Nang masimula ang duty ko sa 7/11, naging payapa lamang iyon.
Sakto lang ang mga taong bumibili, nakakapagpahinga rin ako.
Maya-maya pa ay dumating na ang babaeng nagpapagulo ng tahimik kong utak.
She bought the usual.
During payment ay tahimik lamang kami, ni-hindi nga ako tumitingin ng diretso sa kaniya. Basta ginagawa ko lang ang trabaho ko.
"So, may trabaho ka din sa umaga." Tanong iyon, pero sa paraan ng pagkakasabi niya ay parang nagsasalaysay lang.
First time atang siya ang nangunang mag simula ng conversation samin, kaya gusto ko na sanang matuwa, kaso naalala ko nanaman na may sinurpresa nga pala siya kanina.
Hays.
"Oo." Maikli kong sagot sa katanungan niya.
"Hmm, I see." What? Ayon na yun? Tapos na kagad? Wala ng kasunod?
Magtanong kapa!
Patapos na rin ako sa pagbabalot nitong mga pinamili niya, after nito aalis na siya agad.
So ano? Ako nanaman gagawa ng conversation namin? Galing talaga.
"Ano, Kate-"
"I told you already na huwag akong tawagin sa pangalan ko diba?" Pinutol niya kagad ang sasabihin ko.
"Ah sorry naman. Edi ano pala itatawag ko sayo?"
"Why bother? Its not like we're friends."
Sungit. Parang pangalan lang eh.
"Sige."
Kala mo magpapadala ako sa tukso ngayon? No way. Nagtatampo pa nga ako.
"Ano nanaman bang problema mo?" Ay akala ko umalis na to. Tapos ko ng mabigay sa kaniya yung mga binili niya eh.
"Huh?" May pagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Kung umasta ka parang may ginawa akong mali sayo. It keeps haunting me, you know." Infairness haa, marunong din pala to makiramdam kahit papaano.
"Ano naman sayo yun..." Mahinahon kong untag.
"Yeah right, sige alis nako."
Potek, lagi na lang na ako yung bumibigay. Syempre ako din naman may gusto.
"Wait wait wait! Ito na, magsasabi na. Pag talaga hindi ka sumagot ng honest sa tanong ko, wala ka ng 7/11 na mabibilhan." Bahagyang umangat ang isang parte ng kaniyang bibig at tumingin saakin na para bang nanghahamon.
"Yung mga bulaklak na inorder mo, para kanino yon? Narinig ko na may susurpresahin ka daw kaya ka bumili ng ganon ka dami."
"Heh. Pano kung sabihin ko sayo na para sa gf ko lahat ng iyon?"
Hindi ako sumagot sa kaniya.
Hindi ko rin naman kasi alam ang mga sasabihin. Posible din na nasa isang relasyon siya, sa ganda at the same time sa pogi niyang iyan sinong hihindi na matali sa kaniya?
Nalulungkot lang ako.
"Dont tell me naniniwala ka sa sinabi ko?"
"Huh?" Hindi ko siya nagets.
"Naniwala kang may gf ako?" Tumango ako bilang sagot. "Ugh seriously, let me tell you something. First of all, yung mga bulaklak na iyon ay nilagay lang sa pangalan ko pero hindi talaga ako ang bumili. It's actually the guy who get the flowers from you earlier. Gf niya ang isu-surprise, and kaya sakin niya ipinangalan para hindi mabuking. Get it?"
"Ahhh." hoo, naliwanagan rin sa wakas.
Feeling ko gumaan yung pakiramdam ko ng mga 100x, I guess?
"Pangalawa." Ay hindi pa pala suya tapos. "I dont have a gf and I will never ever have. I'm straight, i-memorize mo yan."
Ayy
Kung kailan okay na ako eh.
Sana hindi nalang niya binuka ang mouth.
Wala ngang gf, straight naman.
Galing.
"You know there will always be an exemption, right?" Pinilit ko panga, di na natuto.
Nangasim naman ang eksresyon niya matapos kong sabihin iyon.
"Gusto mo talaga ako?"
"Assumera ka haa."
"What? Ang gulo mo naman, you're giving me mixed signals. Para kang asong habol ng habol, tapos ngayon na nagtatanong ako tinatanggi mo."
"Mas magulo ka, sabi mo wala kang pake sakin pero ngayon ang dami mong ebas. Napapansin mo rin pala ako, kunwari kapa.
"You...! Psh!"
Ayon na nga.
Napikon.
Umalis.
Tiklop ang babae.
BWAHAHAHHAHAHAHA.
Cute cute niya. Sarap i-kiss.
Di ko alam kung dapat ba akong malungkot kasi na-confirm ko na straight siya or dapat ba akong maging masaya kahit konti kasi napapansin naman pala niya ako?
Bahala na nga.
Magtinda nalang ako ng mabuti dito para may money.
La la la la la~
Straight daw siya~
La la la la la~
It means walang pag-asa~
La la la la la~