Muling Pagkikita

450 26 16
                                    

Sa labas ng tahanan ay isang magandang tinig ang narinig ni Naiad.

"Paumahin, alam kong isang kapangahasan ang pagtungo ko rito.. Ngunit magbabakasakali lamang ako kung nakita ninyo ang mga nawawala kong anak? Kizu at Nizu ang kanilang mga pangalan..." Mahinahong wika ng bisita.

"Ang sarap naman pakinggan ng boses nya..ang soothing."

"Babe, patuluyin mo sila. Khuram paki gising ang mga bata. Kailangan nilang makita ang ating bisita."

Agad na tumalima ang kanyang mga kapareha. Bagamat sumunod ang mga ito ay alisto pa rin sila sa posibleng panganib. Ramdam nila mula sa kanilang mga marka na interesado si Naiad sa bisitang nasa labas matapos marinig ang tinig nito na mas nagpabahala sa kanila.

Sa labas ng tahanan ay hinarap ni Gin ang mga bisita.

"Isa lamang ang aking pahihintulutang makapasok. Sino ang inyong pinuno? Nais kang makausap ng aking kabiyak." Malamig na wika ni Gin.

"Ako ang pinuno ng aming tribo." Tugon ng bisita.

"Kung ganoon, sumunod ka sa akin." Seryosong wika ni Gin na agad tumalikod at pinasunod sa kanya ang bisita.

Pagpasok niya ay agad na namangha ang pinuno sa biglang pagbabago ng temperatura. Mainit at malinis ang loob ng tahanan. Kabaligtaran ng palaging kundisyon ng ibang tahanan na minsan na niyang nakita.

May mga kakaibang kagamitan na ngayon lamang niya nakita at napaka-komportableng tingnan ng paligid. Tila hindi kasali ang tahanang ito sa hagupit na dulot ng taglamig.

Sa gitna ng maluwang na kwarto ay nakaupo ang isang magandang babae. Itim na itim ang mahaba nitong buhok na hanggang baywang. Maputi ang balat nito at may maamong mukha. Ang mga labi ay may tipid na ngiti at mapagmasid na titig ang mga mata.

Malinis ito at mabagong tingnan di gaya ng ibang kababaihan na mapanghi at nanlilimahid na sa sariling amoy at dumi. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang kakaibang kasuotan ni Naiad. . Hindi pangkaraniwang babae. Nakapaligid dito ang mga kaparehang nagkaalerto at handang magprotekta.

Agad siyang yumuko bilang tanda ng paggalang at nagpakilala.

"Paumanhin sa aking pang-aabala. Ang pangalan ko ay Gajin. Ako ang ama nina Kizu at Nizu, nakarating sa aking kaalaman na narito sila sa inyong pangangalaga-"

"AMA! Ama ko bakit ngayon ka lang!" Mula sa silid ay agad na tumakbo papalapit si Nizu sa ama. Niyakap ang ama at agad na pumalahaw.

Nakasunod sa batang babae ang kapatid na agad ding yumakap sa ama. Pigil ang luhang sumubsob sa bisig ng ama.

"Sa wakas ay nahanap ko rin kayo. Maraming salamat at buhay kayo mga anak ko.. Labis ang aking pag-alala sa inyong dalawa." Pabulong na wika ni Gajin sa mga anak. Pumikit na lamang siya upang pigilang bumagsak ang mga luhang kinikimkim.

"Ama, nais kong ipakikilala ang nagligtas sa aming mga buhay. Sila po ang nag ligtas sa amin." Wika ni Kizu na agad humarap kay Naiad.

"Maraming salamat sa ginawa ninyong kabutihan para sa aking mga anak. Hindi ko alam kung paano kayo masusuklian." Nakayukong wika ni Gajin.

"Walang anuman yun. Ako nga pala si Naiad, sila naman ang aking mga kapareha. Si Aetos ang nakakita sa mga bata na walang malay sa gubat, sila naman sina Gin, Khuram at Torben. Pleased to meet you." Nakangiting wika ni Naiad.

"Pleas- paumanhin ngunit di ko naunawaan ang huli mong binanggit." Nalilitong wika ni Gajin.

"Paumanhin, ang ibig ko lang sabihin ay ikinagagalak kitang makilala." Medyo nahihiyang sambit ni Naiad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako sa Beast World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon