Pagkatapos kumain ay nag-ayang maligo sa talon si Naiad. Napakainit at maalinsangan kasi ang panahon. Nakadagdag pa sa init yung kasama niya. Napaka-gwapo pero parang hindi siya aware. Ang sarap titigan ng asul na mga mata nito at nakakagigil ang cleft chin na bumagay na matangos na ilong..
"Tara na? Bakit nakatulala ka diyan?" wika ni Gin.
" Ay sorry, hehe masyado mo na kasi akong naeengkanto. Di pa din ako makapaniwalang akin kana.. Ang gwapo mo po.. Anyway, let's go babe!" masigla nyang tugon.
Nakangiting pailing-iling na lamang si Gin. Hindi pa rin nya maunawaan ang ibang salita ng kapareha. Pero ang mahalaga ay masaya ito. Pinakikiramdaman pa din nya ang paligid. Mahusay magtago ang nilalang na nakamatyag sa kanila. Kahit na tatlo na ang kanyang guhit sa katawan ay di pa din nya malaman ang lokasyon nito. Ibig sabihin ay mas malakas ito sa kanya. Sa lalong madaling panahon ay dapat na silang lumikas.
(*Guhit sa katawan o Stripes- dito masusukat ang level ng lakas ng mga beastman. Mas maraming stripes ay nangangahulugang mas malakas.)
Nang makarating sa talon ay agad na hinubad ni Naiad ang mga kasuotan. Iniwang suot ang kanyang kulay pulang bikini. Agad siyang nagtampisaw sa malamig na tubig. Langoy dito at sisid doon. Di nakaligtas sa kanyang paningin ang mga isda sa ilalim ng tubig. May pang hapunan na sila.
"Gin halika na! Maligo na tayo!" tawag niya sa kapareha.
"Dito na lamang ako at babantayan kita." tugon nito.
"Please! Halika na.. Kailangan kita dito. Pwede mo bang kuskusin ang likod ko?" Ngayon niya sobrang namimiss ang sabon at shampoo, parang kahit anong gawin nya ay kulang na mabasa lang siya ng tubig. Di kumpleto ang maligo pag walang sabon at shampoo.
Sinabuyan niya ng tubig ang binata at binasa ng husto para mapilitang samahan siya sa tubig. Lihim na nagbunyi ang kalooban nang makitang bumigay na ito at nagdesisyong samahan ang pilyang kapareha.
" O sige andiyan na ako." maiksing tugon nya sa kapareha.
Paglapit niya ay agad siyang niyakap ng dalaga. Ang napakalambot na katawan ng kapareha ay nagpainit sa kanyang katawan. Hindi nito alam na ang lakas ng epekto nito sa kanya. Magdampi lamang ang kanilang balat ay labis-labis nang torture sa kanya.
"Tumalikod ka muna at hihilurin kita." wika niya sa kapareha ngunit di ito natitinag. Nakatitig lang sa kanya at tila kinakabisado ang bawat guhit at detalye ng kanyang mukha. " Ayos ka lang ba mahal ko?" nag-aalalang tanong sa kapareha.
" Gin.. Mahal kita.. Di ko alam kung bakit ambilis nito pero sigurado ako. Di ko kayang di kita kasama.. " sambit ng kapareha habang nakatitig sa mga mata nya.
Sa tinurang iyon ng dalaga ay di na siya nakapagpigil pa. Agad niyang hinalikan ang mapupula at malambot nitong mga labi. Dinama ang mapang-akit na katawan. Muli nilang pinagsaluhan ang ligaya ng kanilang pag-ibig.
Napagod man ay masaya na naman ang pilyang dalaga. Pagkatapos ng kanilang mainit na tagpo sa tubig ay inutusan niya ang kapareha na manghuli ng mga isda. Tuwang-tuwa siya kung paano nito mabilis na nahuhuli ang mga isdang itinuturo niya. Akala nya sa lupa lang mabibilis ang mga lobo, pati pala sa tubig ay napaka-agile nito.
Marami din silang nahuli, at inilagay nila ito sa malalaking dahon. Napadaan sila sa kawayanan. Excited na naman si Naiad. Biglang nagtata-takbo at nagtatalon na tila bata.
"May labong! Makakakain na ako ng labong! Kanin na lang ang kulang." masayang wika nito habang hinuhukay ang mga pausbong pa lang na mga kawayan.
"Kumakain ka din ng kahoy? Ano bang di mo kinakain mahal ko?" namamanghang wika ni Gin.
"Hahahaha! Ano ka ba kinakain talaga to! Malambot ito at dapat pakuluan sa tubig bago kainin. Ipapatikim ko sa iyo mamaya." natatawang wika ni Naiad.
" Kung saan ka masaya. Akin na at ako na ang kukuha niyan. Baka masugatan ka pa." sinaglit lang niyang hugutin ang limang usbong ng kawayan.
" Okay na yan, madami na para sa atin. Ngayon pwede bang itong mga kawayan naman ang putulin mo? Gagawa tayo ng mga basket para may lagayan ang ating mga pag-kain."
Nang makabalik sa kweba ay agad niyang inihanda ang mga ilulutong pagkain. Hinugasan muna ang mga labong na hiniwa ng maliliit na piraso. Saka muling hinugasan at piniga upang mawala ang natitirang dagta. Pagkatapos ay saka ito pinakuluang mabuti. Lalagyan niya ito ng maraming mushrooms para maging malasa. Medyo natagalan pa ito dahil gumamit sila ng bato upang magluto. Inuka lang ni Gin ang isang malaking bato para makagawa ng pansamantalang kaserola. Naisip ng dalaga na ang next project niya ay ang paggawa ng mga palayok.
Inihanda na din niya ang mga isda, sasabawan niya iyon at lalagyan ng luya, mushrooms at pakò. Sayang at wala silang nakitang sibuyas at kamatis. Wala din silang asin.
Habang nagpapakulo ay pinagputol na niya ang kapareha ng mga kawayan. Pinaputol ito sa tamang mga sukat at hinati sa tamang nipis upang makagawa siya ng basket. Medyo matigas na basket ang gagawin nila para makaya ang mga mahaharvest nilang rootcrops sa daan. Gagawa din siya ng mas simple at magaan na gawa sa dahon ng niyog kung may makikitang puno. Pagkatapos nito ay ipinakita nya kung paano ito bubuuin. Mabuti na lamang at madali itong turuan. Hindi na siya nahirapan pang ipaliwanag dahil napakadali nitong makaunawa ng mga instructions.
Hindi pa pulido ang kanilang mga nagawang basket. Sapat na para mapaglagyan ng mga luya at labong na nakuha nila. Sa susunod ay mas magiging maayos na ang kanilang gagawin.
Bago magdilim ay natapos na ang pagluluto ng dalaga. Dahon ng saging ang kanilang pinggan at baso na gawa sa kawayan ang pinaglalagyan ng sabaw. Aliw na aliw din siya sa ginawa nilang sandok at mga kubyertos na gawa sa kawayan. Napaka-husay na craftsman ng kapareha nya kaya alam nyang di siya mahihirapan sa mga susunod pa nilang mga proyekto.
Busog na busog sila pagkatapos kumain. So far ay satisfying naman ang kanilang mga pagkain. Kulang lang talaga ng asin. Naghanda na silang matulog dahil maaga pa sila kinabukasan. Tapos na din nilang ayusin ang mga dadalhin sa paglalakbay.
" Gin.." nahihiyang pagtawag niya sa kapareha.
"May kailangan ka? Anong problema?" tugon nito.
"Najejebs kasi ako..saan ako pwedeng magbanyo?"
" Ano ang najejebs?" naguguluhang tanong niya sa kapareha. Pero agad din naman niyang nakuha ang ibig sabihin ni Naiad. Kailangan pala nitong dumumi. "Ay, pasensya na di ko agad naunawaan. Halika mayroong buhanginan akong nakahanda para sayo." Agad niyang dinala sa di kalayuan at doon ito hinayaang gawin ang dapat gawin.
" Babantayan na lang kita, dito lang ako sa likod ng puno." wika ni Gin.
"Wag mo akong iiwan ha." Nag-aalalang wika ni Naiad. Ngayon lang siya nakadumi ng wala sa banyo. Mabuti na lang at may dala siyang tissue. Kaya lang sa susunod anong gagawin niya pag naubos na ito?
"Ang hassle pala magbanyo dito.. Pag-uwi natin sa tribo nyo ay tuturuan kitang gumawa ng banyo para komportable ang pag-jerbaks natin." kahit dumudumi ay nagawa pa din niyang dumaldal upang mawala ang kaba sa dilim. Tanging ilaw lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa gubat.
Pagkatapos niya ay agad na nilinis ang sarili, tinabunan at iniwan ang mabahong nakaraan sa buhangin.
Paglapit niya kay Gin ay umalingawngaw ang sigawan sa lugar kung saan nandun ang kanilang kweba.
(I'll be updating again tomorrow, so thank you for supporting me. The next chapter is dedicated to you. SALAMAT! )
BINABASA MO ANG
Ako sa Beast World
FantasyAno nga ba ang gagawin ng isang pinay kung siya ay mapunta sa Beast World? This is my first time writing a story. Please don't judge me.. Kung hindi ito ang nais mong istorya o genre ay huwag na lamang basahin. Maraming salamat at happy reading sa a...