FIRST PLAN ACCOMPLISHED

136 2 0
                                    

And so, dumating na ang kinabukasan.

Maaga na akong umalis ng bahay para hindi ako maabutan ni Aleng Tanya, nahihiya na kasi ako kakatanggap ng mga niluto niya. Tapos libre pa.

Dahil my ilang oras pa naman akong free time bago magbukas yung tindahan namin sa dangwa, tumambay muna ako sa isang convenience store katabi nitong saint jude.

Bumili lang ulit akong isang skyflakes, tapos yung plastic water bottle na hiningi ko rin kay Aleng Tanya ang pinaglagyan ko ulit ng tubig. Reusable naman ito.

Inaantok pa ako at gusto pa sanang matulog, kaso pinagbawalan ako nitong bantay ng store. Baka daw kasi may mawala sakin kapag hindi ko binantayan.

Naku, kung alam lang niya na walang-wala na rin naman ako.

Pero sinunod ko narin siya, mabuti akong tao eh.

Not until I saw her again, Kiana, she's not with her friends this time. Mukha tuloy siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Bumili siya ng tissue at c2 sa counter tapos umupo siya sa tabi ko saka kinuha ang cellphone at doon nag tipa.

"Damn it..." bulong niya.

Parang bwiset na bwiset sa kausap ah. Sino kaya yon? Jowa niya? Or yung ate niya?

"Pikon na pikon ka diyan ah, baka mamaya mahagis mo narin yang cp mo." pagbibiro ko.

"Its none of your business." Wow, sungit.

"Kaloka yung ate mo kahapon noh? Ramdam ko yung stress mo nun." Dugtong ko pa. Tingnan na lang natin kung hindi ko parin makuha loob mo niyan.

Niliko niya ang ulo niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"You're the lady in 7/11 yesterday..." pinaningkitan niya ako ng mga mata, mabilis naman akong tumango sa kaniya. "Hobby mo ba ang pakikisali sa ibang taong hindi mo naman kilala?" Sungit talaga.

"Huy bhe, as if naman may choice ako kahapon. Ano, ako pa yung maga-adjust para lang magkaroon kayo ng payapang away? Kasalanan ko bang sa mismong counter kayo nag sagutan?" Ano ka ngayon? Huwag mo kong hinahamon sa kasungitan diyan.

"Well, pwede mo namang kalimutan na yon. Inapproach mo pa talaga ako. Wait, sinusundan mo ba ako? Dont tell me papasukan mo narin yung convenience store na ito para lang makichismis sa buhay ko?"

"Huy ang kapal mo, feelingera mo masiyado huh. Nahiya yung mga paltos ko sa paa sayo."

"So anong ginagawa mo dito?"

"Magtatrabaho."

"See? Papasukan mo nga itong store para lang--"

"Bitch shut up ka diyan, dun ako sa bulaklakan mag tatrabaho. Nagpapalipas oras lang ako dito since hindi pa bukas yung store namin, duh." I rolled my eyes at her.

"Oh okay."

"So ano, kamusta ate mo? Kumain naba siya?" hindi makapaniwalang tumingin naman saakin itong si Kiana.

"The fuck? Are you interested in my sister? Sa babaeng yun? Really? Eh hindi naman kagandahan yun, porma lang niya bumubuhat sa kaniya."

"Pasmado talaga yang bunganga mo eh noh, takpan ko kaya ng condom yan?"

Dali-dali namang lumapit saakin itong si Kiana at tinakpan ng kamay niya ang bibig ko.

"Shh, dont talk about that thing." bulong niya. Tinanggal ko naman ang kamay niya saakin saka nagsalitang muli.

"Edi ipakilala mo saakin yung ate mo, para tigilan kita."

"Damn this gay."

"Huy hindi ako bakla."

"Hindi ka bakla pero gusto mo ate ko?"

"Sino ba kasi nagsabi sayo na gusto ko ate mo? Gusto ko lang siya makilala tas ano..."

"Ano? Ikiss?"

"Oo--Huy hindi! Anong kiss, buang. Gusto maging friend yun yon. Mema ka."

"Defensive mo naman masiyado, napaghahalataan kana."

"Para ka kasing ewan, wala ka bang pasok? Lakas mo tumambay dito ah."

"Free time namin, pero kung gusto mo na akong umalis edi goo." tatayo na sana siya ng hilain ko ulit siya paupo.

"Nagtatanong lang eh."

"Hmp. What's your name?"

"Papakilala mo na ako sa ate mo? Sarah. Sitti Sarah Pangcalan name ko. 19 years old, turning 20 in 6 months. Currently taking medical course in FEU, mag sesecond year narin,  graduated with honor in senior high--"

"Bitch, pangalan mo lang tinanong ko hindi buong pagkatao mo. Kasi kung oo, edi sana resume mo nalang hinigi ko, hindi ko pa maririnig yang boses mo."

"Ay, ma-tape nga yang bibig mo ng cond--"

"Hi Sarah, my name is Kiana Loreen Gatpandan. 17 years old. As you can see, maganda ako, matalino pa."

"Feelingera talaga."

"My sister's name is Kate Lourdes Gatpandan. Magka age kayo but she's taking engineering at FEU as well."

"Eh? Bakit hindi ko man lang siya nakita don kahit isang beses?"

"Kaka transfer lang niya galing UST, boring daw kasi don."

Napaka reasonable niya pa, dagdag pogi points.

"Ohhh, nice. Susunduin ka ba niya ulit mamaya? Punta ka ulit 7/11 ha para makita ko siya."

"Nope. Si mommy na ang susundo sakin, grounded nga ako."

"Kawawa ka naman."

"Mas kawawa ka, hindi mo siya makikita BWAHAHHAAHAH"

"Hindi na sana matapos yang grounded kemirut mo."

"Che."

First plan complete:

I got to know her sister and she as well.

Now moving on to the second plan:

Pero pano ko mapapasok tong pangalawang plano kung mukhang hindi ko pa ulit siya makikita.

I need to see her and start our proper conversation.

"Dalhin mo nga ako sa bahay niyo, sabihin mo ka group moko." Ani ko kay Kiana.

"Kapal mo. Tyaka kahit na gawin ko yan, di mo parin siya makikita. May sarili ng bahay yon."

'Ako din may sarili ng bahay. Maliit lang pero at least we have something in common na. Hihi~"

"If I were you, I'd give up na." komento ni kiana.

"Unlucky you, hindi ikaw ako. Kaya di ka maganda eh."

"Bitch???"

"Joke lang, di ka naman mabiro."

Mamaya ko na nga iintindihin tong plano ko, kailangan ko muna magtrabaho para magkapera.

Para naman kapag nagtampo sakin si Kate (In the future) tapos naisipan niyang sa ibang bansa maglabas ng sama ng loob, masundan ko siya.

'Lakas ko mag-isip ng ganito, wala na nga akong makain.'

"Alis nako, Kiana. Magbubukas na tindahan namin."

"Finally..."

"Huwag kang bibili ng condom dito ah. "

"You..! I hate youuu!"

"BWAHAHHAHAAHAHAHHAHAHA!"

"Lunatic bitch!"

Ano ka ngayon?

Emeee~

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now