"Sarah?" Huli na nang mapansin kong tinawag ko siya.
Nagulat siya at maging ako nagulat.
Ngumiti lamang siya nang maliit sakin saka tumango bilang pagbati.
Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito, at kung kelan hindi pa ako naka ayos.
Pero bahala na, kakapalan kona mukha ko. Kailangan kong maglabas ng saloobin sa kaniya, para maka move on nako.
"Sarah, ah, are you free? Uhm, can you spare me some of your time? Err, can we talk?" Para akong sirang machine ni-hindi ko man lang madiretso mga salita ko.
"Ah kasi-" Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang may tumawag rin sa kaniya.
"Sarah, we're back~" May tono niya itong binigkas habang malaki ang ngiti at buhat-buhat ang bata sa kanang kamay at puro plastic naman sa kaliwang kamay. Galing rin ata sa pago-grocery.
"Hi baby Avikielle, nag behave ba ang baby nayan?" Lumipat ang atensyon ni Sarah sa bata.
Aalis nalang sana ako since wala rin naman nang patutunguhan to kaso,
"Ms. Kate! You're here also, buying stuffs???" Napansin niya pa ako.
"Yes, Doc. Fukushima."
"Hey, wala tayo sa trabaho. You can just call me Maxivon, it's fine being casual." He shrugged his shoulder.
Sinasabi niya sakin to na parang hindi ako tinawag na 'Ms. Kate'. Psh.
"Hmm okay, Maxivon." Mabilis naman ako kausap eh.
"By the way, kumain kana? If not, why dont you join us have lunch. Right, Sarah?"
Napansin ko ang pagdadalawang isip sa mukha niya kaya bago paman sana siya makasagot ay tumanggi na ako, ayaw ko ng napipilitan siya. Baka mawalan pa siya ng appetite pag kasama ako sa iisang lamesa.
"May mga bibilhin pa naman din ako kaya ayos lang-"
"Yes, Kate. Join us." Fuck. She called my name and pumayag nga siya. Tangina pano na sanity ko neto.
'Edi hindi na ako tatanggi niyan? Yung pamilyadong tao na ang nagsabi.'
Tinapos nalang namin ang pamimili sa Watson saka gumayak sa mcdo.
Habang naglalakad, biglang nag ring yung cellphone ni Maxivon. Kaya pinabuhat na muna niya si Avikielle kay Sarah at saglit kaming huminto sa paglalakad.
"Hello? What? Right now? But... Ugh. Okay okay, I'll be there in a minute." Tahimik lamang kami ni Sarah nang nagbugtong hininga si Maxivon matapos putulin ang tawag.
"Emergency?" Mahinahon na tanong ni Sarah. Tumango naman si Maxivon bilang sagot. "Hmm, then go on. Be careful sa pagda-drive."
"Paano kayo?"
"I can handle Avikielle and the stuffs dont worry, pwede naman din ako magpasundo or book a cab. So, umalis kana."
Mukhang di maiwan ni Maxivon mag-ina niya, kaso inaantay narin siya sa trabaho.
"I'll help her nalang and drive her home." Lakas talaga ng loob kong mag suggest sa pamilyadong tao.
Kingina mo, Kate.
"Oh thank you very much, Kate. I owe you big time. Kung normal na araw lang to ay maiiwan ko rin naman si Sarah since madalas to mangyari, pero kasi ngayon may bitbit siyang bata tapos ito pang mga groceries."
"I see, don't worry I got her."
Nagpasalamat pa siya ulit sakin bago nagpaalam kila Sarah at sa bata hanggang sa tuluyan na ngang nawala siya saaming mga paningin.
Ako na ngayon ang nagdadala ng mga groceries nila pati ng sarili kong groceries.
"Hindi mo naman na kailangan pang gawin to, naabala kapa tuloy." Pagbasag ni Sarah sa katahimikang bumalot samin.
"It's fine. Kumain na muna kayo, dalhin ko lang to sa kotse tapos babalik ako." I said na parang hindi naapektuhan.
Kaming dalawa nalang ulit ngayon, pati ang anak niya oo, pero di naman yan sasabat sa usapan namin.
"Sa bahay nalang kami kakain."
'Awts gege sayo lods.'
Akala ko pa naman magkaka heart-to-heart talk na tayo ngayon.
"Ganon ba..." Huwag kang magpahalata na disappointed ka, tanga.
Kaya ito kami ngayon at tahimik nanamang naglalakad sa parking.
Kating-kati na yung bibig kong halikan ka-- este kausapin ka. Kaso pamilyadong tao kana.
"Fuck, nagdrive nga pala ako kanina papunta dito." Narining kong untag ni Sarah saka napahinto sa isang pamilyar na sasakyan.
Itong yung kotse na nagbuga ng usok sakin kanina eh! Tapos yung inagawan ko nang slot! All this time siya pala yung nagdadrive neto?!
Edi sana nagpabuga pa ako, okay lang kahit mangitim na yung kotse ko dahil sa usok ng tambutso niya. Handa ko din ipaubaya yung buong parking lot nato para sa kaniya, bayaran ko pa mga tao na to para sa ibang lugar sila mag park at nang masolo to ni Sarah.
'Pamilyadong tao na siya...'
Kinilabutan ako nang para bang may multong bumulong sa tainga ko.
Nagde-day dreaming lang eh. Ang bitter.
"P-pakuha mo nalang." Yan, edi utal-utal ka ngayon?
"Yeah, right. Where's your car?" Dinala ko siya kung saan naka park yung kotse ko. Ni-hindi ko nga siya matingnan ng diretso sa mata.
"Uh-huh, sayo pala tong kotse na competitive masiyado sa pagpapark."
Shit shit shit shit shit shit shit shit.
'Alam niya T_T'
Napakamot nalang ako sa ulo since wala din naman ako marerebat don.
Nilagay ako ang mga bag sa likod ng kotse tapos si Sarah naman ay sa likod din balak umupo imbis na sa tabi ko.
"Diyan ka uupo?" Tinanong ko panga.
"Yes? Is there any problem?"
"Dito sa tabi..." Nahihiya akong sabihin wahhhh!!!
"May karga akong bata, Kate. Wala din namang upuan for kids tong kotse mo kaya hindi ko lang siya pwede basta i-upo dito."
"Oo nga naman..." Nagiging tanga kana talaga pagdating sa kaniya, Kate. Pero okay lang yan, siya naman yan eh.
Kay Sarah lang luluhod, dadapa, gagapang, magpapatapak, magpapasabunot, magpapapalo, susunod, rurupok, magpapababy.
Kay Sarah na pamilyadong tao na.
'TIISIN MO YAN! SA BAHAY KA UMIYAK PAG UWI MO. SINASABI KO SAYO, KATE. HUMANDA KA TALAGA SAKIN PAG MAY PUMUTAK NA LUHA GALING DIYAN SA MATA MO.'
"Kate, alam mo ba kung saan ang bahay ni Maxi?"
"Ha?" Bumalik yung diwa ko nang magsalita siya kaya sumulyap ako sa kaniya through the rearview mirror.
"Nagdadrive kana kasi kahit hindi ko panga sinasabi sayo yung location."
'Ay sa bahay kona kasi kita dadalhin.'
"Oonga pala, saan ba? Hehe"