NEW JOB

59 1 0
                                    

"The hell is wrong with her? Bakit hindi parin siya gumigising? Is she dead?"

"Kiana, anong silbi ng pagpapa-aral namin sayo kung ganyan ka din kabobo? Of course she's not dead! Nawalan lang yan ng malay sa hindi ko alam na dahilan."

Agh... So noisy...

Sino ba yung mga nag-uusap na yan? Di ba nila nakikitang may tulog dito?

"Bakit ba kasi hindi mo nalang siya dinala sa hospital? Edi sana na-check-up siya."

"So gusto mo pa akong gumastos ng pera sa kaniya?"

"What?? Magtatrabaho narin naman siya dito, ikaw din ang magbibigay ng sahod sa kaniya. Ang dami mo pang arte."

"Who said you can talk back to me, Kiana Loreen?"

"Okay! Sorry!"

"You-!"

"Ano ba... Ang ingay..." bumangon ako sabay mulat ng mga mata at kinusot kusot iyon upang makakita ng maayos.

"Oh finally, you're alive!" Masiglang untag ni Kiana.

"Bakit nandito kapa sa bahay ko, Kiana? Hindi ba umuwi kana senyo?"

Nang umayos na ang aking pningin ay nagawa kona silang pagmasdan ng mabuti. Sa likod ni Kiana nakatayo ang masunigit na si Kate.

Oh. Wait.

"Who said this is your house? Tsk. Such a perswisyo." Saad naman ni Kate sabay krus ng mga braso.

"Hala! Sorry, anong nangyari? Nasan tayo? Diba nag-uusap lang tayo kanina sa may lrt???" Tanong ko habang nililibot ang mga mata sa paligid.

Malaki ang lugar at maaliwalas, madaming palamuti at malinis, malambot din itong hinihigaan kong malakaing sofa na naka tapat sa malaking flatscreen tv, at ang likod naman non ay malaking-malaking glass window na may kasing malaking-malaking kurtina.

'Higante ba mga nakatira dito? Kingina, nakakalula hmp!'

"Well, miss. Bigla ka lang namang hinimatay, and since hindi ko alam kung san ka nakatira dinala nalang kita dito sa bahay ko. Tsk."

'Ah bahay niya to?? Wow bhieee, mukhang she deserves better malala.'

"Sorry..." ayon nalang ang nasabi ko.

"How are you feeling?" Tanong ni Kiana. Nakaluhod siya ngayon sa may sahig para magpantay ang mga tingin namin.

'Buti pa'to may pake sakin kahit papaano.'

"Hmm, ayos naman na. Nahilo lang siguro ako kanina kaya ganon."

Nahihilo at masakit ang tiyan ko. Pero di ko na sinabi sa kaniya, wala lang naman yon.

"Ano nga pala yung pag-uusap natin, Kate?"

"Kumain ka muna, Sarah. May inorder si ate kanina."

"Hindi na. Uuwi narin naman ako pagtapos nitong sasabihin ni Kate." Although gustong-gusto ko nh makikain ay pinigilan ko ang sarili ko.

Malaking abala na nga ang naidulot ko sa kaniya dahil sa pagkahimatay ko ihh. Unti-unti narin naman na akong nasasanay sa gutom. Keri kona dis.

Uuwi nalang akong bahay para makapagpahinga tapos bukas kona ulit ipagpapatuloy ang paghahanap ng trabaho.

"Let her be. Kiana, pumasok kana muna sa kwarto." Utos ni Kate sa nakababatang kapatid. Nangsinunod na ni Kiana iyon saka nagpatuloy sa pagsasalita si Kate. "You'll be working here starting tomorrow, as a cleaner and yaya ni Kiana. Hindi naman dito natutulog si Kiana so ang gagawin mo lang ay ihatid at sunduin siya from school, tapos tulungan narin kapag may mga bagay siyang ipapagawa or gagawin. As for the cleaning, you need to live here so that you can do your work properly."

"Huh?" Gago, wala akong nagets. Ayaw magfunction ng utak ko. Hindi ko ma-process pinagsasabi niya.

"Are you stupid too? Isang gabi lang kayong nagkasama ni Kiana, pareho na kayo ng utak ngayon."

'Grabe naman to'

"Kaloka naman kasi yang mga says mo. Biglaan tih, ano yan surprise job?"

"Tsk. Kung ayaw mo, just say it. As if naman na gusto ko rin ito. Kung hindi lang ginamitan ng 'guilt-trip' ni Kiana si Mom edi sana walang ganto."

"Ano ba ganap?"

"She said, natanggal ka sa trabaho because of her and blah blah blah. Ang ending sakin ka bumagsak."

Awe, kawawang Kate. Napagitnaan.

"Ohh, so binibigyan moko ng trabaho??" nangingiti kong usal.

Parang ako lang yung masaya dito, ang pakla kasi ng ekspresyon ni Kate huhu.

"Paulit-ulit?"

'Waah! Hindi koa kailangan palang mag hanap.'

"Pero pano yan, may trabaho pako sa bulaklakan?"

"Aba'y ikaw na ang bahala diyan. We're done here, you can go now." Tinalikuran na niya ako at pumanta sa isang pinto at binuksan iyon.

Doon naman lumabas si Kiana, kwarto pala iyon.

Tumayo naman na ako at inayos ang sarili upang maka-alis narin.

"Ate, you need to buy groceries na. Wala ng laman ang ref mo and some other stuff. Naghihirap kana ba?" narinig kong saad ni Kiana habang nasa tapat parin sila ng pinto.

"Wala lang akong time kaya hindi ako nakakapag restock. But tomorrow i'll buy na. Wanna go with me?"

"Nope, madami akong gagawin sa bahay. Kaya mo nayan, malaki kana."

"Ako nalang! Kate, samahan kita. Anong oras ba? Hapon? Sa umaga kasi may work ako. Hapon nalang, ako na mag desisyon."

"Oh tamang-tama. Bukas narin naman start mo dito." Side-comment ni Kiana. Yan ang gusto ko sayo! Supportive.

"Sino ka nga ulit?" Parang tanga naman si Kate.

"Ilang beses na tayo nagkita hindi mo padin alam pangalan ko? Nakapag pakilala na nga ako sayo ih, ilang beses narin tinawag ni Kiana pangalan ko sa harap mo! Sarah okay?  Sa-Rah. Sitti Sarah Pangcalan ang magpapa-ibig sayo. Baka gusto mo i-spell ko pa?"

"Tsk." aba-!  Naku naku, pasalamat ka mahal kita. Yeeett! Kinilig.

"So ano, ako na sasama sayo bukas ah.  Hapon. Nakikinig kaba sakin Kate Lourdes?"

"Ih kung ngayon palang kaya tanggalin na kita sa trabaho?"

"To naman, hinahaluan ko lang ng biro eh. Hmp! Pikunin na walang sense of humor." Hininaan kona ang mga panghulimh salita, pero mukhang narinig parin nila.

"BWAHAHAHAHHAAH, cute niyong dalawa. Sarap niyong pag-untugin! BWAHHAHHAHAHHAAHAHHAHA"

'Ang galing... Galing ni Kiana. Kung makatawa wagas.  Hindi naman halatang ine-enjoy niya to.'

:)

Maka-uwi na nga lang.

"Uwi nako guys. Kate, text mo nalang ako or tawagan, wala kasi akong load eh. Basta hapon na lang din mag grocery, ikaw na mag adjust please hmmwaa!" Pagpapaalam ko sa kanila.

"Wait." Tumigil ako sa paglabas ng pinto ng bahay niya dahil sa biglang pag tawag. "Alam moba pauwi? May pang-uwi kaba?" Parehong iling ang sinagot ko sa dalawang katanungan niya. "Tsk. I'll send you home. Perswisyo talaga." Aniya saka nanguna na sa paglabas.

'I'll send you home daw.'

Nahuhulog na'to, 4sure.

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now