Kizu At Nizu

331 20 4
                                    

Bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ni Naiad ng makita ang walang malay na mga bata. Kanina lamang ay abala siya sa pagsesermon kay Khuram ngunit naputol ito sa biglang pagpasok ni Aetos buhat ang dalawang bata.

"Ano'ng nangyari?! Sino ang mga batang iyan Aetos?" Nagulat na wika ni Naiad sa kapareha.

"Hindi ko rin alam mahal ko. Natagpuan ko lamang sila sa dulong bahagi ng gubat habang nangangaso ako." Paliwanag ni Aetos.

Hindi na nagtanong pa si Naiad at agad na kinuha ang batang babae. Agad na dinala ito malapit sa kanilang chimney. Ngunit nang mahawakang mainit ang katawan ng bata ay inilipat ito sa kwarto.

"Sobrang lamig ng katawan ng batang lalaki at inaapoy naman ng lagnat ang babae. Dali Aetos dalhin mo dito ang batang lalaki! Khuram kumuha ka pa ng mga kumot. Babe, pakidagdagan ang gatong ng apoy. Torben kailangan ko ng mainit na tubig please."

Agad na tumalima ang lahat ng kanyang kapareha. Si Sid ay agad ding lumapit upang suriin ang mga bata. Maputla ang mga ito at sobrang lamig ng katawan.

" Sa nakikita ko ay mas nasa panganib ang batang babae, masyado pa siyang maliit para maglakbay sa ganitong panahon.." Wika ni Sid matapos masuri ang mga ito.

"Kaya mo ba silang pagalingin? Please lang Sid . Iligtas mo sila.. Baka may alam kang panggagamot. Limitado lang din kasi ang alam ko sa ganitong sitwasyon." Maluha-luha na si Naiad dahil sa labis na pag-aalala sa mga batang ngayon pa lamang niya nakita.

Hindi niya kayang makakita ng mga batang may karamdaman o nasasaktan. Masyado siyang maawain sa mga bata simula pa noon. Kaya spoiled sa kanya ang mga nakababatang kapatid. Kung kaya lang niya ay ibibigay niya ang lahat ng nais ng mga ito, makita lang niya na masaya ang mga kapatid.

"Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya." Tugon ni Sid.

Agad niyang kinuha ang mga halamang gamot na dala. Pinainom ang batang babae ng katas mula sa dinikdik na dahon para bumaba ang lagnat nito.

Sinuri din ni Sid ang mga natamong sugat ng mga bata. Habang ginagamot niya ang mga galos ng batang babae ay pinupunasan naman ni Naiad ng maligamgam na tubig ang katawan nito.

Kailangan nilang mapababa ang temperatura ng katawan ng bata dahil kung hindi ay baka may masamang mangyari dito. Halos magdiliryo na kasi ang bata dahil sa taas ng lagnat nito.

"Huwag kang mag-alala sa batang lalaki, labis na pagod lang ang dahilan kaya nawalan siya ng malay. Magiging maayos din siya at baka bukas ay magising na din siya." Wika ni Sid.

"Mabuti naman. Ngayon ang batang ito na lamang ang inaalala ko. Ano kaya ang nangyari sa kanila? Bakit sila nasa gubat?"

"Bukas natin malalaman ang kasagutan mahal ko..iwan mo muna siya kay Aetos at kumain ka muna." Niyakap siya ni Gin at dinala sa hapag-kainan.

Pagkatapos kumain ay muli niyang binalikan ang mga natutulog na bata. Napakagandang pagmasdan ng hitsura ng mga ito. Ngayon lang siya nakakita ng isang napakagandang batang babae.

Tila nasa apat o limang taong gulang na ang bata. Hanggang baywang ang silver na buhok nitong medyo paalon. Maputi at may makinis na balat. Ano kaya ang kulay ng kanyang mata? Tiyak akong napakaganda niya pag nagising na ang bata..

Ang batang lalaki naman ay mayroon ding silver na buhok. Kung titingnan ang laki nito ay tila sampu hanggang labindalawang taong gulang na ang bata. Napakagwapo at magkamukhang magkamukha ang mga bata. Hindi maitatanggi na magkapatid ang mga ito.

"Babe, ilipat natin sa kwarto ni Aetos ang mga bata. Dito na muna sa kwarto natin si Aetos. Sino kaya ang pwedeng magbantay sa kanila ngayong gabi?" Tanong ni Naiad kay Gin.

Ako sa Beast World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon