MOVE ON??

43 0 0
                                    

"Kate! Kate, tara dito!" Malakas at may bakas ng pagka excite na pagtawag saakin ni Dani.

Malakas parin ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko nga ay hindi ko kaya lumingon, natatakot ako na baka sa paglingon ko hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

"Kate?" Sa sunod na pagtawag ay may dumapo na kamay saaking balikat kaya mabilis akong napalingon sa pagaakalang si Sarah ang nagmamay-ari sa haplos na iyon.

"Oh, Dani..."

"Kate! Turns out i know these people so well! Hindi kasi nasabi sakin ni Maica kung sino, small world talaga. Hihi"

Napatitig ako sa mukha ni Dani, pero hindi maiwasang dumapo ang mga mata ko sa taong nasa likod niya.

Nakatayo at nakatingin.

"R-really?" I tried to focus on Dani para hindi niya mahalata ang pangungulila ko sa kaniya.

"Hmm! Come on, i'll introduce you." Hinigit ako ni Dani patungo sa grupo niya.

Ramdam ko ang bigat sa bawat paghakbang ko, kasing bigat ng damdamin ko, kasing bigat ng luha ko.

They're all looking at us.

She's looking at me.

"This is Kate. Kate, this is Ash, her husband Valentine, Maxivon our client, and Sarah, with this cute lil baby Avikielle. They are my friends!"

Binati nila ako at kinamayan, bakas pa nga ang gulat sa mukha ni Doc. Fukushima.

So ang tinutukoy niya palang Sarah kanina ay si Sarah talaga na kilala ko. Edi nakita narin ni Dani si Sarah sa unang meeting palang, kung kelan wala ako. And yung bahay na gagawin is para sa kanila? Sa pamilya nila?

Goddamn.

Hindi lang pala ako umattend sa birthday ng anak nila, ako pa ang magtatayo sa family house nila.

I wonder if kinasal na sila.

Hindi malabo, since ilang years narin ang nakalipas.

Matapos kong makipag batian sa ibang mga kaibigan ni Dani, huli akong tumingin kay Sarah.

"Hi, nice to meet you." She simply said.

Shit, I fucking missed that voice.

Matutuwa na sana ako kung hindi lang niya pinalabas na parang ito ang una naming pagkikita. But I understand naman, baka ayaw narin niyang ipaalam pa na nagkakilala na kami.

"Hi..." Ano na, Kate? Madami kang gusto sabihin once makita mo siya diba? Bat 'Hi' lang mabuka nang bibig mo ngayon? Nasa harap mo na yung tao oh. Duwag.

After that she proceeded to play with the kid.

"So your friend from paris is Maica?" That Ash girl and Dani continue to have a talk.

And I just can't stop looking at her.

I wanna talk to her more, pero para san pa diba? Masaya na siya.

May pamilya na.

After that long night, dumiretso na ako ng uwi. Hindi ko na hinatid si Dani since may susundo daw sa kaniya kaya hinintay ko nalang siya masundo bago umuwi.

Humilata kagad ako sa kama pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto.

Halo-halo ang nararamdaman ko, sobrang daming unexpected na mga pangyayari, ni-hindi ko nga ma-process lahat sa utak ko.

"That baby looked so cute. Pero hindi niya kamukha."

I feel so bitter.

Mag move on nalang ba talaga ako? Legit na ngayon. Like as in. For real no cap, period. Padlock, tapon susi.

Masaya na siya eh

Wala na talaga ako sa kaniya

Kaya ipush ko nalang sarili ko na mag move on sa kaniya noh?

"Sarah, ano bang ginawa mo sakin at hulog na hulog ako sayo?"

Pumasok nanaman sa isip ko yung imahe niya.

Halos walang pinagbago sa mukha, pero sa katawan ay malaki. Mas lalo naging makurba, tumangkad din siya konti (mas matangkad parin ako), makinis parin ang balat, mas humaba ang buhok.

Napaka ganda, tangina.

Bahala na nga, itutulog ko nalang ito. Baka bukas naka move-on na ako sa kaniya.

At syempre kinabukasan siya parin ang gusto ko, maging sa mga sumunod na araw siya parin, bawat minuto siya parin, kahit bigay niyo pa lahat ng babae sakin siya lang pipiliin ko.

Trippings tong puso ko eh.

Buti nalang at mas lalo kaming naging busy sa work, nahahati yung atensyon ko. Sa umaga, pinapatayong bahay nila ang inaasikaso. Pagsapit ng 10pm, mangungulila na sa kaniya.

And the cycle repeats until 3 weeks have passed.

It's my day off today and balak kong mag restock sa bahay, kaya kahit na pahinga ko dapat ngayon heto ako at lalarga.

Naka suot lang ako ng very comfortable hoodie with very comfortable pants and very comfortable crocs.

Then, minaneho ko na ang aking lovely car patungong sm.

Ngayon palang nararamdaman kona ang kapayapaang mangyayari sa buong araw. Sarap.

Whistling while driving, feeling the vibe, naka open pa ang window ng kotse para may pa hangin effect. Ganda-ganda na sana ng mood kaso itong nauna saking sasakyan ay binugahan ako ng usok galing sa pwetan ng kotse niya.

Hindi ko kakalimutan yang sasakyan mo, si Sarah nga hindi ko makalimitan eh. Tsk tsk tsk.

Sakto pang pareho kaming dito sa sm ang tungo at naghahanap ng mapag paparkan, halos punuan na ang spot. Sobrang dami ata ng tao ngayon.

Nang may matanawan akong empty spot, agad kong pinwesto ang sasakyan ko roon bago pa man niya makuha.

"Haa, look who's the greatest?" Pagmamayabang ko habang tinatanggal ang seatbelt.

Paglabas ko ng sasakyan umalis na rin yung kotse, maghahanap ata ng mapagpaparkingan. Papresko akong pumasok sa loob ng sm at hindi na nagpaligoy-ligoy pa, dumiretso ako sa grocery store.

Nilista ko ang mga kailangan bilhin kanina sa bahay palang para smooth na ang pagbili ngayon.

After ko sa grocery store ay sa miniso naman ako sunod nagtungo. Bili lang ako cap, tas stuffed toys. Then, gora naman sa watson for the skincare, partida dami ko pang dala ah.

Yung watson ay nasa ground floor katapat ng kidzoona. Skl.

Hindi ako nagmemake up (di rin naman kasi ako marunong), skincare lang talaga.

Nagikot-ikot ako sa loob ng watson habang si ate girl na nagtatabaho dito ay sinusundan ako para i-assist. Maganda siya in-fairness, pero mas maganda parin tong si Sarah na namimili ng shade ng lipstick.

Wait--

Si Sarah?!!

Nagbalik tingin ako don sa babaeng abala mamili ng lipstick, and hindi ako namamalikmata! Si Sarah nga!

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now