Kweba

750 32 3
                                    

Naiad POV

Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng kagubatan. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang gubat. Iba't-ibang uri at kulay din ng kabute ang madadaanan. (Sayang hindi ko kilala lahat ng kabute..iilan lang ang kilala kong nakakain).

Napakapayapa ng paligid kahit medyo masukal. Muli kong pinagmasdan ang lalaking sinusundan. Hindi maipagkakailang nabibighani ako sa kanya. Napakakisig naman kasi ng lalaking ito.

Maya't-maya siya kung sumulyap sa akin,sinisigurong di ako mawawala sa kanyang paningin. Sa tingin ko naman kahit na tumakbo pa ako ay di naman ako makakalayo.

Tinanong ko siya ng mga bagay tungkol sa mundong ito. Kung anong uri ng mga lahi pa ang meron dito. Kung paano ang kanilang pamumuhay.

Hindi na nga ako nagkamali, dahil ganito din ang tema ng librong aking nabasa. Marami akong binasang libro na Beast World ang tema ngunit hindi ko alam kung napunta ba ako sa isa mga librong iyon o hindi.

Isa lang ngayon ang naiisip kong gawin. Kailangan kong mabuhay kasama nila.. Mapanganib ang mundong ito para sa mga babae, kaya hanggat maaga dapat ay makahanap ako ng mga beastman na puprotekta sa akin.

Mahirap man tanggapin pero sa ngayon ay wala akong magagawa dahil di ko rin alam kung paano makakabalik sa mundo ko. Alam kong hindi ko rin kakayanin ang mabuhay ng mag-isa.

"Nandito na tayo" wika ni Gin. "Maupo ka muna at maghahanda ako ng makakain mo".

"Salamat.." tugon ko habang tiningnan ang kabuuan ng kweba ni Gin.

Nagtataka ako kung bakit wala siya sa mga tribo kung saan maraming kauri nya.

"Bakit ka nga pla nag-iisa dito? Umalis ka ba sa tribo mo? Tanong ko sa kanya.

"Parang ganun na nga.. Nais ko kasing lumakas kaya nandito ako. " wika niya habang inaabot sa akin ang isang malaking dahon na may lamang prutas.

"Maari ba kitang maging kapareha?"

Medyo nagulat ako sa tanong niya. Kahit naisip ko na ang posibilidad na maging kapareha ko siya ay parang napakabilis naman ata ng pangyayari. Hindi pa ako kumportable sa ganitong usapan.

"Ahm.. Pwede bang maging tagapangalaga muna kita? Gusto ko sanang magkakilala pa tayo ng lubos bago tayo mag- all the way?" nahihiya kong wika.

"Ano ba ang ibig sabihing ng all the way?" inosenteng tanong ni Gin sa akin.

(Napakagwapo mo po at kakain-kain) minsang kong narinig yan sa kaibigan kong nagka crush sa TL namin.

"Ehem! Ibig sabihin ko ay mas mabuti sana kung makikilala muna natin ng mabuti ang isa't-isa bago tayo magsiping". Namumula kong sambit.

"Walang problema sa akin Naiad.. Kahit anong gusto mo ay gagawin ko. Di na ako makapaghintay na makita ang marka ko sa katawan mo."

"Salamat sayo.. Pwede ba akong pumasok sa kweba mo?"

" Oo naman, halika dito. Sandali lamang at maglalagay ako ng mga ilaw. Alam kong hirap kang makakita sa dilim." agad itong kumuha ng mga sulo at ikinabit sa bawat sulok ng kweba.

Maluwag ang loob ng kweba ni Gin. Sa bandang dulo ay naroon ang isang tila papag na maraming tuyong dayami.

Sa ibabaw nito at may makapal na sapin na tila balat ng hayop. Mayroon ding lamesa at upuan na gawa sa pinagpatong na bato. ( Kailangan ko siyang turuang gumawa ng mga gamit na gawa sa kahoy).

Wala siyang imbakan ng pagkain at tubig, dahil mukhang sa labas na niya ginawa ang kumain at uminom.

Marami kaming dapat na ihanda at gawin upang mabuhay ng maayos at komportable. Sana sa kaunting kaalaman ko ay maging maayos din ang lahat.

Dahil malapit na ang gumabi ay umalis muna si Gin upang mangaso. Habang hinhintay siya ay pinanatili kong nagbabaga ang apoy para mabilis na lang ang pagluluto ng kakainin namin.

Sa ngayon ay magtityaga muna ako sa inihaw. Bukas ay ituturo ko sa kanya kung paano ang magluto ng may sabaw.

Dalawang malalaking kuneho ang dala ng gwapo kong kasama. Nalinis na niya ito at itutuhog na lang sa kahoy. Agad kong isinalang sa baga at dahan dahan itong pinaikot upang maluto na.

"Bakit mahina ang iyong apoy? Baka hindi iyan maluto." tanong nito.

"Ganito kasi ang alam kong pagluluto. Sa baga lang at patuloy na paiikutin. Ang tawag sa amin dito ay lechon! Hindi kasi maluluto ang loob ng karne kung sa direktang apoy natin ito lulutuin. Masusunog at magiging mapait ang pagkain natin." tugon ko sa kanya.

"Ganun pala.. Hindi kasi ako nagluluto. Pasensya kana. Sana turuan mo pa ako ng maraming bagay na magagamit ko para maalagaan ka ng mabuti. " masayang wika ng binata.

"Masaya akong turuan ka. Kwentuhan mo pa ako ng mga nalalaman mo sa inyong tribo kung pwede lang? Para naman maging pamilyar ako sa kultura ninyo dito." sabi ko sa kanya.

"Oo naman, mas marami ka pang malalaman pag sinagot mo na ako.." mapang-akit na wika nito.

Parang biglang lumundag ang puso ko sa huli niyang sinabi. Ganito pala ang pakiramdam ng maligawan.

Hindi ko na lang pinahalata ang namumula kong tenga at tumalikod ng bahagya sa kanya. Sa titig pa lang niya ay parang malilimutan ko na yung sinabi ko kanina na mag getting-to-know-each-other muna kami.

Parang mahihirapan ata akong magpigil, hindi naman ako liberated na babae at di ako basta basta naaakit sa gwapo pero bakit ang lakas ng tama ko sa kanya?

Sabay naming nilantakan ang mga kuneho na pagkatagal-tagal kong inihaw. Naawa na nga siya sa akin at tinulungan akong magpaikot ng mga iyon.

Matabang na parang manok ang lasa nito.. Masarap naman pala, akala ko kasi masusuka ako. Pero dahil sa sobrang gutom ko ay talo-talo na. Kahit siguro hilaw pa iyon ay kakainin ko na.

Nang dumilim na ay pumasok na kami sa kweba. Nakakaramdam na din ako ng antok at damang-dama ko ang pagod at pangangalay ng mga braso.

"Dito kana matulog" itinuro niya ang kanyang papag na napaka komportableng tingnan.

Di ko alam pero para sa akin ay napakabango ng amoy ng tuyong damo. Medyo nahiya ako sa kanya kaya inaya ko siya na maghati na lang kami sa higaan. Tutal naman sa kanya iyon, naiilang naman akong patulugin siya sa lapag.

Agad naman siyang pumayag at humiga sa tabi ko. Nagulat ako dahil niyakap niya ang likod ko. Napahinto ako, di ko alam kung paano ako magrereact. Ngayon lang may yumakap sa akin.. Para akong hihimatayin sa kaba.

Ako sa Beast World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon