NO JOB

68 1 0
                                    

Kinabukasan, kinausap nga ako ng amo ko sa 7/11 bago ako dumiretso sa bulaklakan. Hindi na daw niya mapapalagpas ang ginawa ko kagabi kaya ang ending natanggal nga ako sa trababo.

"Malungkot ka, anyare sayo?" Kakasimula palang ng trabaho ay napansin na ni John Rey ang pagiging walang energy ko.

"Hmm, natanggal ako sa isa ko pang pinapasukang trabaho." Sagot ko naman din sabay ayos ng isang bouquet.

"Shit. Nakakalungkot nga yan. Pero dont worry, paniguradong makakahanap kadin ng panibagong mapapasukan."

Hays.

Habang nag-aayos ng mga bulaklak ay napasulyap sa school na pinapasukan ni Kiana, may ilang mga studyante ang papasok palang at ang iba naman ay nakatambay sa labas habang hinihintay ang mga kaibigan nilang pa VIP.

Naalala kong wala jaan si Kiana ngayon dahil sa umuwi narin siya sa wakas sa bahay nila kanina.

For sure okay na ang pamilya nila, samantalang ako, aalalahanin ko pa kung saan ako makakahanap ng panibagong pang gabing trabaho. Habang wala padin akong nahahanap ay mababawasan nanaman ang pagkain ko. Tripleng tipid malala.

Hays.

Pagsapit ng hapon, hindi na ako umuwi pa. Dumiretso na agad ako sa paghahanap ng mapapasukan. Sinabi rin kanina ni John Rey na tutulungan niya ako, madami naman daw siyang ibang kaibigan, maaari siyang magtanong at kung meron man ay agad niya akong sasabihan.

Sa ilang oras na paglalakad, nakaramdam ako ng pagvibrate na nanggagaling sa bulsa kung nasaan naroroon ang cellphone ko.

Napagisip-isip ko pa na baka ibenta ko narin tong cellphone ko. Halos wala narin namang kwenta ito ngayon sakin dahil sa wala narin akong nakakausao. Pero ngayon ay tila ba may naka aalala saakin.

Dinukot ang bagay na iyon mula saaking bulsa at tinanaw kung kaninong nagmumula ang mensahe.

And guess what, sa taong hindi inaasahan lang naman.

I mean, naka uwi na si Kiana so wala na siya dapat pang dahilan para itext ako. Since, kinuha lang naman niya ang number ko para sa kapatid niya.

Kitty:

Where the hell are you?

Hala, ano bang kailangan niya? Tyaka kung makapagtanong kala mo laging may sama ng loob eh.

Me:

Nasa puso mo nagkakape.

'Hehe, maasar nga konti. '

Kitty:

Pagsapit ng limang minuto at wala ka padin dito sa lrt sisirain ko buhay mo.

'Ay wow. '

Me:

Go lang bebe ko, yanigin mo buhay ko plsss!

Kitty:

Bahala ka nga diyan, ang tigas ng bungo mo. Baliw ampotek.

'Ay shit, nagagalit na ata ang bebe na yan. Napaka pikonin hmp!'

Me:

Huy parang ewan to, nakikipag landian lang sayo. Asan kaba? Anong station ng lrt? Medyo naglalakad ako now, nagahahanap ng trabaho.

Kitty:

I changed my mind. Bahala kana diyan.

Me:

Tangina, nagtampo na nga.

Me:

Sorry na, asan ka nga.

Me:

Huyyyyyy

Me:

Kate, hello???

Ayaw na talaga niya magreply, matawagan na nga lang. Oops, wala akong load pangtawag.

Me:

Kate, tawagan mo nga ako. Wala palang pangtawag.

Makalipas ang tatlong minuto ay nag ring na ang cellphone ko. Psh, tatawag rin naman pala pinatagal pa ng tatlong minuto.

[What?] Unang salita niya palang halata na ang pagka iritable.

"Asan ka nga, pupuntahan na kita."

[Dami pa kasing sinasabi eh. I'm in blum station. Bilisan mo.]

"B-bakit ba kasi? Hindi ba umuwi si Kiana?" Mabilis akong naglakad, no, mabilis akong tumakbo habang kinakausap parin siya sa telepono.

Gustuhin ko mang sumakay ng jeep para mas mabilis, wala naman akong pera.

[Umuwi.]

"So bakit nga?"

Hoo, hinihingal na ako. Pero dapat maganda padin.

[I'll tell you when you get here.] pagtapos niyang sabihin yon ay agad niya ding pinatay ang tawag nang hindi na inantay pa ang sasabihin ko.

Wala narin naman akong naging choice pa kundi ang tumakbo pa nga.

After 600 years, nakarating nadin ako sa wakas.

Pagakyat kong lrt, nakita ko siyang naka upo magisa sa isang bench at naka kunot ang noo.

"K-kate!" Habol hininga kong pagtawag sa kaniya.

Hingal na hingal ako at halos nanlalabo na ang mga mata. Parang umiikot pa yung ulo ko, di ko maintindihan.

Itinungtong ko ang mga kamay ko sa aking mga tuhod habang hinihintay siyang makalapit na ng tuluyan saakin

"What took you so fucking long?" pagkatanong niya non ay saktong dumating ang tren.

Napunta roon ang atensyon ko habang hinahabol parin ang paghinga kaya't di agad ako naka sagot sa kaniya.

"Kanina pa ako naghihintay dito, sabi ko limang minuto lang diba? Tsk, bakit ko ba kasi kailangan pang gawin to." Tumalikod siya at nag kamot ng ulo na parang naasar.

Hindi padin ako makapagsalita dahil sa nahihilo na talaga ako. Nararamdaman ko narin ang panghihina ng mga tuhod ko, parang unti nalang ay babagsak na ako sa sahig.

Muli siyang humurap sakin.

Nakita ko ang pagbukas ng bibig niya ngunit agad din itong nagsara ng walang lumalabas na tinig.

Pinapanood nalang niya ako ngayon.

"S-sorry..." Nanghihina kong saad, gusto ko pa sana itong dugtungan at mag explain, pero hinihingal padin ako. Kelan ba matatapos to? Bakit parang ngayon lang ako nakaranas ng ganito?

Ilang beses narin naman ako tumakbo dati pa, pero ngayon palang talaga ako hiningal ng ganito. Para naman akong nakikipag habulan kay kamatayan ngayon.

"Tangina..."

Partida nakakapag mura pa ako.

"What's happening to you?" Nagsalubong ang mga kilay ni Kate ng matanong iyon.

Pagnagtatanong talaga siya parang laging may sama ng loob na kasama. Paano kaya siya naka survive sa mundong ito with that attitude?

Sa attitude ko pa nga lang, ang dami ng galit na galit eh.

Partida, maganda pa ako nito haa.

Oh wait, my posture! Huhu, hindi kona naasikaso dahil sa taningang hingal to.

"Hoy, ano bang nangyayari sayo? Mamamatay kana ba? Kinginang pamumutla yan, daig pa bangkay ampotek. "

Hala ang kyut ng pagkakasabi ni Kate! BWAHAHHAHAHAHAA

Pero gago legit, masama na talaga pakiramdam ko. Feeling iba nato, sumasakit narin ang tyan ko.

Sobrang sakit kaya napahawak na ako roon.

Natatae ba ako?

Pero parang hindi eh.

Teka, bakit dumidilim na yung paligid? Pinapatayan naba nila kami ng ilaw? Bastos, kitang may mga tao pang nag-uusap dito!

Huli kong nakita ang pagaalis ng tren bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman at bumigay ang lahat ng lakas sa katawan.

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now