Ngayon ang araw nang pagdating ng mga mangangalakal. Kaya muling magpapasama si Naiad kay Gin at mag babakasaling may mabiling kapaki-pakinabang na mga bagay at bagong pampalasa.
Bago sila umalis ay maaga na nilang isinalansan ang mga bricks na lulutuin sa mataas na temperatura. Kakailanganin nila ng maraming panggatong para dito.
Ipinapaliwanag ni Naiad ang proseso ng pagluluto ng bricks sa mga kasama. Sila muna ang maiiwan dito habang nasa labas pa siya. Si Torben ang unang bantay sa pagluluto.
Ang pagsasalansan ay dapat na balanse at may kaunting mga butas upang hindi makulob ang apoy. Kailangan itong patuloy na gatungan sa loob ng ilang oras hanggang makita nila ang tamang kulay ng mga bricks.
Pag nakuha na ang tamang temperatura at nakita na ang tamang kulay ay maaari nang tabunan ng lupa ang sinalansang mga bricks at hayaan itong lumamig nang kusa. Kinabukasan ay maaari na itong kunin at suriin.
Habang abala na sa pag gagatong si Torben ay nagpaalam na sila patungong pamilihan.
"Maaari ba akong sumama?" nahihiyang wika ni Aetos. May bitbit itong maliit na supot na gawa sa balat ng hayop.
" Oo naman, okay lang ba babe? Isama na natin si Aetos." nakangiting turan sa kapareha.
" Sige, kailangan din natin ng dagdag na taga buhat." pagsang-ayon ni Gin.
"Yey! Ang saya! Dalawa kayong ka-date ko today." hindi na siya naiilang pa sa presensiya ni Aetos at komportable na siyang kasama ito gaya ni Gin.
Agad silang nagtungo sa pamilihan, marami na rin ang mga tao doon. Tiyak na gaya nila ay ang mga mangangalakal din ang inaabangan ng mga ito.
Habang wala pa ang mga ito ay naglibot-libot muna sila sa mga tindahan. Tulad ng dati ay nagtagal na naman siya sa tindahan ng mga bigas at halamang gamot. Ngayon ay maswerte siya dahil mayroon silang wheat. Maaari na siyang gumawa ng tinapay mula dito.
Nagdagdag na din siya ng mga paminta at sibuyas. Hindi pa kasi siya nakakapagtanim kaya bumili na lang muna.
"Narito na sila! Narito na ang mga mangangalakal!" sigaw ng isang tagabantay sa gate. Agad nitong binuksan ang malaking tarangkahan.
Sunod-sunod na pumasok ang mga beastman na dala ang naglalakihang sako na gawa sa balat. Ang iba ay nakaanyong hayop at sa likod ay may kahon na gawa sa mga tabla. Sa loob nito ay may mga basket na laman ang kanilang produkto.
Nakaagaw pansin kay Naiad ang beastman na nangunguna sa mga mangangalakal. Bukod kasi sa napakagwapo nitong mukha. Napakaganda din ng mahaba at light brown nitong buhok.
Hindi lamang pala si Naiad ang nakapansin dito dahil halos lahat ng kababaihan ay ito ang dahilan ng pagpunta. Walang tigil sa pagkaway ang mga babae sa nakangiting mangangalakal.
Pagkapasok ng mga ito ay agad silang dinumog ng mga kababaihang nagpapaunahan sa atensyon ng gwapong beastman. Pilit niyang pinakalma ang mga ito at kinausap.
"Natutuwa akong muling makabalik dito at makita ang aking magagandang mga suki." pagkasabi nun ay agad na nagtilian ang mga ito.
"Ngunit sandali lamang.. Hayaan nyo muna kaming makapagpahinga at maiayos ang aming mga paninda. Nais ko kayong pagsilbihan ng mabuti kaya kung maaari lang ay bigyan nyo muna ako ng kaunting panahon. Pwede ba yun aking magagandang mga mamimili?" may pagkindat pang turan nito sa mga kababaihan.
" Walang problema aming anghel. Bibigyan ka namin ng oras at babalikan ka namin mamaya. Kaya sana ay handa kana. " wika nang isa sa mga babae.
" Napakatagal ka naming hinintay.. Ngunit para sayo ay maghihintay kaming muli."
BINABASA MO ANG
Ako sa Beast World
FantasyAno nga ba ang gagawin ng isang pinay kung siya ay mapunta sa Beast World? This is my first time writing a story. Please don't judge me.. Kung hindi ito ang nais mong istorya o genre ay huwag na lamang basahin. Maraming salamat at happy reading sa a...