Cuties

359 17 7
                                    

( Patawad sa super late na update mga Bhing. Nasira kasi ang cp ko kaya di ako makapagsulat. Pero ngayon im back! Bawi ako. Salamat sa paghihintay. ☺️)

Dahil naipaliwanag na ni Kizu ang lahat ng naganap sa kanyang kapatid ay nawala na ang takot nito. Ang mga pagluha nito ay napalitan ng mga ngiti at saya.

"Maraming salamat po sa pagtulong ninyo sa amin. Kung hindi po dahil sa inyo ay baka wala na kami ngayon ni kuya." Nakangiting wika ni Nizu kina Naiad..

"Huwag mo na isipin iyon Nizu, ang nais ko ngayon ay mabawi mo ang lakas mo at maging malusog kana ulit. Kaya kumain ka pa.."

Hindi na nag-atubili pa ang bata at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi naman maitago ni Naiad ang kanyang pagkaaliw sa mga batang sobrang ku-cute. Nagpipigil lang siyang hawakan ang malambot na pisngi ni Nizu. Tila isang manika ang bata na may berdeng mga mata.

Kung nasa mundo niya ang magkapatid ay tiyak na makukuhang mga modelo ang mga ito dahil sa taglay na kagandahan. Pati ang mga kapareha niya na hindi maipagkakailang ubod ng gwapo at kisig. Siguradong pagkakaguluhan ang mga ito.

Napangiti si Naiad sa mga naiisip na posibleng mangyari. Siya na siguro ang pinaka mapalad na babae sa mundo kung sakali. Ang problema lang ay kung paano niya itatago ang relasyon niya sa mga ito.

"Sa susunod ko na po-problemahin ang tungkol dun, ang kailangan ko munang gawin ay magsurvive dito. Saka na ako uuwi."

Matapos niyang mapakain ang mga bata ay hindi rin siya nakaligtas sa mahigpit niyang bantay na si Gin. Nalimutan na kasi niyang kumain dahil inuna pa niyang pagmasdan at kausapin ang mga bata.

Seryoso ang mukha ni Gin, patunay na nauubusan na ito ng pasensya dahil sa atensyong inilalaan niya sa mga bata. Alam  ni Naiad ang pagkakamali kaya agad na nilambing ang kapareha.

"Babe.. Sorry na. Pangako hindi na ako magpapalipas ng gutom. Wag kana magalit please?.." Nagpapacute na wika niya kay Gin bago ito binigyan ng isang matamis na halik sa labi.

"Alam na alam mong hindi kita matitiis mahal ko.. Ang nais ko lang ay ang unahin mo ang iyong sarili. Ikaw ang pinakamahalaga sa amin at mahal na mahal kita.." Pabulong na wika ni Gin sa kapareha.

"Pangako, hindi na mauulit. Basta huwag ka na magalit ha? Kahit na ang pogi mo pa din kahit galit ka, ayoko naman na di mo ako kakausapin." Malungkot na wika ni Naiad sa kapareha.

Agad siyang niyakap ng mahigpit ni Gin at hinalikan sa noo. "Kahit na ano pa ang gawin mo, kahit kunin mo pa ang buhay ko.. Hinding-hindi ako magagalit sayo. Dahil mahal na mahal kita.. Ikaw ang buhay ko Naiad. Ikaw lang." Pabulong na wika sa kanya ni Gin.

Nangilid ang luha ni Naiad dahil sa mga sinabi ni Gin sa kanya. Tinugunan din niya ang mainit nitong halik habang pilit na nilalabanang bumuhos ang luha dahil sa sobrang na-touch siya.

"Mahal na mahal din kita Babe.. Palagi kitang pipiliing makasama. Pangako ko sayo na aalagaan ko ang aking sarili. Kaya huwag kana mag-alala diyan." Nakangiti niyang wika kay Gin.

Lumipas ang mga araw mas nagiging panatag na si Naiad dahil hindi na mailap ang mga bata. Nakikita niyang nagtitiwala na ang mga ito sa kanya. Mas madalas na din ang pagtawa ni Nizu ngunit may mga gabi pa rin na umiiyak ito sa tuwing naaalala o napapanaginipan ang sinapit ng kanilang tribo.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagmamatyag ni Aetos sa kabundukan mula sa banta ng mga feral. Kasama niya ang ilang beastman upang ma siguradong walang makakalusot na kalaban.

Dahil hindi sanay sa malamig na klima ay mas madalas na matulog si Naiad. Nakakadagdag pa sa pagiging antukin niya ang pagbubuntis. Alam niya na hindi tamang panay pagtulog na lamang ang ginagawa niya kaya naisip niyang libangin ang sarili at mga bata.

Sa umaga ay tinuturuan niya ang mga bata na gumawa ng basket at magsulsi ng mga damit. Noong una ay pinipigilan pa ni Kizu ang kapatid ng gawin ang mga ito. Labag kasi ito sa nakagisnan niyang turo ng kanilang ama. Hindi niya maatim na gumagawa ng mga gawaing bahay ang nag-iisa niyang kapatid na babae.

Ngunit dahil na din sa pagpupumilit at pagmamakaawa ng kapatid ay hinayaan na lamang niya ito sa nais na gawin. Nakikita niyang kakaiba ang pamilya na kanilang napuntahan kaya labis na pagkamangha talaga nag kanyang nararamdaman.

Ang mas ikinatutuwa niya ay ang masasarap na lasa ng mga pagkain na inihahain sa kanila ni Naiad. Nagulat pa siya noong una niyang nakitang magluto ang babae, dahil iyon ang unang beses na nakakita siya ng babaeng nagluluto. Taliwas ito sa mga kababaihan sa kanila na hindi kumikilos at ipinag-uutos lamang ang mga nais na gawin.

Nadagdagan din ang kanilang kaalaman dahil itinuturo nito sa kanilang magkapatid kung paano ang magluto. Labis din niyang ikinasiya ng matuto na siyang gumawa ng mga basket na yari sa kawayan.

Ang unang basket na nagawa niya ay ginawa niyang sisidlan ng damit ni Nizu. Bilang isang fox beastman ay mahalaga sa kanila ang mga bagong kaalaman na iyon sa iba't ibang bagay.

Namangha din siya sa paraan ng pag-iimbak nina Naiad ng kanilang mga pagkain. Pati ang mga halaman na alam niyang ginagamit sa panggagamot ay ginagawa nitong pampalasa sa pagkain.

Ang kapatid niyang si Nizu ay palaging nakasunod kay Naiad at nakikinig ng husto sa mga itinuturo nito. Ang pinaka paborito niyang parte ay ang pagkukwento nito ng mga istorya. Tinatatawag ito ni Naiad na "Fairy Tales".

Kahit na hindi niya nauunawaan ang mga salitang iyon ay gusto pa rin niya ang nakikinig sa mga kwento ng maganda at mabuting babae. Dahil lamang siya nakakilala ng isang babae na napakaraming alam sa mundo.

Nakakatuwa ang iba't-ibang kwento ng pag-ibig at pamumuhay ng mga karakter sa kwento ni Naiad. Minsan pa silang nagalit dahil hindi nila nagustuhan ang pagtrato kay Cinderella ng mga kapatid at ina-inahan nito.

May mga pagkakataon din na labanan ang istorya kaya mas mabubuhayan nh dugo silang mga kalalakihan. May isang istorya na napakahaba na hanggang ngayon ay di pa daw natatapos kaya hindi niya alam ang wakas.

Ngunit kahit na hindi pa ito tapos at tila aabutin pa daw ng ilang linggo bago niya maikwentong lahat ng nabasa niya tungkol dito, ay para sa akin ang "One Piece" ang pinakamaganda sa lahat ng kaniyang naikwento.

Minsan isang umaga ay nakarinig siya ng tinig. Hindi ito normal na tinig kaya agad niyang hinanap kung ano ang ibig sabihin ng tunog na nililikha ni Naiad.

Nakita niyang nakaupo ito sa sala katabi ang kanyang kapatid. Nakapalibot din ang naglalakihang kapareha ni Naiad at nakikinig sa maganda at malumanay niyang tinig.

"Ano po ang ginagawa niya?" Curious na tanong niya kay Khuram na nasa pintuan at nakasilip kay Naiad.

"Umaawit siya. Umalis ka nga sa harap ko at di ko makita ang aking reyna!" Galit na wika nito sa kanya. Isang malakas na konyat pa ang ibinigay sa kanya ni Khuram.

Agad na lumipat ng pwesto si Kizu habang hinahaplos ang masakit na bahagi ng kanyang ulo. Di na niya ito masyadong ininda dahil maging siya ay tila na bato-balani na sa magandang tinig ni Naiad.

May mga laro din na itinuro si Naiad sa kanila. Kaya sa tuwing tapos na sila sa mga gawin ay ito ang kanilang pinagkakaabalahan. Ang laro ay ginagamitan ng isang pahabang tabla na mga mga butas at ginagamitan ng malilit na bato o kaya minsan ay mga buto. Tinatawag niya itong 'sungka'.

Sobrang nakalilibang ang sungka kaya minsan ay inaabot na sila ng dilim sa paglalaro. Si Nizu ang madalas na manalo sa mga laban nila kaya napakaraming parusa na ang ipinapagawa nito sa kanya.

Ang mga kapareha naman ni Naiad ay mas nais na halik nito ang ibigay sa kanilang parusa. Nagtataka lang silang magkapatid dahil palaging si Khuram lang ang nabibigyan ng sampal sa tuwing nagsasabi ito ng mga kakatwang bagay.

Sa mga sumunod na araw ay tinuturuan naman sila ni Naiad na kumilala ng mga hugis. Hindi niya alam na may tawag pala sa mga hugis na nasa paligid. Pati ang mga kapareha ni Naiad ay kasama nila sa pag-aaral ng mga hugis.

Sa susunod na mga araw ay mag-aaral na daw sila bumasa kaya inuunti unti na niya ang pagtuturo sa kanila ng mga numero at letra. Hindi man nila alam kung ano ang pagbabasa ay masaya pa din sila dahil may bago na namang matututunan.

****************************************
Salamat sa suporta mga Bhing. Mag-a update ulit ako this week para makabawi sa inyo. Thank you again. ☺️🙏

Ako sa Beast World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon