Aetòs

561 34 8
                                    


    Napatakbo ang magkapareha sa pinagmulan ng mga sigaw.

Bumungad sa kanila ang mga nakahandusay at tila wala nang buhay na mga nilalang. Dalawang beastman na sa unang tingin pa lamang ay malalaman mo nang mga feral.

Maiitim ang mga balat ng mga ito at merong tig-dalawang guhit sa katawan. Kalahati ng katawan nila ay nakapalit-anyo na isang alakdan (scorpion). Bali-bali na ang ilan sa mga paa ng mga ito at makikitang nagkaroon ng paglalaban sa paligid.

Isang malaking ibon ang nakasampa sa katawan ng isa sa mga feral. Tila nagulat pa ito nang makita sila at akmang lilipad na sana.

"Sandali! Wag ka munang umalis!" sigaw ni Naiad.

"Sino kang pangahas na tumapak sa aking teritoryo?!" pasugod na sigaw ni Gin.

"Wait lang! Wag ka muna magwala please.. Kausapin muna natin siya. Sa tingin ko ay niligtas niya tayo.. Tama ba ako?" tanong niya sa istrangherong ibon.

Base sa naaaninag niyang hitsura nito ay masasabi niyang isa itong agila. Makisig at malaking uri ng agila. Madidilaw ang mata nito at tila sinusuri siya.

Tumango lamang ang ibon.

"Ano't tila di ka yata marunong sumagot ng maayos. Hindi ka lamang pangahas, wala ka ding respeto!" galit na wika ni Gin. Nakahanda siyang lumaban sa oras na magpakita ito ng di magandang reaksyon.

Nag-aalangan man ay napilitan magbagong-anyo ang ibon. Isang matangkad na lalaking may darkbrown na buhok at puting highlights at hanggang baywang ang haba. Di na ito nag-abalang takpan ang nakakalabas na pagkalalaki.

Biglang talikod ni Naiad ng makitang magpalit-anyo ito. Namula siya sa tumambad na kakisigan ng lalaki. Hindi naman na siya dapat magulat dahil alam naman niyang karamihan ng mga beastman ay magagandang lalaki. Pero ito siya lihim na kinikilig pa din.

Maamo ang mukha nito, kabaliktaran ng fierce looking na agila. Bumagay sa hugis-pusong mukha ang dilaw na mga mata. May pagka-kayumanggi ang kulay ng balat nito. Sobrang manly tingnan. Kapansin-pansin din ang tig-dalawang guhit sa magkabilang pisngi nito. Four Stripes, mas malakas ito kay Gin.

Agad na pumasok saglit si Gin ng kweba at pagbalik ay may dala na itong pantapis. Malakas na inihagis ito sa istranghero. Nakuha naman agad nito ang ibig niyang mangyari at agad na tinakpan ang kahubdan.

Nakahalukipkip ang mga brasong hinarap ni Gin ang ibon. Buong angas niya itong pinaliguan ng beast pressure. Ngunit tila di nito iniinda ng ang lakas niya.

"Ngayon, magpaliwanag ka. Anong naganap dito?" seryosong tanong ni Gin.

"Patawarin ninyo ako sa aking kapangahasan. Nakita ko kasi ang mga iyan na nagtatangkang kunin ang iyong kapareha. Kanina pa sila nagmamasid sa inyo at humahanap ng pagkakataon. Mabuti na lamang at lumabas kayo noong na di sila nakamasid kaya nabigo ang tangkang pagdukot sa iyong kapareha." mahabang paliwanag ng istranghero.

Galit na sinugod at bigla itong sinuntok ng malakas ni Gin sa mukha. Kaya itong ilagan ng kausap ngunit di na niya ito ginawa. Nauunawaan niya ang galit nito. Kinubabawan siya ni Gin at binigyan ng sunod-sunod na pag-atake.

"Kung ganoon ay ikaw pala ang aking hinahanap!? Hindi mo kami ililigtas kung wala kang ibang pakay!" galit na wika ni Gin.

"Tama na yan! Bitawan mo siya. Sa tingin ko ay pwede natin syang makausap ng maayos. Kumalma ka muna!" mariing wika ni Naiad sa nagpupuyos sa galit na kapareha.

Gigil na Gigil man ay pinilit tumayo ni Gin at sumunod sa kapareha. Tumayo naman ang istranghero ay di pa rin nagtangkang lumaban. Nakayuko ito at tahimik na hinihintay ang mga susunod na sasabihin ng babae.

Ako sa Beast World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon