. Dinalian ko ang pagligo sa pag-aakalang si Kate na ang dumating.
Pag-labas ko, laking tuwa ko nga at tama ang hinala ko. But she came home 'not' alone.
Kasama niya ang mga kaibigan niya, parehong mga babae at lalaki, na prenteng naka upo na sa sofa. Habang siya ay nasa kusina, pinagmamasdan ang pagkaing nakahanda.
Katabi niya si Vanessa.
Gulat na gulat pa siya nung makita ako, akala mo naman nakakita ng multo eh mas mukha pa nga siyang bangkay kesa saakin.
"K-Kate, nagluto na ako ng mga pagkain diyan para sayo sana. Kaso may mga kasama ka pala, hindi ko alam kaya mukhang hindi kakasya iyan." saad ko.
"We can buy foods naman." Si Vanessa ang sumagot. "As much as we want pa."
To be honest, Vanessa's opinion wasn't that necessary to hear at all. I didn't even ask kung may kakayanan ba siyang bumili, and FYI I'm not talking to her duhh. I'm talking to my labidas, Kate.
Kaso di ko naman siya mababara basta-basta kasi nga nandito ang iba pang mga friends ni Kate, and isa rin siya sa category'ng iyon.
"Uh Kate, I'll tell you something pala" I ignored Vanessa.
"Can't you see that we're here? Obvious naman ata na magba-bonding kami nila Kate. Are you that stupid ba talaga?" Tangina, sumingit nanaman siya.
Spokesperson ba siya ni Kate?
"Ah..." Nalang ang nasabi ko saka isiniksik ang sarili sa sulok.
Kate didn't look at me.
Dumaan sila sa harap ko upang daluhan din ang iba pa nilang mga kasama sa living room. Pero nag tila ba hangin ako.
"Why you guys didn't open the tv?" Tanong ni Kate.
"Uh, hey maid. Turn on this television now, we're gonna watch." Utos ni Vanessa.
'Bat ko naman siya susundin?'
'Sino ba siya?'
'Babayaran niya ba ako pag sinunod ko yon'
'Wala ba siyang kamay?'
'Kingina ba niya?'
"Bakit hindi nalang ikaw, tutal mas malapit ka naman diyan." Sagot ko.
"Aba't--" Di na niya natapos ang sasabihin ng nagsalita rin si Kate.
"Do what she says." Kasing lamig ng yelo ang kaniyang tinig.
Lubos kong hindi inasahan yon, gusto ko na nga lang isipin na si Vanessa ang sinasabihan niya non.
Pero nasa akin ang mga mata niya eh, at malaki ang ngiti ng kaibigan niya.
Lumunok ako ng mapait saka sinunod ang utos ni Vanessa.
At ang surot na ito hindi pa nakontento.
Makalipas kasi ang ilang oras, naubusan sila ng inumin. Yes, nag-iinuman sila ng masaya. Habang ako ito, nakikinood.
"Hey maid, wala na kaming alak." Si Vanessa nanaman.
"Nugagawen?"
"Buy for us, don oh sa may convenience store."
Tih anong oras na, gusto niya pa akong palabasin? Seriously???
Tumingin ako kay Kate para sana manghingi ng sasabihin. Kaso naalala ko yung mga salita niya kanina. Do what she says daw pala.
Kaya ito ako ngayon at naglalakad na papuntang store habang naka pajama. Galing.
Nung papunta ay okay pa ako, pero inung pabalik ay hindi na. Ang bigat ba naman neto, ang lalaki kasi ng mga bote. Tas hindi pa ako nag trycle kasi wala naman silang sinabi na pwede.
"Psst miss!" Habang nasa kalahati ng daan ay narinig ko ito. Nilingon ko kung kanino galing yon, sa isang malaking lalaki at mabalbas na mukha ring lasing. Nagsalubong ang mga mata namin, and I swear, nagtaasan lahat ng balahibo ko sa sunod niyang sinabi. "Paisa naman oh, tigang na tigang na ako eh."
Tangina.
Kahit na tatanga-tanga ako, may instinct parin ako noh. At alam kong sa sitwasyon na ito ay dapat na akong tumakbo. Kaya ginawa ko yon.
Pero nakakailang hakbang palang ako ay may mga palad ng humatak sa braso ko, mabilis at mapwersa kaya napatumba ako sa sahig.
Mabilis naman siyang pumatong sa akin at hinawakan ang mga kamay ko sa taas ng aking ulo upang hindi ko iyon magamit.
Sa pagkakataong ito ay labis na ang aking takot, niiyak na ako, nagkukumawala ako pero walang epekto.
"Tulong!! Tulungan niyo ko!!! Bitawan mo akong hayop ka!! Tuloongg!" Halos magka basag-basag na ang pananalita ko.
Nakatanggap ako ng isang malakas na sampal mula sa kaniya, muntik pa akong mawalan ng malay dahil sa impact non. Pero pinagtibay ko ang sarili ko.
I managed to kick his lower part of the body, dahil sa sakit non ay napabitaw siya sa mga kamay ko. Kinuha ko naman ang pagkakataong iyon upang maka takbo.
I'm trembling, bigat na bigat tuloy ako sa katawan ko.
Napadaing din ako sa sakit nang matapakan ko ang bubog ng mga boteng nabitawan ko at nahulog kanina nung natumba din ako.