Pagbangon ni Naiad kinabukasan ay nakahanda na lahat ng kanilang dadalhin. Maagang inayos ni Gin ang lahat upang di na niya kailangan pang magpagod.
Sa di kalayuan ay nakamasid lamang ang malaking ibon sa itaas ng puno. Inaantay na tawagin siya ng nahihimbing pang amo. Hindi na niya tinangka pang lumapit ng walang permiso dahil baka magwala na naman ang matapang na kapareha nito.
Humihikab pang lumabas ng kweba si Naiad, di alintana ang magulong ayos ng kanyang buhok. Ngumiti ito nang makita ang abala pa ding kapareha. Nagluluto ito ng kanilang almusal.
"Good morning babe!" niyakap ang likod nito at hinalikan sa pisngi.
"Magandang umaga din sayo, baka nais mo munang maghilamos at ayusin ang iyong buhok bago tayo kumain? Nakahanda na ang mga gagamitin mo." wika nito sa naglalambing na kapareha.
" Okey po, tamang-tama gutom na ako!" agad siyang tumalima at mabilis na bumalik upang kumain nang maalala niya si Aetos.
Hinanap niya ang binata. Wala ito sa paligid.. Nang may biglang tumalon galing sa puno at bumagsak malapit sa kinaroroonan nila. Si Aetos nakatalikod na bumagsak mula sa puno at kita ang puwet. Agad naman nitong isinuot ang bitbit na pantakip. Pigil tawa na naman siya sa nasaksihan.
"Ako ba ang hinahanap mo? Bumalik ako tulad ng nais mo.." nahihiyang wika nito sa kanya. Tila di ito aware sa nakakatawang entrance nya.
Tumalikod muna saglit si Naiad upang patigilin ang pagtawa. Maluha-luha na siya sa pagpipigil humalakhak. Nagtatakang nakatingin naman sa kanya ang mga lalaki.
Nang makarecover ay hinarap na niya ang tahimik na ibon.
"Magandang umaga sayo Aetos.. Nakapag-usap na kami ng aking asawa at nagpasya ako na maging tagapangalaga muna kita. Nais ko munang makilala ka pa ng lubos bago lubusang tanggapin sa aming pamilya. Yun ay kung ayos lang sayo na maghintay. Kung hindi naman ay maaari na tayong magpaalam habang maaga pa. " mahabang wika nya dito.
" Handa akong m-maghintay sayo.. Kahit matagal. B-basta kasama kita. " nauutal pa nitong tugon.
" Mabuti naman tara at kumain na tayo. Mahaba pa ang lalakbayin natin. Dapat may energy! " inabutan niya ng isda ang bagong kasama na masaya naman nitong tinanggap.
Parang nakaramdam siya ng pangingilabot sa batok. Paglingon niya ay nanlilisik na mata ni Gin ang bumungad sa kanya. Tila nagsasabing umayos siya ng pagkilos kundi ay magkakagulo na naman sila.
Walang kamalay-malay si Naiad na lihim na palang pinagbabantaan ang bago nilang kasama ng nakangiting si Gin.
"Kumain ka lang ng madami, mahal ko marami pa dito..sayo lang lahat yan.." nakangiti nitong udyok.
Pagkatapos kumain ay agad na silang nag-asikaso upang makaalis na. Bitbit ng dalawang lalaki ang kanilang mga kagamitan na nakasilid sa sakong gawa sa balat ng hayop. Ang mga basket ay pinadalang lahat ni Gin kay Aetos. Habang tanging backpack lang ang kay Naiad.
Sa unang araw pa lamang ng paglalakbay ay nasukat na ang katatagan ni Naiad. Matagal na rin kasi noong huli siyang naka-akyat ng bundok at nakauwi ng probinsiya. Mabuti na lamang at may taga buhat siya tuwing di na kayang lumakad.
Ayon kay Gin ay limang araw ang kanilang paglalakbay. Kumukuha na lamang sila sa gubat ng pagkain. Nakatulong din na nadagdagan sila ng kasama dahil mas naging madali ang pangangaso. Si Aetos na ang nangangaso habang si Gin ang nagbabantay sa kanya at katulong niya sa pagluluto at paghahanda ng mga pagkain nila.
Di niya pinalalampas ang madadaanang rootcrops at mga pagkaing halaman. Nanguha din siya ang ilang buto ng mga puno at bulaklak. Balak niyang gumawa ng isang garden para di na kailangan pang humanap ng mga gulay at iba pang pagkain. Mag-aalaga din sila ng ibon, ayon sa pagkakaalala niya ay may isang uri ng ibon dito na kahalintulad ng manok.
Sa mga oras na sila ay nagpapahinga ay ibinibilad nila ang mga balat ng hayop at mga pagkain na maaaring iimbak tulad ng kabute. Nakakapagod man ay di ito alintana ni Naiad. Masaya siya sa bagong mga karanasang ito. Magagamit na din niya ang mga nababasa at napapanood na survival techniques. Sana lang wag siyang pumalpak. T_T
Nakakapagpahinga lamang siya ng mabuti sa tuwing may nadadaanan silang kweba. Doon kasi ligtas ang pakiramdam niya at di nangangamba na na baka may dumukot o dumagit sa kanya.
Hindi halos nag-uusap ang dalawang lalaki kaya si Naiad ang gumagawa ng paraan para makapag-usap ang mga ito. Minsan ay inuutusan niya ang isa sa kanila upang itanong o hanapin ang isang bagay.
Hindi nagkakalayo ang ugali ng dalawang lalaki. Pareho silang tahimik. Magsasalita lamang kung kinakausap, lalo na si Aetos. Tila kaya nitong magpanggap na isang puno, napakahusay magblend-in sa kapaligiran.
Natutuwa si Naiad sa tuwing kinakausap siya ng dalawang kasama. Lalo na kung may mga katanungan tungkol sa mga pinagkukolekta niyang mga bagay at halaman. Masaya naman siyang ibinabahagi ang kaalaman.
Minsan naman ay inuusisa niya ang mga ito sa mga alam nilang lutuin, pagkain o paborito nilang pinagkakaabalahan. Ngunit wala siyang mahita ng matinong kasagutan sa dalawa.
Palaging sagot lamang ng mga ito ay ang pangangaso at pagpapalakas. Si Gin lang ang kahit papaano ay may alam sa pag-aalaga ng babae dahil nakikita niya ito sa ama noong kasama pa niya ang mga ito. Tinuruan din siya ng ama kung ano ang dapat gawin pag may sakit ang mga babae. Mga paghahanda lamang upang mag-alaga ng kapareha ang ilan sa alam nito.
Sa ikatlong gabi nila ng paglalakbay ay nalaman nila ang istorya ng buhay ni Aetos. Dahil buryong buryo ang babae ay si Aetos ang napagdiskitahan niyang usisain ng husto.
"Ilang taon kana Aetos?ako ay dalawampu't isang taon na."
"Dalawampu't walo na ako."
"Ako naman dalawampu't lima." sabat ni Gin.
"Nice.. Mas matanda pala kayo sa akin." wika ni Naiad.
"Aetos saang tribo ka nagmula? Bakit ka napadpad dito? Muling tanong niya dito.
" Galing ako sa Tribo ng mga Agila. Makikita ang tribo namin sa bandang kanluran, dalawang buwan na paglalakbay. Karaniwang sa kabundukan at talampas kami nakatira. Umalis ako sa tribo noong inakay pa lamang ako." wika ni Aetos.
"Inakay? Baby ka pa lang?! Paano ka nabuhay?!" nag-aalalang wika ng babae.
" Karaniwang isa hanggang tatlong itlog ang mayroon sa isang pugad ng agila. Ang oras na kami ay mapisa ay malaking swerte na. Minsan kasi ay hindi nabubuhay lahat ng itlog. Sa sitwasyon namin ng mga kapatid ko ay lahat kami napisa. Pero doon pa lang nag-uumpisa ang buhay namin. Ilang araw pa lang kami ay kailangan nang malaman kung sino ang malakas at karapat dapat mabuhay. Isang araw habang tulog ako ay itinulak ako ng aking kapatid mula sa pugad. Nasa itaas kami ng bangin ngunit mabuti na lamang at bumagsak ako sa mga dahon ng puno. Ang isa ko pang kapatid ay di pinalad. Upang mabuhay ay nagtago ako sa ilalim ng mga halaman. Tanging mga insekto sa lupa ang kinakain ko. Nang matuto akong lumipad ay mas naging mahusay akong mangaso. Mas lalo akong lumakas dahil inaatake ko lahat ng feral na aking makita. Hanggang ako na ang naging pinakamalakas sa tribo. Pinuno ng tribo ang aking ama at tagapagmana niya ang aking kapatid. Ngunit namatay ito sa pag-atake ng mga feral. Nais nila akong pumalit sa posisyon ng aking kapatid ngunit tumanggi ako at tuluyan nang nagpakalayo-layo. Tinalikuran ko na ang aking pamilya na hinayaan lamang akong mamatay ngayon ay patas na kami." mahaba at malungkot na paglalahad ni Aetos.
" Patawad.. Ipinaalala ko pa sayo ang nakaraan mo.. " malungkot na wika ni Naiad. Niyakap niya ang binata na ikinagulat nito. Agad na namula ang mukha sa pagkahiya.
" Wag kang mag-alala dahil ayos na ako.. Dahil sa kanila ay natagpuan kita. Salamat sa pagkakataon. " pabulong niyang wika sa babae.
Hindi na nagpakita ng galit si Gin kay Aetos mula noon. Dahil sa nalaman niyang di pala sila nagkakalayo ng pinagdaanan. Ang kaibahan lang ay minahal siya ng ina niya at alam niyang nangungulila ito sa kanya. Bigla siyang nangulila sa ina na matagal ding hindi nakita.
Natulog silang magkayakap ni Naiad habang sa di kalayuan ay naka bantay ang tahimik na ibon.
-Edited-
BINABASA MO ANG
Ako sa Beast World
FantasyAno nga ba ang gagawin ng isang pinay kung siya ay mapunta sa Beast World? This is my first time writing a story. Please don't judge me.. Kung hindi ito ang nais mong istorya o genre ay huwag na lamang basahin. Maraming salamat at happy reading sa a...