"Aetos, anong gagawin natin? Bakit parang ang tagal nilang umuwi?" umiiyak pa rin siya at di mapakali habang nakatanaw sa direksyon ng gubat.
"Uuwi sila. Huwag kang masyadong mabahala dahil malalakas sila." pag-aalo ni Aetos sa kanya.
"Paano kung marami pa ang dumating? Hindi na nila kakayaning labanan yun lahat!"
"Sa tingin ko ay mga naligaw lamang ang mga colossal na iyon. Hindi sila madadagdagan pa kaya tumahan kana walang mangyayaring masama sa kanila.." mahinahong wika ni Aetos sa luhaang babae.
"Siguraduhing mo lang.. Bakit kasi di mo sila tulungan? Ikaw ang pinakamalakas sa inyong lahat."
"Hindi kita pwedeng iwan. Kahit hindi iyon sabihin sa akin ni Gin ay ikaw ang una kong po-protektahan. Ikaw ang pinakamahalaga sa aming lahat Naiad." seryosong wika ni Aetos sa kanya.
Dahil sa sinabing iyon ni Aetos ay mas lalo siyang nag-alala kay Gin. Handa nilang ibuwis ang kanilang mga buhay para sa kanya at hindi niya iyon matatanggap. Kahit isipin lang ay hindi niya kayang may mangyaring masama kay Gin.
Napasalampak na lang siya sa sahig habang umiiyak. Agad siyang niyakap ni Aetos at inalalayang makaupo. Dahil sa labis na pag-iyak ay hindi na ito makapagsalita pa. Niyakap na rin niya si Aetos at sa balikat nito umiyak.
"Kahit luhaan ang mukha mo ay napakaganda mo pa rin.." wika ni Aetos habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata.
"Nagawa mo pa talagang bolahin ako.. Aatakihin na ata ako sa puso dahil sa sobrang pag-aalala kay Gin."
"Nililibang lang kita. Kaya wag ka ng magalit.." naka pout pa ang labing wika ni Aetos sa kanya.
"Hoy, bakit ka nagpapa- cute? Kailan ka pa natuto nyan?" unti-unti na ngang nalilibang ang babae sa ginagawa ni Aetos.
"Nakita ko kay Khuram." biglang namula at nahiya si Aetos. Pero bigla itong ngumiti habang nakatingin sa kanya.
"Omg. Huh! My poor heart! Jusko kang ibon ka. Bakit ganyan ka manlibang?" tumingala siya upang hindi makita ang napakagwapong mukha ni Aetos. Biglang huminto ng kanina ay walang tigil niyang pag-iyak.
"Pasensya ka na kung hindi ako magaling makipag-usap.. Pero yung sinabi kong maganda ka.. Totoo yun. Ikaw ang pinakamagandang babae na nakita ko." seryosong wika ni Aetos.
"Bakit ngayon ka pa nagpapaka romantic? Wag muna ngayon Aetos, sobrang magulo ang utak ko. Mamaya na tayo mag-paka cheesy pag nakabalik na sila ng ligtas ha?" tugon niya kay Aetos.
"Sige mamaya na tayo mag - usap. Kung may kailangan ka pa ay sabihan mo lang ako." nakangiti pa rin ito sa kanya.
"Oo naman.. Dito muna ako sa kwarto. Nais ko munang magpahinga." agad na tumalikod si Naiad at nahiga sa kama. Bakas pa rin sa mukha ang labis na pag-aalala.
Si Aetos naman ay nag-umpisa nang magluto ng kanilang pananghalian. Batid niyang hindi pa kaya ni Naiad ang mag-isip na kumain. Baka nga hindi ito kumain kung sakaling matagalan pa rin si Gin na umuwi.
Higit isang oras pa ang lumipas at dumating na ang tatlong naiwan. Nang marinig ni Naiad ang mga yabag mula sa pintuhan ay halos liparin niya ang espasyo sa pagitan nila ni Gin. Mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa kapareha.
"Gin!! Nakabalik kana din sa wakas! Akala ko mababaliw na ako sa pag-aalala." muling pumatak ang mga luha ng babae ngunit hindi dahil sa takot kundi sa kagalakan.
"Tama na ang pagtangis mahal ko.. Sabi ko naman sayo na babalikan kita di ba? May ibibigay ako sayo.." agad nito inilabas ang isang kulay berdeng hiyas.
BINABASA MO ANG
Ako sa Beast World
FantasyAno nga ba ang gagawin ng isang pinay kung siya ay mapunta sa Beast World? This is my first time writing a story. Please don't judge me.. Kung hindi ito ang nais mong istorya o genre ay huwag na lamang basahin. Maraming salamat at happy reading sa a...