Three, two, one.
"HAPPY NEW YEAR!!! WOOOO!!"
Malakas na nagsigawan ang mga tao sa paligid, nagsimula narin mag putukan ang mga fireworks sa langit.
It's exactly 12 nang tumawag si Kiana for video call.
Hindi namin siya kasama ngayon mag celebrate ng new year kasi nasa ibang bansa nanaman siya.
These past few years palabas-labas ng bansa si Kiana, she's probably visiting a friend or gusto lang talaga mag travel. Ni-hindi man lang ako niyaya.
"Happy new year, Kate!!" Pagbati niya. Ilang taon na pero hindi parin marunong tumawag ng 'ate' to.
"Happy new year, sana magbago kana and magpaganda. Lumalaki kang pangit lam mo yon?!" pang-aasar ko.
"Mas pangit ka!" We tease each other for a minute bago nagkamustahan. Kinausap rin siya nila mom and dad.
Maya-maya ay parang may tumatawag na sakaniya, pero hindi ko kilala kung sino kasi hindi naman niya hinarap ang kamera sa tao, hindi ko rin marinig ang pinag-uusapan nila kasi masiyado ngang maingay dito. Kailangan pa sumigaw para magkarinigan.
"I gotta go kakain na kami eh, tawag nalang ulit ako." Pagpapaalam niya.
Tumango naman din ako.
Probably her boyfriend.
Graduating na si Kiana, psychology ang kinuha niyang course. Gusto niya daw kasi ako bigyan ng libreng consultation. Kingina diba?
6 years have already passed.
And here I am, sinusubukan ko parin tawagan ang number niya. Nag message din ako ng pagbati. Every year.
Sa loob ng anim na taon, sa lahat ng pagtawag na ginawa ko walang sumagot. Nag tila diary ko na nga itong number niya. But, so what? Naging comfort zone ko na ito.
Nung grumaduate ako, tinype ko yon dito. When I got my first job, first project, first payment, kwinento ko yun sa number na ito. Everything that happens to me.
Pero wala pa rin eh.
For sure tinapon na niya yung simcard at para nalang akong tangang nagaganito dito.
But I can't help it.
I'm still hanging.
Stuck.
Hoping that I'll get to see her again, makabawi sa lahat ng nagawa ko noon.
Sana lang ay hindi pa huli ang lahat.
Miss na miss kona siya.
Wala na akong balita sa kaniya, maging si Kiana. Pareho naming alam kung nasaan na siya at kung anong kalagayan niya.
Sinubukan ko na nga din ipahanap si Sarah. Pero wala padin.
"Kate, hayaan mo na siya. Kung hindi mo siya makita after all this effort isa lang ang ibig sabihin non. Ayaw niya magpahanap sayo. Ayaw na niya magpakita."
Yan ang paulit-ulit na sinasabi saakin ni Kiana.
She wants me to move on.
But little did she know, kahit gustuhin ko mang mag move on ay hindi ko padin magawa.
Hinahanap-hanap ko padin siya.
Gusto ko padin siya.
"Happy new year, Katty." Pagbati saakin ni Vanessa through video call lang din.
She's in japan with her fiance.
After nung nangyari, hindi ko pinansin ng ilang buwan si Vanessa. But she reached out. Humingi siya ng tawad saakin, even though hindi naman dapat ako ang pinaghihingan niya non.
Pinatawad ko siya and we become friends again, pero may mantsa na eh. I asked her too kung bakit niya ba ginawa yon and she said she felt jealousy towards her.
Pinaliwanag ko rin naman sa kaniya na kahit ano pang magkaroon samin ni Sarah ay hindi iyon makaka apekto sa pagkakaibigan namin. I treat her like how I treat all of our friends.
Pwede naman niya akong kausapin about sa matter na iyon, she doesn't have to go do bad things to a person na wala namang kaalam-alam.
"Happy new year, Vanessa. Pasabi rin sa magiging asawa mo." Saad ko ng nakangiti.
We talked until her fiance came to join us. They share their plans for wedding and I'm happy to her those. I'm glad she finally found someone to be with for life, her kind of piece and happiness.
Makalipas ang isang linggo balik trabaho na ulit, umuwi narin si Kiana kasi magbabalik pasok.
"Kate, nabalitaan mo naba?" Tanong sakin ni Dani habang kumukuha kami ng pagkain kasi lunch na.
We're currently business partner for a project. She's an Architect and I'm an engineer.
"What is it?"
"Crush ka daw ni Java." Humagikgik siya matapos sabihin iyon.
"The who?" I raised my eyebrows in curiosity.
"Broo, yung kapatid ng ceo also known as computer genius." We searched for a spot na mauupuan namin while bitbit ang mga pagkain.
"Ahh, yung lalaki."
"Yeah, so ano pasok naman ba sayo? Anytime soon gagawa nayon ng moves sayo, or ayain ka lumabas ganon."
"Lumabas siya mag-isa niya, bakit kailangan niya pa akong isama." I said after namin maka settle.
"Are you for real? The purpose of asking someone--"
"Is to know each other well, to court, and to date." I cut her off.
"Alam mo naman pala eh." She pouted.
"Alam ko nga, eh ikaw ba alam mo ba?" Sumulyap ako saglit sakaniya bago isinubo ang pagkain.
"Ang alin?"
"That I'm gay."
"Huh? Akala ko ba babae ka?" I almost choked my self and die alone. Oops OA.
"What I mean is, like gay guys who likes their same sex, I am gay girl too who likes my same sex."
"Like lesbi or bi?"
"Yeahh, 'gay' can also be applied to girls too y'know."
"Ohh, yan pala yung mga nababasa ko sa tiktok. 'Bakla ako' ganon, kahit babae naman sila."
"Hmm."
"So, oh my gosh! You like girls!" ngayon lang ata nag sink in sa kaniya.
"Shhh, dont be too loud."
"Is that supposed to be a secret?" She lowered her voice.
"No, not really. Maingay ka lang talaga kaya ko sinabi yon."
"Ahhh. Ayon na nga, may girlfriend kana?"
Umiling ako sa tanong niya.
"Eh may nagugutuhan ka naman ba?"
"Hmm, I have someone I really like." Agad namuo ang ngiti sa labi ko ng isipin ko palang siya.
"Whoa, you're inlove. It's not a simple 'really like'. It's love, bro." Iiling-iling siya saakin habang naka ngisi. "Describe her."
"I'm shy..."
"What the fuck BWHHAHAAHHAHAAHAH, I swear, in our days na magkatrabaho ngayon lang kita nakitang ganito."
"She made me like this."
"Saya niyo naman, samantalang ako ito kinikilig sa lovelife ng iba."
May gusto pa sana akong sabihin nung marinig ko ang sinabi niyang masaya kami. Cause we're not. I mean, she's probably already happy on her own life, but I'm not.
Pero itinikom ko nalang ang aking bibig.